Chapter 7
puro POV ni JC yung chapter na toh… ^__^ v
I LOVE YOU ANGELICA!! ^___^
By: Vien
Chapter 7
JC’s POV
“I’m a shadow hunter Clary I will protect you with my whole life”
-_____- Pfffft….badtrip nakakabored dito wala akong magawa kundi manood ng movie, eh bwisit kanina pa ko dito nakakasampung pelikula na ako mula pa kaninang umaga halos manakit na nga yung mata ko kasi kanina pa natatamaan nung radiation, hindi na ako magtataka kung mamaya lang bulag na ako…
Kung nandito lang sana yung mga ungas na yun edi sana may mapagtritripan ako para kahit paano hindi ako nabobored dito…Eh tinamaan ng lintek yung mga yun busy daw sila.
Tssss… if I know, nagbubusy-busihan lang yung mga yun…
Tumingin ulit ako dun sa malaking screen sa harap ko nagbabakasakaling mawala yung boredom ko kapag nanuod ulit ako
Kaya lang hindi pa man nagtatagal yung mata ko dun sa screen sumasakit na yung mata ko
“Tsssk…ayoko na!!! ang sakit na ng mata ko putek!!!” wika ko habang tumatayo dun sa inuupuan ko.
Kaya nga yun pagkatapos kong patayin yung pinapanood ko lumabas na ko dun sa mini theater namin
Yup! ^___^ meron kaming mini theater dito sa bahay, well what can I say mayaman kami eh…
Pagkalabas ko….
O___O O____< >_____O >____<
“Ahhhh!!! Shit!!!! NAKAKASILAW!!!” sigaw ko habang tinatakpan ng kamay ko yung mata ko, alam niyo yung pakiramdam na kalalabas mo lang ng sinehan tapos paglabas mo ang liwanag ganun yung nararamdman ko para tuloy akong bampira na natakot sa sikat ng araw.
“Sir, ayos lang po ba kayo?” tanong nung isa sa mga katulong namin na medyo may kaliitan, morena at kulot ang buhok na ipinusod nito, siguro nasa late twenties na yung edad niya, teka ano nga bang pangalan nito?, sa dami ng katulong namin sa bahay medyo nakalimutan ko na yung pangalan niya.
“Ayos lang ako Lukring medyo nasilaw lang” sagot ko dito ng maalala ko na yung pangalan niya.
“Ganun po ba sir sige po balik na ko sa trabaho ko”.
“Ah Lukring sandali lang” tawag ko dito bago pa man ito makalayo.
“Yes sir”.
“Pakisabi kay Sisa na igawa ako ng ham sandwich at pineapple juice gusto ko yung fresh tapos pakidala na lang dun sa may garden pagkatapos” utos ko dito, medyo nagutom kasi ako kapapanuod eh…
“Ok po sir” sabi nito habang papaalis.
Pumunta na ako dun sa garden namin at naupo..
At habang nakaupo ako nag-iisip pa ako ng pwede kong gawin, pero hangang ngayon wala parin akong maisip….
Natigil lang ako sa pag-iisip ko nung dumating na yung pinahanda kong miryenda…
“Sir JC eto na po yung sandwich at pineapple juice niyo” sabi nung katulong namin habang inilalapag yung pagkain sa harap ko.
“Salamat, Ahhh, L--ukring?” sabit ko habang medyo naiilang, hindi kasi ako sanay makipag-usap sa mga maid namin maliban nalang kapag may inuutos ako.
BINABASA MO ANG
CHIMERICAL LOVE
RomanceMy life is totally perfect.. until someone came and RUINED EVERYTHING.. HE RUINED EVERYTHING!!! >.<