TYRON’S POV
Nang matapos na kaming i-ayos ang motor..
Excited na kong pumunta sa parking lot, para Makita kung ano ba tlaga ang itsura ng unicycle..
Dahil sa tuwing mag-tatanong ako kay Kris, hindi naman nya ko sinasagot ng maayos, tapos pagtatawanan pa ko nung apat -__-
At nung makarating kami sa parking lot…
0__0 ganyan ang itsura naming lahat…
“JC!!!!” sigaw naming lahat…
Agad kaming tumakbo papunta sa kanya, panu ba naman nakita namin sya na nakahiga na sa parking lot.
“JC tol ayos ka lang ba?” tanong ko nang makalapit na kami sa kanya.
“Gago!! kung ikaw kaya ang batuhin ko ng bisikleta magiging okay ka lang kaya…?”
Haaaay…bat ba lagi nalang ako namumura, samantalang nag-aalala na nga ako para sa kanya, saka masama na bang magtanong. -__-“
“Nabato ka ng bisikleta?!, sino nag----te-teka? JC yung ulo mo nagdudugo!!! ” natatarantang sabi ni Tyron
O__O
Pagkatingin namin sa kanya sobra ngang nagdudugo yung ulo nya…
Kabadong-kabado kaming lahat, alam nyo kasi may sakit si JC…. ano nga bang tawag dun?...
Tsk..nakalimutan ko na basta ang alam ko hindi siya pwedeng nasusugatan, kasi kapag nasugatan siya sobra tong nagdudugo at kung minsan nahihimatay sya.
“Dalhin na natin sya sa clinic! bilis!!” sigaw ni Kris sabay buhat kay JC, tapos tumakbo na sila papunta sa clinic.
Susunod na sana ako sa kanila kaya lang may naka-agaw ng pansin ko….
(OvO)
E-eto na ba yun…?
(@v@)
Yung sinasabi nilang unicycle….
Ganun pala yun, iisa lang yung gulong tapos wla rin syang manibela…
Wow!! ^__^ ngayon lang ako nakakita ng ganito, pano kya toh minamaneho?.
kaya naman mas lalo ko pang nilapitan yung unicycle, itatayo ko na sana yun para mas lalo kong makita kaya lang biglang may sumigaw sa likod ko..
“Hoy ikaw lalaki!!”
(--_)( _--)
Lumingon ako sa kanan ko, tapos sa kaliwa ko, pati na rin sa likod ko, baka kasi hndi ako yung tinatawag nito mapahiya pa ko.. pero wala namang tao bukod sakin..
“Ako ba yung tinatawag mo miss?” tanong ko sa kanya habang tinuturo yung sarili ko.
“Ikaw nga! sino pa bang lalaki dito? diba ikaw lang naman…”
Sabi nya sakin.
“Ahhh ganun ba… alam mo kasi miss alam ko na yung mga style na ganyan eh, kaya wala na yang epekto sakin….”
Sagot ko sa kanya, kadalasan kasi ganyan yung mga style nung mga babaeng gustong makipag-date sakin, tatawagin nila ako tapos yun na, magbibigay na sila ng mga sinyales na gusto ka nilang maka-date, eh bored na bored na ko sa ganun eh
gusto ko naman ng konting thrill…buti pa tong unicycle na toh tinitingnan ko palang may thrill na.., hindi katulad ng mga babae.,
“Ano bang pinagsasabi mo dyan ha?” nagtatakang tanong nya sakin .
“E diba gusto mong makipag-date sakin kaya mo ko tinatawag”sagot ko.
“Ang kapal naman ng mukha mo!! For your information hindi kita type noh kaya wag kang assuming dyan”.
“Tssss… eh kung ganun pala? ba’t mo ko tinawag?”
“Itatanong ko lang kung may nakita ka bang motor na nakaparada dito kanina?” tanong niya sakin.
Teka ano daw motor?..
hindi kaya..
siya yung kinikwento samin ni JC….
Shit naman!!!!
“A-ano bang itsura ng motor mo?”.kabadong tanong ko sa kanya.
“Kulay itim sya, big bike motorcycle..”.
Patay so sya nga yun, sa kanya nga yung motor na kinuha namin..Tsk….panu ba to anung sasabihin ko,hindi pa naman ako sanay magsinungaling…
“Ahh.. naku, pasensya ka na miss, pero wala akong nakitang motor dito eh”.
“Siguradong ka bang wala kang nakita?”.
“W-wala talaga eh, kung may nakita man ako sasabihin ko naman sayo agad eh..,”
“Ganun ba, sige salamat nalang”. Sabi niya sakin
“A-ah si-sige”. Pagkasabi ko nun umalis na agad ako, baka kasi masabi ko pa sa kanya na kami yung kumuha ng motor niya..malintikan pa kami…
BINABASA MO ANG
CHIMERICAL LOVE
RomanceMy life is totally perfect.. until someone came and RUINED EVERYTHING.. HE RUINED EVERYTHING!!! >.<