part 2 - Her Revenge

64 5 1
                                    

 eto na po ang paghihiganti ni SAPPHIRE XD

----------------------------------------------------------

JC’s POV

“Hoy mga gago nasan na kayo ha!!! kanina pa ko nandito sa may practice room hanggang ngayon wala parin kayo!!!!” sigaw ko sa kabilang linya.

“Sorry JC medyo natraffic kasi kami eh,..pero bka mga 30 minutes nandyan na kami” sagot ni Nicholas sa kabilang linya.

“Tssk… sabi ko naman kasi sa inyo kahapon agahan niyo ang punta, kaya nga dito sa school yung practice natin kasi mas malapit sa mga bahay niyo.. tapos ma-lelate parin pala kayo…kung ganyan kayo wala tayong mabubuo baka matalo na tayo!”.

“Sorry talaga JC, malapit na naman kami konting hintay na lang”.

“Tsss….sige basta sa susunod wala nang ma-lelate kapag nalate pa ulit kayo humanda kayo sakin!” sabi ko bago ko pinatay yung tawag.

Bwisit talaga yung mga yun alam naman nilang kami yung representative ng block namin para dun sa dance competition ng department namin tapos nagpalate pa sila. Kami kasi yung napili nung head ng department namin para irepresent yung block namin.

FLASHBACK

Pagkasabi sakin ni Tyron na ipinatatawag ako ni Prof. Reyes agad akong pumunta sa faculty.

Pagkadating ko sa faculty ng department namin dumiretso na agad ako kay Prof. Reyes.

“Sir pinapatawag niyo daw po ako”.

“Oh yes Mr. Chua please have a seat” - sabay turo sa upuan na nasa harapan ng lamesa nya.

Pag-kaupo ko…

“Mr. Chua alam mo naman na may program ang department natin hindi ba?”.

“Yes sir”.

“Buti naman pala kung ganun because I’m thinking maybe you and your friends could represent your block in one of the competition in our program which is the dance competition, naisip ko kasi na baka interesado kayong sumali saka napanuod ko rin kasi yung ibang mga performances niyo noon at masasabi ko na magagaling kayo kaya naisip ko na pwede kayong sumali sa competition”.

“Yung mga makakalaban po ba namin yung galing sa ibang block at year?”.

“Ah yes Mr. Chua, actually nakausap ko na yung ibang representatives na napili and they are willing to join”.

“Ganun po ba sir sige po sasali kami”.

“Mabuti naman Mr. Chua I’m happy na pumayag kang sumali kayo, ibigay mo nalang sa Monday yung pangalan ng group niyo pati narin yung pangalan ng members para maipasa natin sa mga organizers”.

“Sige po sir”.

Pagkasabi ko nun lumabas na ko ng faculty room, pagkalabas ko nagulat ako kasi nandito yung mga ungas hinihintay ata akong lumabas.-____-

“Anong ginagawa niyo dito?, Oh Kris akala ko ba may practice ka ng basketball ba’t nandito ka? ” tanong ko sa kanila.

“Eh pinuntahan ako nitong mga toh sa gym sabi nila pinatawag ka daw ni Prof. Reyes kasi bumagsak ka” sabi ni Kris.

“Mga gago talaga kayo noh,!!! At ikaw naniwala ka naman sa pinagsasabi ng mga yan”

“Ahmmm…Peace pare” ^___^ v

“Tsss… tigilan mo nga yan mukha kang bading, nga pala kaya ako pinatawag hindi dahil bumagsak ako” sabi ko sa kanila,

“Eh ba’t ka pinatawag ni Prof?” tanong ni Felix.

“Gusto niyang sumali tayo sa dance competition ng department natin”.

“Talaga!! anong sinabi mo?” tanong ni Yuan.

-____-

Hindi naman siya masyadong excited ng lagay na yan.

“Syempre sabi ko sasali tayo”.

“Yes!! sa wakas magkakaroon din ng thrill ang first sem natin” wika ni Tyron na sumusuntok-suntok pa sa hangin.

-____- mukhang siyang tanga ba’t ba naging kaibigan ko toh…

“Oo kaya may practice tayo bukas”.

“Sa dance studio niyo ba?” tanong ni Nicholas.

“Hindi dito lang sa practice room ng school para malapit”.

END OF FLASHBACK

Actually, nakagawa na ako kagabi ng ilang steps na gagawin namin para dun sa sayaw, kaya nga ngayon ituturo ko na lang dun sa mga yun, yung steps kaya lang na-late sila…kaasar talaga yung mga yun!! imbes na nakapagumpisa na kami ngayon….

Haaay….makapagpraktis na nga lang mag-isa kesa manggalaiti ako dito….

Isinalang ko na yung tugtog na gagamitin namin at nagsimula na kong magsayaw….

Nasa kalagitnaan na ko ng pagsasayaw ko ng biglang may mapansin ako sa may bandang likod ko….

O____O

Isang babaeng nakaputi….

Mahaba ang buhok….

Namumutla at….

SHIT!!!! Wag mong sabihing siya yun!!!!

Yung babaeng sinasabi nilang nagmumulto dito sa pratice room…

FUCK!!! Bat ba hindi ko naalala na may nagmumulto nga pala dito…P*ta kung naalala ko lang yun di sana dun nalang kami sa dance studio namin kahit na malayo…

Putek!!! anong gagawin ko?!!

Alam ko na ganito yung mga nakikitang ginagawa sa mga movie eh…ginawa kong krus yung dalawa kong hintuturo at nagsimulang magdasal….

“Our Father…..”

Napatigil ako ng biglang magsalita yung white lady….

“Tu—ulungan mo-oo ko…” sabi nito habang lumalapit sa pwesto ko…

“Wa—aaag kang la-lapit” natatakot na sabi ko.

“Tulungan mo ko” patuloy parin itong lumalapit sa akin …

Para akong pinako sa kinatatayuan ko ng makita ko ang itsura nito, kamukha niya yung nasa The Ring, gustong-gusto ko nang tumakbo pero hindi ko magawa…shit!! ano bang nangyayari sakin bat di ko magalaw yung mga binti ko kaylangan ko nang makaalis dito di ko na kaya…

Napatigil ako lalo ng biglang maramdaman ko ang kamay nya sa kamay ko…

“Plssss…. hi-hindi ko na ka-kaya masyadong malungkot sa lugar nato tulungan mo-o ko”.

“WAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!!!!” sigaw ko sabay takbo palabas ng practice room.

-------------------------------------------------------------------------------------

waaaaah.. sorry kung hindi kayo satisfied :3 

comment nalang po kau.. thank you..

CHIMERICAL LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon