Frost's POV:
Ito na! Kasama ko na si pantasya! Yung elf. Oo pinangalanan ko na, di ko pa kase alam name nya hanggang ngayon. Ang ganda nya lng, parang diwata. Lalo nung nasisinagan sya ng araw. Parang gusto ko na dito tumira kasama sya. Yang mga ngiti nyang yan. Nako nako. Anong toothpaste kaya gamit nya at ganyan na lang kumislap yung mga ngipin nya, nakakadagdag ganda sakanya, nakapartner pa sa kissable li...
*talk talk talk*
Astig ng sound effects noh? Pero teka, ibig sabihin...... NO0o.o0OO!!! Alam kong panaginip to pero wag muna! Pantasya wag mo akong iwanan!... iwan!... wan... nnn...
"Gising K-kuya Frost. Huhuhu" umiiyak na sabi ni Fear.
Yung echo nagdala eh ahaha! Pero, Wala na:( Anong oras pa lang oh. 3:30am for pete's sake! Teka, Ah binangungot nanaman to, ganyan kase yan, simula pagkabata. Kaya nilapit na lang yung kwarto nya sa kwarto ko. Dahil nga madalas wala sila mama, sakin sya pumupunta tuwing binabangungot sya. Takot kase sya sa unknown creatures, yun bang multo. Kaya di yan natutulog ng nakapatay ang ilaw. Kaya kapag binangungot ayaw nya mag isa, maiiyak yan. Kung anu ano tumatakbo sa imagination nya eh. Eh di naman sya maka punta sa kambal nya, bakit? Eh sa di makatulog si Near ng bukas ang ilaw. Kaya sakin sya pumupunta.
"Osige tabi ka na saken. Di ko i o off yung ilaw, chaka babantayan muna kita bago ako matulog ulet, pramis". Ako naman ang hirap makatulog ulet, kung nagising ako hirap ko ng kunin agad ang tulog ko. Lalo na at naka on ang ilaw.
Dodota na lang ako. Meron talaga akong PC dito sa kwarto ko, prepared na yan, in case of emergency. Ahaha. De para sa ganitong sitwasyon.
"Kuya Frost" kala ko tulog na-.-
"Oh bakit Fear"?
"Salamat:)".
"Wala un. Syempre kapatid kita, pagbalibaliktarin man ang mundo di magbabago yun. At tayo din lang naman ang magtutulungan diba"?
"Thanks talaga kuya ha, nga pala may tanong ako". Di ko alam tumatakbo sa utak neto, madalas lang kase tahimik eh.
"Hmmm. Ano un"? Curious nga din nman ako.
"Kuya bakit hanggang ngayon wala ka pang kaibigan"? Lovelife? Nako di uso sakin yan. Ahaha.
"Wala yata kaseng bala yung pana ni kupido eh ehehe".
"Di yan ibig sabihin ko, pero pwede na din, nanjan naman si ate Julie eh ahah. Pero i mean yung tropa, ganun". Ai, dumadaldal na sya pagka love love yung topic.
Ano? Cno? Si julie? Nako nako. Di pa sumagi sa inosenteng pag iisip ko yang love love eh. Dont pollute my innocent mind. Ahaha. Parang usok lng ang love eh noh, pollution. Ahaha. Pero teka, Hmmmm... Oo nga noh? Bakit nga ba? Teka, isip! isip! Jimmy neutron lng eh noh? Pero eto di nga, kapag kase di ko trip kausapin yung tao di ko pinapansin eh. chaka wala naman kumakausap sakin sa skul, kaya ayun walang tropa.
"Ahmmm..." nakatulog na pala, sa lalim ng pag iisip ko. Kawawa naman, naghintay ata ng sagot.
Ang active na ng utak ko tuloy, wala na, dota na thisss. Rak na ituuuu :3
Naka 2games lang ako. Kaso di ako msyado nakapag seryoso. 1win 1lose! Kase naman wala nga naman akong tropa tropa sa skul. Bukod sa mga walking coloring books ay chix pala na umaali aligid sakin at sinusubukang makipag landi este usap sakin ay wala na. Di ko naman trip yung ganong pag uugali eh, yung iba may bf pa. Timer lng mga atih? Sa gwapo kong to, ta timerin mo? No freaking way! Ahaha. Pero eto na nga, ano kaya kung maghanap ako ng tropa mamaya? Pero baka bad influence lang sila? Tapos di na ko nagiging mabuting kuya kina Fear at Near. Pero pag di mabuti mga ugali nila pwede ko naman sila pagsusuntukin, tadyak at palo ng tubo, ahaha ang astig! de joke. Edi di ko sila gawing friends. Diba? Osige! Sounds like a plan.