Intrams part 2

5 1 3
                                    

Near's POV:

Second day...

Sa swimming, panalo ang class 4A. Boring xD

Nagtataka ba kayo bakit sa tropa kami sumama ni bal? At hindi sa klase namin? Boring dun eh, puro pakitang tao lang kasama namin, dahil sa sikat ako, si kambal kase sikat din kaso di gaano, pano di yan friendly. Mas gusto sa tahimik, o kaya mas gusto kasama si kuya. Mas close pa sila ni kuya kesa sakin na bal niya eh. Ako kase, ako yung taong gusto ko friends na agad, walang parang pader na nakaharang, walang ilangan. Palakwento ako, masiyahin, athletic cheerful at lahat ng masasayang bagay na maisipan ko ginagawa ko. Lahat ng un kabaliktaran ni bal. Pero same kaming maganda ahaha. Aish tama na nga yan. Di ako sumali sa kahit anong event ngayon kasi gusto kong panuorin si Kuya, ngayong year lang siya sumali sa intrams eh. At masasabi kong... ang lame niya maglaro! Turn off kuya! Babye fans na ahaha!

Dito kami sa Dance competition. May tig limang representative ang bawat section. May 4 sections, so 20 silang maglalaban laban. Kanya kanyang attire at props, kung saan ka kumportable dun ka.

Nauna na ang class 4B, sina ate Lea at kaklase niya. Naks, nauna yung apat niyang kaklase bago siya, ang astig lang, normal attire lang sakanya pero yung props, nako malaking pamaypay. Pero ang astig niya talaga, di ko alam kung anung sayaw yun eh, pero gusto ko din matuto ng ganun:3
Nagkatinginan kami ni bal at, alam ko na. Same kami ng iniisip ahaha!

Class 4A naman, puro hip hop-_- di ako mahilig jan, yung bang parang pang street dancing ganun, yung maangas na sinabayan pa ng attire nila na yung isa punit punit kunwari un damit, un isa sundalo na madungis, yung isa parang taong grasa tapos un isa parang yung baliw sa plaza. Pfft ahaha! Totoo, ganun itsura nila! Tapos maangas pa sayaw nila. Solo solo kasi ang competition na ito, so malamang hindi by group.

Class4C naman, makalumang sayaw, may naka ano na yung tawag sa partner ng barong? Barong sa lalake tapos ano na sa babae? Ah basta ganun, ahaha. Tapos may nag interpretative dance pa. Okay na din, grabe tumatapat yung galawan nung isa kay ate Lea ha. Magaling din yung isa.

At eto na, Class 4D. Tinginan kami ni bal, excited na kaming makita si ate Ria. Tinginan pa lang nagkakaintindihan na! XD

Una si ate Ria dahil sa pakitang sikat siya, ahahaha peace ate! ang galing niya lang, tapos ang astig. Ano na kasing sayaw yan, yung modern na sayaw na may halong sayaw kpop. Ang lambot lang ng katawan niya! Grabe siya nanaman yata mananalo eh. Last yr lang siya nagka interest sumali xD
Sunod si ate Junea, na OMG magaling din sumayaw, simpleng steps pero ang galing! Napatingin ako kay kuya Prince na.... naks! Ayieee kenekeleg sye. Pasimple pa siyang sinisiko siko nila Frost. Ahaha at si ate Junea naman habang sumasayaw nakatingin siya kay kuya Prince. Woooooo! Kayo na ang may Forever! Ahaha.

Dun naman tayo kina ate Cindy at ate Dolly. Halos parehas sila, yung kay ate Cindy lang may pagka hip hop at yung kay ate Dolly may pagka sexy dance.
Natahimik si kuya Fierce at nakatitig lang kay ate Dolly at nung si ate Cindy naman ang sumasayaw napanganga naman si kuya Chris, buti naman at natigil siya sa kakahugot niya dahil sa sayaw ni ate Cindy. Napatingin ako kay bal at ganun din siya sakin, napangiti kami, ahahaha! Eheeeem! We saw something! Something na smells fishy xD yiiieee! Buti na lang talaga kamo at tinamaan na yata si kuya Chris kay ate Cindy. Hugot ng hugot eh, kapag kausap mo isang word lang na related sa love huhugutan niya, pati yung bola kanina sabi niya 'buti pa yung bola sa volleyball, hindi hinahayaang mahulog mag isa' mga ganung hugot. Grabe na lang sakit ng napag daanan niya at hugot ng hugot, umabot na yata sa point na pati lupain at bigas binigay na niya. Aahahah!

At eto na, kay ate Julie. Mukhang napilitan lang sumali, ahaha. Cheer ng cheer si kuya Frost para sa bestfriend nya. Naks. Pero nung sumayaw na si ate Julie wow lang, hula ko siya yung mananalo ngayon eh. Ang cute at mas gumanda pa siya, simpleng ganda, simpleng moves, steps na sayaw lang pero Wow! Ang galing talaga. May part na mabilis na simple tapos biglang babagal tapos mag sesexy dance tapos mejo aangas na ewan tapos slow sexy dance.... grabe ang galing niya talaga. Promise. Kung ako kay kuya Frost nainlove na ako dito. Pero mukhang bestfriends lang talaga sila. Soyong nomon. Kung gusto ko si Ate Julie para kay kuya, malamang ganun din si bal. Halata eh, tinginan pa lang namin nagkakaintindihan na, kambal kami talaga! Ahaha!

At ayun nga, third si Ate Junea, ate Ria at sabi na nga eh si Ate Julie. Kung makita nyo lang sana reaction ng buong tropa nako. Kulang ang words na Masaya at magulo para idescribe! Ahahaha.

Ria's POV:

Sa running naman, Si Prince ang representative ng class. At dahil sa loko loko kami ni NT, ai siya lang pala ahaha. May naisipan kaming strategy para manalo si Prince. Ahaha.

Bago mag start kinausap muna namin si Junea. Sinabi naming sabihin niya kay Prince na mag bebreak sila kung hindi manalo si Prince. Ahahaha.

At effective nga! Dahil sa hindi pa nagbibiro ang mag syota ng mga 'magbebreak tayo' lines eh kita sa itsura ni Prince ang pagpupursigi.

"Ayan ang tinatawag na 'Determination at Motivation' ahaha" loko lokong sabi ni NT chaka kami nagtawanan lahat, si Fear ay napa-pfft pa! Akalain nyo un. Ahaha!
Dahil sa itsura ni Prince na halos gumapang na at talo pa ang pinagod na may sakit na hika atleast nanalo nga naman pero mukhang mamamatay na at eto alalang alala si Junea. ahaha!

"Dibaleng naghirap ka ng ganyan, naka score ka naman" amputik ng pampagaan ng loob ni AJ.

"Ahahaha!" Di namin mapigilan matawa, si Junea at si Fear Hihihi ang tawa. Sawakas narinig na namin matawa si Fear. Ahaha!

"Loko k-kayo *inhale-exhale* ma-m-matay na ak-ako da-dahil sa *hinga ng malalim* kagaguhan n-niyo" namamatay na reklamo ni Prince. Ahahaha!

"Worth it..." Sabi ni Fear at dun kami natigilan at napatingin sakanya... "Bakit?" Hindi kami ganun kasanay na naririnig magsalita si Fear. Hindi na siya ganun katahimik gaya ng dati! Ahaha.

"Wala naman ahaha" natatawang sabi namin except kay Frost na sanay na kay Fear, kasi sakanya lang madaldal si Fear.

.....

Ilan pang games ang pinagtripan nila Frost at pinatalo dahil sa walanghiyang kalokohan nila. Hindi ko alam kung nagtitrip sila, o sadyang malakas lang ang loob nila kahit di naman sila marunong. At ito lang ang masasabi ko, hindi boring ang Intrams dahil sakanila! Ahaha.

*****

A/N: kambal ang "intrams" chapters. Kaya bida ang kambal. Ahaha.

"Hello. Eto nga pala yung dugtong nung sinabi ni bal sa nakaraang chapter..."

"and TRUE words aren't always PRETTY"
-Fear Sabre po hihi:')

Ngayun lang magsalita, sulitin na xD

Against My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon