Chapter 8
Sapphire’s POV
“Grabe pare ang galing talaga”
“Oo nga eh, ang sexy pa!! may boyfriend na kaya yan?”
Tssk!! mga lalaki talaga wala nang hindi napansin sa babae kundi kasexyhan… pero hindi ko naman sila masisisi kasi sexy naman talaga ako eh… ^___^ v
Well kung itatanong niyo kung nasaan ako ngayon nandito ulit ako sa may dance central ngayon maaga ko kasing natapos yung quiz ko sa accounting, baka iniisip niyo na kaya ko mabilis na natapos yung quiz ko eh dahil sa hinulaan ko lang yung mga sagot ha, sadyang nadalian lang talaga ako karamihan naman kasi common sense lang saka kapag nakinig ka naman sa prof malalaman mo na eh,..
Kaya nga eto ako ngayon…
Sayaw dito…
Sayaw doon…
Kembot dito….
Kembot doon…
“Uy! Di ba si JC yun?!”
“Shucks!! Anong ginagawa niya dito?”
“Grabe ang gwapo niya!!”
“Siya lang ba mag-isa wala siyang ka-date?!”
Ang ingay!! Di ba nila nakikita na nakakadistract sila sa paglalaro ko!! pag ako nakakuha ng mababang score dahil sa kalandian nila,…
“Anong ginagawa mo dito!!!”
Nagulat ako nung bigla nalang may sumigaw sa may bandang likod ko kaya nawala ako sa focus ko nagkamali-mali tuloy yung mga steps ko, parang bigla na lang hindi ako nakasunod dun sa mga instructions sa t.v.
“Shit!!!” bulong ko sa sarili ko nung makita ko yung score ko.
Bwisit!!! kaya ayokong nadidistract ako pag naglalaro eh, ganito yung nangyayari….
Teka nga.., sino ba yung g*go na sumira ng laro ko?!
Lumingon ako sa may bandang likod ko na sana pala hindi ko nalang ginawa…
Kasi lalo lang akong nairita sa nakita ko…
“Hanggang dito ba naman sinusundan mo parin ako?! Stalker kaba?!” naiiritang tanong ko kay JC, oo si JC nga kaya wag na kayong mag-isip kung sino…
Lagi nalang kasi kaming nagkikita sa school hanggang dito ba naman nandito siya.
Halos magdadalawang lingo narin simula nung tinakot ko sya at hangang ngayon natatawa parin ako pag-naalala ko yung itsura niya, ang epic kasi!!
^___^
“Anong nginingiti-ngiti mo dyan?! Para sabihin ko sayo hindi kita type, wala ka na ngang boobs amazona ka pa! Kaya bakit naman kita susundan saka para sa kaalaman mo, babae ang sumusunod sakin hindi ako ang sumusunod sa babae!!”
Aba’t!! antipatiko talaga!! mayabang!! walang galang sa babae!! Laitin ba naman daw ako sa harap ng maraming tao!! Tanggap ko sana kung sinabi niyang wala akong boobs eh kasi wala naman talaga ako nun, pero ang sabihing amazona ako…
“Narinig mo yun sinabihan niya ng stalker si JC, ang kapal ng face” girl 1
“Masyadong feeling, eh hindi naman maganda parang lalake” girl 2
“I bet may gusto lang yan kay JC kaya nagpapapansin, pero sure akong hindi yan type ni JC kasi nga diba wala siyang future, JC like girls with big future” girl 3
BINABASA MO ANG
CHIMERICAL LOVE
Storie d'amoreMy life is totally perfect.. until someone came and RUINED EVERYTHING.. HE RUINED EVERYTHING!!! >.<