Sapphire’s POV
Nang maihagis ko sa kanya yung unicycle, bigla na lang siyang bumagsak dun sa may semento….
T-teka….
B-bakit parang hindi ata siya gumagalaw?
Hindi kaya napatay ko na toh..,
Wag naman sana ayokong makulong noh, marami pa kong pangarap sa buhay…
Lalapitan ko na sana siya kaya lang bigla na lang may mga grupo ng lalaki na tumakbo papunta samin.
“JC!!!!” sigaw nila habang papalapit samin.
So JC pala ang pangalan ng lalaking toh…
“JC tol ayos ka lang ba?”
“Gago!! kung ikaw kaya ang batuhin ko ng bisikleta magiging okay ka lang kya!!…”
dinig kong sabi niya dun sa isang lalaki, mukha ayos lang naman sya kasi nagawa pa niyang sumigaw… kaya nga naisip ko na umalis na para hanapin yung motor ko nang bigla akong mapatigil sa narinig ko..
“Nabato ka ng bisekleta!!, sino nag----te-teka JC yung ulo mo nagdudugo!!! ”
A-anu daw nagdudugo?
Yung ulo nya nagdudugo!!!
O__O
Agad akong bumalik papunta sa kanila para makita kung totoo nga yung narinig ko…
Pagkalapit ko sa kanila nakita ko sya na wala ng malay at nagdudugo ang ulo, parang sinundot ako ng konsensya ko nang makita ko yung itsura niya, pero hindi kasalanan naman niya diba? kasi ininis niya ko, kung hindi niya sana ako ininis edi sana hindi ko sya mababato nung bisekleta, tama..tama..wala akong kasalanan dun…walang-wala..
Pagkatingin ko ulit sa kanila nakita ko nalang na buhat-buhat na siya,.. papunta sa clinic…
Titiningnan ko sana ulit yung pinagparadahan ko nung motor ko nang may mahagip yung mata ko…
Isang lalaki na mukhang manghang-mangha dun sa unicycle na binato ko.. parang ngayon lang sya nakakita ng ganun, -__- sa totoo lang mukha syang tangang inosente... -__- matanong na nga lang toh baka sakaling nakita nya yung motor ko..
Kaya nga yun tinawag ko na sya…
“Hoy ikaw lalaki!!”
Bago nya ako sagutin, tiningnan muna nya ang paligid nya -__-
Kami lang naman ang tao dito, parang talaga syang inosente..
At nung nilingon nya ko.. teka.. ito yung lalaking namura nung JC ahh… hindi na nakapagtataka.. -___-“
“Ako ba yung tinatawag mo miss?”.
“Ikaw nga! sino pa bang lalaki dito? diba ikaw lang naman.”
tssk..nakakainis din ang katangahan ng isang toh…obvious naman na siya yung tinatawag ko nagtatanong pa kung sya daw ba yun.
“Ahhh ganun ba… alam mo kasi miss alam ko na yung mga style na ganyan eh, kaya wala na yang epekto sakin….”
“Ano bang pinagsasabi mo dyan ha?” baliw ba toh? Ang dami naman nyang personalities -__-
“E diba gusto mong makipag-date sakin kaya mo ko tinatawag”sagot ko.
“Ang kapal naman ng mukha mo!! For your information hindi kita type noh kaya wag kang assuming dyan”. Sabi ko sa kanya, grabe lang kasi sobrang kapal ng mukha niya.
“Tssss… eh kung ganun pala? ba’t mo ko tinawag?”
“Itatanong ko lang kung may nakita ka bang motor na nakaparada dito kanina?” tanong ko sa kanya.
“A-ano bang itsura ng motor mo?”
“Kulay itim sya, big bike motorcycle..”. pagde’describe ko sa kanya.
“Ahh.. naku, pasensya ka na miss, pero wala akong nakitang motor dito eh” Sagot nya sakin, na hindi ko alam kung maniniwala ba ko sa knya o hinde, para kasing may pag-aalinlangan sa muka nya..
“Siguradong ka bang wala kang nakita?” tanong ko ulit..
“W-wala talaga eh, kung may nakita man ako sasabihin ko naman sayo agad eh..,”
“Ganun ba, sige salamat nalang”. Sabi ko sa kanya
“A-ah si-sige”. Sabi niya sabay nagmadaling umalis. Weird -_-
Bwisit nakakainis san na ba kasi napunta yung motor ko, lagot ako kay Gab nito eh, regalo pa naman niya sakin yun, SHIT NAMAN OH!!!! sino kayang hudas ang kumuha nun, patay ka sakin kung sino ka mang nilalang ka..
Naglakad-lakad ulit ako sa parking lot baka kasi makita ko yung motor ko pero kahit anung ikot ang gawin ko hindi ko talaga makita ni-anino nung motor ko.
Susuko na sana ako sa paghahanap ko kasi medyo late narin nang may mapansin ako dun sa isang ding-ding na malapit sa pinagparkan ko kanina…
CCTV…???
Bakit nga ba hindi ko yun naisip kanina? nagpakapagod pa ko sa paghahanap….
Hay nako..,makapunta na nga dun sa may guard house ng matapos nato…
BINABASA MO ANG
CHIMERICAL LOVE
RomanceMy life is totally perfect.. until someone came and RUINED EVERYTHING.. HE RUINED EVERYTHING!!! >.<