Past

6 1 0
                                    

*fast forward*

Fear's POV:

Yiiiieee! Pers taym yata ng POV ko ahaha!

Oo tahimik ako pero yung isip ko magulo! Makulit! At dito nakatago lahat ng panlabas kong emosyon ahaha.

Ang sabi ng iba mas okay daw kasama si Bal. Ang iba naman, sabi loner daw ako. Di ko lang sila pinapansin, wala naman akong pake. Chaka mas okay din minsan maging loner eh, No one can hurt me.

Ilang taon at buwan na ang lumipas. At masasabi kong  napakasarap mapabilang sa 'tropa'.
College na kami ngayon, at sama sama parin. Sa ngayon ay last year na nila kuya, at kami ni Bal na gumaya lang sa course nilang engineering ay may isa pang matitirang taon na puno ng sakit at pagpapahirap at pwede ng kasuhan dahil sa mental abuses dala ng math at iba pang subjects na ginagawa kaming walking calculator.

Ilang ups and downs na ang napagdaanan namin. Hindi lang puro saya. May lungkot din sa tropa, at sa personal na buhay ng isa samin.

Ako ang nag iisang silent type sa tropa. Minsan kase mas gusto ko na lang maging emotionless na tao. Para walang sakit. Naniniwala kasi ako na kung masaya ka, dadating yung time na malungkot ka. Na yung time na masaya ka, may ibang tao naman na malungkot. Kaya kung malungkot ka ngayon, intindihin mo na lang na turn naman ng taong iyon maging masaya. Kumbaga laging balanse lang lahat.

Pero kung dati super tahimik ko, ngayun ay mejo nakikipagsabayan na din ako sa mga biruan nila. Pero hindi ganun ka grabe.
Siguro nakasanayan ko lang talaga maging tahimik. Pero hindi kay kuya Frost. Siya kasi yung taong alam kong mahihingian ko ng tulong at laging nanjan para samin.

At dahil sa tahimik ako, masekreto talaga akong tao. Gaya na lang ng secret namin ni kuya na kada isang buwan ang lumipas narereset ang alaala niya. O yung tinatawag kong '22nd' na basta paggising ni kuya sa  umaga ng ika-22 ng bagong buwan nawawala lahat ng alaala niya. Alam kong masakit para sakanya na sa gabi ng 21 ay ayaw niyang matulog dahil mahirap nga naman tanggapin na ang mga masasayang alaala ay makakalimutan mo.

Sa kwarto ko makikita ang mistulang alaala ni kuya, dahil nga nandito lahat ng drawing niya at mga litrato ng mga taong malapit sakanya. Maaalala niya naman kung sino at ano ang ugali nila pero hindi yung mga ginawa nila ng magkasama. Kaya ginagawa ko nagsusulat ako ng diary. Diary ni kuya Frost. Nakasulat dito ang mga mahahalagang detalye sa bawat nakaraang buwan na ipapabasa ko sakanya, at minsan inuunahan ko na siya ng isang sagot na 'oo kuya' dahil memorize ko na ang linya niya na 'ginawa ko yan kasama sila?' sa unang reaction niya pagkabasa ng diary.

Minsan nga nagtataka na ang tropa dahil minsan hindi relate si kuya sa usapang throwback. Napagbibintangan tuloy siya na ulyanin. Hindi namin alam paano ieexplain sakanila, natatakot kami sa mga magiging reaction nila kung nalaman nila.

Kasalanan ko ito eh. Lahat ng to kasalanan ko... nakakaguilty... wala akong magawa para tulungang mawala ang 22nd ni kuya. Kung di ko lang sana inabot ang kamay ni kuya.

Yun ang dahilan bakit takot ako sa dilim. Bumabalik ang alaalang yun. Na paminsan minsan napapanaginipan ko at tinuturing kong bangungot. At dahil sa takot ko, nagigising ako at pumupunta ako sa kwarto ni kuya dahil ayoko yung feeling na parang mawawala na siya....

Dahil sakin.



Frost's POV:

Ang bilis ng panahon... at araw. Bukas ang araw ng kinatatakutan ko. Hindi ko alam ang magiging ako bukas. Kung ako ba yung dating tahimik, o yung walang pake sa lahat, o ang malala yung ako na di ko macontrol ang sarili at makakasakit ng kapwa. Paano kung may violent reaction ako tungkol sa nakaraan? Paano kung ako din pala ang bubuwag ng tropa? Ayoko mang yari yun, dun masaya kaming lahat, lalo si Fear na unti unting nagbabago. Na parang pamilya na kami sa tropa.

Against My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon