Sapphire’s POV
Paalis na sana ako ng tawagin ako ni mommy.
“Sapphire anak hindi ka ba kakain ng agahan mo?”.
“Hindi na po mama malelate na po kasi ako, sa school nalang po ako kakain”. sagot ko sa kanya.
“Ah, anak alam mo ba kung ano ang nangyari sa kapatid mo?, pag-uwi nya kasi kahapon ang dami-dami niyang galos at mga pasa, nag-aalala na ko sa kapatid mong yun”. tanung niya sakin.
“Wala po ba syang sinabi sa inyo?”.
“Tinanong ko sya kagabi pagdating niya. kaya lang hindi nya ako pinansin at sinabing wag daw akong papasok sa kwarto niya”.
Gusto ko mang sabihin sa kanya ang nangyari kahapon hindi pwede kasi hindi nya alam na kasali ang kapatid ko sa fraternity at pag nalaman nya yun, siguradong lagot ang kapatid ko, saka gusto ko sa kapatid ko mismo manggagaling kung anu yung nagyari sa kanya.
“Hindi ko po alam eh”.
“Ganun ba anak sige tatanungin ko nlan ulit ang kapatid mo mamaya”.
“Sige po”. lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi nya, naka-ugalian na kasi namin na humalik sa pisngi nya kapag aalis kami parang way of saying goodbye and I love you.
“Mag-iingat ka sa pagmamaneho mo ha,wag masyadong mabilis magpatakbo”. bilin nya sa kin.
Kaya nga ayun umalis na ko at ngayon nandito na ko sa school, pagkababa ko sa motor ko may narinig akong tumatawag sakin paglingon ko nakita ko si Gab na tumatakbo papunta sakin.
Ayan, namiss ko ng sobra ang gwapo kong bestfriend.. oo gwapo sya, magaling din sumayaw.. maganda ang katawan, alaga ng gym eh.. astig din pumorma, mayaman, lahat na yata ng pinapangarap ng babae nasa kanya na.. ang hindi ko lang maintndhan ay kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa din sya ng kaka GF. Madami namang nagkakagusto sa kanya…
“hey! Fire..”
“Oh, Gab kamusta yung lakad niyo kahapon ng mama mo?”. tanong ko sa kanya ng makalapit na sya sakin.
“Ayos lang naman kaso sumakit yung mga braso ko gawin ka ba nmang dakilang kargador eh”.
“Sabi ko naman kasi sayo eh, kung sumama ka nalang sana sakin kahapon edi sana nag-enjoy ka pa”.
lagi kasing ginagawang taga-buhat yan ng mama niya, ewan ko ba pwede naman syang tumangi eh, madami kasi silang mga katulong sa bahay kung tatanungin niyo, mayaman tong sina Gab, may-ari sila ng pinakamalaking hotel dito sa Pilipinas Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ayos lang sa kanya na pinagbubuhat sya. At sa kanya din galing yung motor ko, birthday gift nya sakin at Christmas gift na din. Ayos diba? Pinapgilitan nya kasing tanggapin ko naun, dahil nga nabili na nya.. -___-
Naglalakad na kami papunta sa classroom nang mapatigil ako kasi nakita ko sya..,
yung malanding lalaki dun sa food chain. Nagkatinginan kami, pero umiwas lang kami ng tingin sa isa’t isa,.
Kapag minamalas ka nga naman dito din pala sya nag-aaral..
Mukang Masaya toh....
James POV
“Uy JC kilala mo ba yung babaeng yun ha?”. tanong sakin ni Felix
“Sinong babae?”
“Edi yung babaeng tinitingnan mo kanina bago tayo pumunta dito sa room”.
Nasa room na kasi kami ngayon, pagkatapos ko kasing makita yung babaeng yun kanina, naglakad na ko papunta dito, kaylangan ko na kasing maisagawa yung paghihiganti ko at kaylangan ko ang mga ungas na to para magawa ko yun.
“Ah sya ba, oo kilalang-kilala ko, sya lang naman ang babaeng sumira ng araw ko kahapon”.
“Ngayon alam ko na”. sabi yan ni Kris.
“Anong alam mo na?”. tanong ko.
“Na kaya mo ako tinawagan kahapon at nagpatawag ng practice ay dahil dun sa babaeng yun, teka nga anu ba kasing nangyari at nabadtrip ka dun sa babaeng yun, mukha namang mabait ah?”.
Anung mabait ang pinagsasabi ng isang to kung alam lang niya halimaw yung babaeng yun, HALIMAW!!
“Oo nga naman JC ikwento mo naman samin”. - Nicholas.
Tsss….-___- oo nga pala nakalimutan ko kaylangan ko pa pala munang ikwento sa kanila kung anung nangyari, tinatamad pa naman akong ikwento, eh ang haba naman kasi nakakatamad magsalita, hay…bahala na para naman to sa plano ko e..
“Ganito kasi yung nangyari…..”
Nagsimula na nga akong ikwento sa kanila, at sabihin ang plano ko para sa babaeng yon…
BINABASA MO ANG
CHIMERICAL LOVE
RomanceMy life is totally perfect.. until someone came and RUINED EVERYTHING.. HE RUINED EVERYTHING!!! >.<