Julie's POV:
"Ito ang exam scores nyo. Kung nakascore kayo ng 40above pasado na kayo... AJ 45/100 , Fierce, 40/100, Chris 50, Oppus 70 very good, Prince 60 nice, Ria 65 good, Morata 50, Torcino 50, Julie Azura 90 wow! Almost perfect, very good. Nikko Park 40 hmmm. Frost Zero... hanggang sa matapos niya kaming lahat. So.... Mr. Frost Sabre, ikaw lang ang nakakuha ng Zero. All quizzes and Exam. Maganda yang gawaing yan, ipagpatuloy mo*smirk*" grabe naman tong si Sir. Ipapahiya talaga si Frost.
Pero bakit ganun si Frost, dati puro perfect pero ngayon puro perfect circe? Nyare?
"Finished?" Inaantok na tanong ni Frost. Nang aasar pa talaga to.
May sinulat si Sir sa pisara, at habang nagsusulat siya kinuha ko un bilang chance para tanungin si Frost dahil katabi ko din lang naman siya.
"Ui Frost hindi ka nagreview ano?" Pabulong lang syempre baka madamay ako sa galit ni Sir Lipkiss. What a teacher-_-
"Kailangan pa ba yan?" Pabulong din niya. Buti naman at alam niya bumulong kundi patay ako.
"Oo, lagi ka na lang zero bestfriend loko ka"
"Ganun ba best? Patingin nga ng notes mo" ha?
Ayun nga at pinakita ko sakanya. Simula sa lesson na nabagsak siya.
Mabilis niya lang tinignan at nililipat ang bawat pahina. Parang may hinahanap siya na kung anong nasigpit sa notebook ko. Nakakacurious tong taong to.10 pages yun at ilang segundo lang binalik na niya.
"Anong ginawa mo?" Tanong ko sakanya.
"Review." Tipid niyang sagot habang tinitignan si Sir na nagsusulat sa harap. Ha? Srsly?
Pagkatapos maisulat ni Sir ang mahaba at mahirap na kahit ako siguro ay umupo na siya sa mesa niya.
"Mr. Frost come in front and solve this with all your might" lagot. Ako kinakabahan para sakanya eh.
Tumayo si Frost para sagutin ang nasa pisara. Lagot ka niyan. Ay meron yan sa example eh! Nasa notes ko pa nga. Tinetest ba ni sir kung nangongopya siya?
Nakaharap samin si Sir at tinatalikuran si Frost sa pisara. Ang nakakaloko inerase niya ang sinulat ni Sir. Ano bang trip mo Frost!
Anong ginagawa niya? Dinrowing si Sir na... pfffft. Panot yung ulo, nakaturo sa isang pisara yung kanang kamay tapos yung left nangungulangot? Yung hinliliit at hintuturo nasa dalawang butas ng ilong niya na para bang naka Rock-n-roll sign. Ahahaha! Ang nakakaloko lang, Yung dinrowing niyang pisara nandun yung tanong at agot! Tinignan ko yung notebook ko, sheyms tama! Pano nangyari yun?
Umupo na si Frost ng walang paalam at tumingin naman si Sir sa pinaggagagawa ni Frost sa harap at kakikitaan ng inis... at galit! Ahaha.
Hindi pa nakuntento si Sir at gumawa ng panibago. Binura niya muna yung drawing ni Frost bago nagsulat. Chaka tinawag ulit si Frost para sagutan ang sinulat niya.
Bored na sinagutan ni Frost ang nasa pisara. At kahit ako mahihirapan na talaga dun, pero siya?....
"TAMA!? Paanong zero ka niyan? Pero hindi ako ganyan magturo, yang mga drawing mo! Pati sa exam paper mo! Dismiss na nga! Badvibes." Binura na niya At nauna pang umalis si Sir.
Kung kaninang pigil namin ang tawa namin lalo na si Ria ay napalitan ng pagkamangha, dahil sa alam ni Frost ang sagot. Pero hindi lang yun ang gumugulo sa isip ko, kung paano niya din naisaulo yun sa bilis ng pag scan sa notes ko! Seryoso!
......
Kasalukuyan kaming nasa tambayan para sa pananghalian. Hindi talaga maalis sa isip ko yung kanina, nasaulo niya yun ng ganun kabilis?