ETO NA PO UNG PINAKA HIHINTAY NYONG CHAPTER... SORRY NATAGALAN XD
----------------------------------------------------------------------------------------
CHRIS POV
Lunch Break na namin ngayon..
Andito kami ng grupo sa parking lot..
At hindi ako makapaniwala sa pinapagawa samin ni JC..
“ano ba yan Kris! Ayusin mo naman ung pagbuhat!” sigaw sakin ni Felix..
“teka nga! Ibaba muna natin! Pagod na pagod na ko!” sabi ko sa kanila..
Kung nagtataka kayo kung anong ginagawa namin, ganto kasi yun..
*FLASHBACK*
Matapos ikwento samin ni JC ang dahilan ng pagka badtrip nya kahapon.. sinabi nya samin ang plano nya kung pano maghihiganti dun sa babae.
“gusto kong kuhanin nyo ung motor nya at itago, tapos papalitan ko un ng unicycle na isa lang ang gulong” –JC na may itim na aura -__-
“NATURAL! May unicycle ba na dalawa ang gulong?” -___- nasabi ko na lang sa kanya..
“bakit? Isa lang ba ang gulong ng Unicycle?” –Tyron.
Jusko Lord hindi ko na po alam ang gagawin sa mga kaybigan ko. -___-
Lumalala na yata ang sakit nila..
“PFFFFT! HAHAHAHAHAHA!!!!” –Yuan at Felix
Pero sinamaan sila ng tingin ni James. Kea nanahimik nalang sila..
“teka nga! hindi ka ba nagiisip? Pano namin kukuhanin yon? Eh nakalock yung motor nun syempre..” pagiiba ko ng usapan. Para maging seryoso na ang lahat..
“ede buhatin nyo!” sigaw nya samin..
“ANO!!!???” sabay naming sagot sa knya..
“ano bang akala mo sa motor nya? Kasing bigat lang ng bisikleta?”-Felix
“ang laki kaya ng motor nun! Wala kana bang awa samin?”-Yuan =__=
“kapag nagawa nyo yun, bibigyan ko kayo ng tig’iisang Iphone5s..”
“tara na! anu pang tinatanga tanga nyo jan? tara na sa parking lot! At gawin ang misyon natin”-Nicholas, na parang kanina lang ay natutulog pa, nakarinig lang ng Iphone5s nagising na agad..
Jusko! Bakit ba sila ang naging kaybigan ko? -__-
END OF FLASHBACK
At eto nga ang ginagawa namin, binubuhat ang motor ng isang babaeng hindi naman namin kilala -__-“
Sana lang walang makahuli samin..
“uy! Kris hindi mo pa nasasagot ung tanong ko. Isa lang ba talaga ang gulong ng Unicycle?”- Tyron
Kanina pa nya ko kinukulit tungkol dyan.. -___-
“pwde ba Tyron? Tigilan mo na yang katangahan mo. At buksan mo na yung pinto ng room! tss”- sabi ko sa knya para tumigil na sya..
Dito namin itatago sa bakanteng room ung motor nung babae, dahil wala namang nadaan na estudyante dito masyado. Kaya pwede na siguro dito.
“nasaan na ba si JC?”- tanong ni Felix.
“siya na daw ung maglalagay ng unicycle sa parking lot, para daw may magawa naman sya.”- sagot ni Nicholas.
“grabe ang laki ng contribution nya sa plano nya. Paglalagay lang ng unicycle???”- sabi ko sa knila -___-
“mabigat din siguro un..”- ang bobong si Tyron -__-
napakamot nalang ako sa ulo.. -__- Wala na yata syang pag-asa..
at ang apat na ugok pinagtawanan lang sya.. -___-
SAPPHIRE’S POV
Uwian na namin.. ang dami na namang assignment.. gusto ko na makauwi, para matapos agad ako.. at makatulog na.
Habang nglalakad papunta sa parking lot… tinext ko si Gab, kung uwian na din ba nila. Pero sabi nya malelate daw cla ng uwi dahil ng OT ung prof nila… haaayss.. -__-
At pag dating sa parking lot. Kung saan pinark ko ung motor ko…
Unicycle ang nakita ko O__O nasaan ung motor ko? Bakit naging unicycle? Anu toh? Ng evolve?
“shit!” napamura nalang ako..
Hinanap ko ung motor ko sa ibang parking space, baka kasi ngkamali lang ako ng napuntahan..
Pero wala naman..,
sigurado akong dun ko pinark ung motor ko, dahil dun lang naman ako laging ngpapark..
Binalikan ko ulit ung unicycle, baka andun na ulit ung motor ko..
Pero pagdating ko dun, wala paring nagbago… unicycle padin ang naka park dun..
Kinusot kusot ko ung mga mata ko.. baka kasi namamalikmata lang ako,
Pero pagdilat ko unicycle pa din ang nandun..
Sinampal sampal ko naman ung sarili ko, baka kasi nananaginip lang ako,
Pero nasaktan ako.. ibig sabhin hindi toh panaginip..
“FUCK THIS!” napamura nalang ako at sinipa ung unicycle sa harapan ko..
“pffffft… HAHAHAHAHAHAHAHAHA!”- may narinig akong tumatawang lalake.. at pag lingon ko..
Nakita ko sya… ung malanding lalake sa foodchain.. pinagtatawanan nya ko..
“yan na ba ang uso ngayon? Unicycle? Siguro ng papart time job ka sa perya pagkauwi mo! Hahahahahaha!!!!” pang-aasar nya sakin at halos maglupasay na sya sa kakatawa.. habang ako hindi na makapag pigil sa sobrang galit..
“ikaw ba ang may gawa neto?!” tanong ko sa kanya.
“ako? Hahahah!! San naman ako kukuha nyan? Eh ngayon nga lang ako nakakita nyan eh.. sample naman dyan oh.. HAHAHAHAHA!!”
Sa sobrang galit ko…
“gusto mo ng sample? Sige sa’sampolan kita!”
Binuhat ko ung unicycle.. at hinagis ko yun sa kanya..
Dahil yan ang nararapat sa kanya.. tss..
“ayan nasampolan na kita!”
BINABASA MO ANG
CHIMERICAL LOVE
RomanceMy life is totally perfect.. until someone came and RUINED EVERYTHING.. HE RUINED EVERYTHING!!! >.<