To meet U guys

22 2 2
                                    



Her POV:




Grabe lang. Hiyang hiya naman ako sa itsura ko sa mga kasama ko. Litaw ang pagiging mahirap ko sakanila. Ako na ang mukang inalipin buong buhay ko. Ako na ang itsurang basahan ang suot, ihahalele ko kayo mga damit ko mamaya ha. Ako na talaga ang mahirap. Kaawa awa ka Julie! Buti kilala ko pa sarili ko, inaalala ko lang kase baka madumihan ko yung upuan ng mamahaling kotse... teka try ko alalahanin lahat. Bilang pagpapakilala na rin xD
Ako nga pala si Julie B. Azura, sakto lang ang estado ng pamumuhay namin. Mag isa n lng si mama kumakayod para saming magkapatid bilang kasambahay. Wala na si papa, sumakabilang bahay na, kinuha na sya ni kabet. Nagpapadala naman sya bilang tulong pinansyal samin pero dahil salat din sa pamumuhay sila ng iba na nyang pamilya ay di ganong kalakihan ang binibigay nya at Once in a Rare blue moon lang. Kaya iniintindi ko na lang. Si kuya naman buti tapos na sa pag aaral at lumuwas ng maynila para mag hanap ng trabaho. Samantalang ako nag aaral pa, pero promise pag tapos na ko at nagkatrabaho lahat ng sweldo ko para itutulong ko dun sa bahay, lalo kay mama para di na sya magtrabaho.

Natigil ang pagpapakilala nang mahinto ang sasakyan... nasa tapat na pala kami ng bahay.




Pagkababa ko na pagkababa, tinginan sila saken. Ai hindi pala, dito pala sa mga kasama ko, ikaw ba naman ang ang makakita ng magaganda at ang gwapo, na parang mga artista. Idagdag pa ang sasakyan at suot nila. Umurong ata yung mga nagkikislapang mata, abot tengang ngiti at kilig nila na parang naiihi, nang mapansin nila ako. Sabi ko nga, sila lng yung mukhang artista at mayaman hindi ako. (_ _') Napatungo n lang ako dahil sa hiya. Di ako sanay na pinagtitinginan. Takot ako sa maraming tao. Hanggang sa makapasok ako sa bahay.
Bakit ba kasi nagpumilit pa silang ihatid ako dito ee.

Ai ou nga pala... "Ahmm. Guys tuloy kayo. Pagpasensyahan nyo na tong bahay ha. May kasikipan kasi talaga".
Pinapasok ko na sila bago pa magkagulo dun sa labas ng bahay. Kaso nakakahiya sakanila tong bahay. Mukhang di talaga sila sanay eh. 'Yun lang!

"Ai nako Julie 'di naman kami mapiling tao eh. Kaya ayos na ayos lang". Sabi ni Ria, at ngumiti pagkatapos. Ang ganda nya lang. Kung ganyan din kaya ayos ko? Ano kaya itsura ko? Wag na umasa Julie. Mahirap umasa -.-

"Ate Julie ayos lang po. Kapag friend po namin wala po kaming pake sa kung anong estado sa buhay meron sya" sabi ni Near. Ngumiti sya at ikinawit ang kamay nya sa kamay ko. Ang cute naman neto. Ang bait pa.

"Oo nga po ate, kaya sana po walang ilangan" sabi naman ni Fear, sabay yakap saken. Ang sweet at ang cu-cute ng mga to! -^^- ayun nga lng mejo hirap pa akong kilalanin kung sino si Fear at Near. Buti na lng may mole si Fear. Hehe!

"Narinig mo naman sinabi nila, kung okay sakanila, mas okay saken". Ang gwapo din neto lalo kung nakangiti.

Nagpatuloy ang kwentohan habang nagmimeryenda. At nag abala pa talaga silang magbigay ng pasalubong kay nanay.

Kala ko ba mga suplada at suplado tong mga to gaya ng balibalita sa skul. Pero parang baliktad naman.
Di nga sila ganun ka sama gaya ng akala ko nuon. Ang babait nga nila eh. Ang pananaw ko kase sa buhay, basta mayaman mga maldita at mayayabang mga yan. Spoiled na spoiled kumbaga. Mantakin nga naman daig pa ang nagsusunog ng pera kung gumastos sila. Parang papel lang eh, bastusan lng? Ako nga tipid na tipid na sa papel sa pera pa kaya? Lagi nga akong nasasabihan ng kuripot eh, anong kuripot dun kung sadyang nahtitipid lang talaga para makapag ipon diba? Teka nalayo na na un topic, asan n ba ako... ai eto na pala. Pero sila mukhang hindi naman, ewan ko lang pala. At isa pa, they even bothered helping me out nung nabully ako, of all the people! Sanay naman na ako eh. Tiis lang naman. Lahat naman ata ng bagay eh nakukuha sa sanayan, dba?

Mukhka naman silang sincere sa pagtulong sakin kanina kaya naman nakipag friends n ko. Sila pa nga nag ayos saken sa cr kanina kase kakatapos ko umiyak pero syempre hindi kasama si Frost. Ano n lng kaya itsura ko kanina, mas lalong pumanget. Natural. Oo nga mahal ang tuition dun pero may scholarship naman ako. woi! Di ako nerd ha, sakto lng yung talino ko para sa scholarship na 'yon. Kung mayaman lang sana kami eh. Minsan talaga napaka unfair ng mundo. Really. Pero di ko na msyado pinapansin yon. Ayoko magmukmok at sisihin ang mundo sa pagka unfair, nasa saten naman kase kung pano natin iyon tanggapin at tignan kung saang banda tayong mahihirap at mayayaman nagiging fair. Diba? Pero teka, ang layo ng nilakbay ng isip ko, parang pitong bundok! Di ko napansin na gumagabi na pala. Di lang pala ako. Sila din pala, mukhang napasarap ang kwentuhan nila ni mama. Ako kase lutang ang isip.

"Nako Manang Turling paalam na po, gumagabi na po kase. Julie una na kami. Salamat po:)". Masayang sabi ni Ria.

"Bye po Tita at ate Julie!" Ni Near.

"Balik na lng po kami ulet" sabi naman ni Fear.

At yumakap saken yung kambal. Syempre niyakap ko din sila pabalik.

"Ahhmmm. Julie kita na lng ulet bukas. Ah Yaya turling, una na kami salamat po ha".

"Walang anuman iho at mga iha, balik ulet kayo sa sunod ha. Ingat kayo sa daan". pagpapaalam naman ni mama.

"Ah, wala iyon. Osige ingat kayo ha. Salamat ulet sa inyo". Sabi ko at ngumiti sakanila.

Nag bless pa sila kag mama at ayun na nga nagpaalam na sila.

Nag wave pa ako sakanila. nga pala kaunti na lang taong nakakita sakanilang umalis galing sa bahay.
Pero chismis na naman to bukas panigurado-_-'

Pero teka, ano na nga pala ulet un! 'Yaya'? Si mama? Yan ang hirap 'pag lutang ang isip sa gitna ng usapan. Haiyz.

Di bale na nga. Okay na tong araw na to saken. Ngayun lang ako magpapasalamat na nabully ako. Salamat mga bully!!! Ahaha. I've met  My 'Real' Friends :)

Against My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon