Sabdoys!

14 1 1
                                    

Julie's POV:

"Waaaaaaaaaa!!! Guys awat na! Parang awa!....." Mga kalokohan talaga nila eh! To da maximum level!

Bakit? Eto kase nangyari.

.
.
.

Kahapon, papunta na kami sa canteen--- teka! Asan yung flashback kuya Author!

*FLASHBACK* xD

Ayan! Papunta na kami sa canteen. Kasama si Frost at yung dalawang bagong tropa niya, si Chris at Fierce.

*sprukanekerkz booogsshh*(lame xD)
"Aray"! May kung anong tumama sa ulo ko! Pagka mulat ng mata ko, buhat buhat na ako ni Frost! Parang.... Bridal style! Pero wengya nahihilo talaga ako. pumikit muna ako saglit. Nakatulog yata ako.

Frost! Ikaw magkwento!


Frost POV:

Putek yan! Nawalan ng malay si Juliebee!!! Ano nang gagawin ko! Buhay pa ba yan! May mamamatay sa school ko! Teka yung salarin asan na yun, malalagot siya dito. Dadating pa ang SOCO, NBI, P.I , Imbestigador at T3!!!

"Walang hiya! Ano gagawin ko sa corpse na to! RiP JulieBee na ba?(... hmmm, ambulansya!...)Fierce tumawag ka ng ambulansya! Chris hanapin mo yung may gawa neto!" Di ko na alam pinag gagagawa ko dahil sa taranta! Di ko na alam!!! Basta buhat buhat ko naman na siya! Nag taka ako ganito ko ba bubuhatin to? Pano kung may putol sa leeg ito? Basag yung buto neto sa leeg? Tapos kapag binuhat ko ng ganito lumala? Maalis ulo niya! Waaaaaa!

Sa pag mamadali, di ko alam naka para na ako ng.... Jeep? Srsly?

Nako wala na akong pake. Sumakay na ako habang maingat na binubuhat si Julie paloob. Pero saglit! Katahimikan! May naisip ako! Ahaha.

May mag shota kase at ang sweeeeeet sweet nila. Walang Forever oyy! At dahil nga sa #BadBoy ako, dun ako sa gitna nila umupo. Ahaha effective! Naghiwalay sila. Pinaupo ko ng dahan dahan si JilieBee sa side ko. Pero yung magshota? Ahaha nasa magkabilang side namin. Ahahaha. THUG LIFE!

Pero alam niyo, kahit sino, o kung ano man ang dumating sainyong dalawa, kung mahal niyo ang isat isa hindi kayo mag hihiwalay. Kahit ano pang pumagitna sainyo. Frost's Words of Wisdom 101! Ahaha.

Oh yeah~

"Jeep?!" Mabuti gising na siya!!! "Bakit nasa jeep ako? Frost!!?" Ou nga noh? May sasakyan pala ako! for Red Rum's sake!!! OmO

"Ah. Ahmmm... ewan ko din eh. San galing tong Jeep na to. HeHe!" Frost! Kalma ka kase kung minsan. Yang kape kase! oo kasalanan nung kape!

"Naman eh! San ba tayo pupunta?!"

"Hospital? :D" saan pa ba?


*****
Ako na magkwento!
Julie's POV:

hospital?
"Ano ba Frost!? Nahilo lang ako saglit eh! Baka nga dahil pa ito sa gutom ko." Grabe siya oh. Pero oo nga noh, asan libre ko?

"Hmmm Guys okay lang kayo?" Napalingon ako sa nagsalitang lalake sa tabi ko.

"Oo, okay na ako".

"Napano ka Julie?" Tanong ng isang babaeng katabi ni Frost.

"May tumamang kung anong bagay saken kanina. Nahilo lang ako saglit pero ngayun okay na ko".

"Ah mabuti naman kung ganun. Mukhang alalang alala si Frost sayo kanina. Hihihi" cute niya tumawa oh!^^

Tinignan ko naman si Frost na kanina pa nagtataka. Ahhh! Ahaha. Alam ko na.

Against My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon