Chapter 3 - They meet again

68 5 0
                                    

At Dahil kating- kate na ko sa pag- update eto na nga po.. ang chapter 3

--------------------------------------------------------------------------------------------------------

“Sir! Sir James gumising na ho kayo malelate  na po kayo sa klase niyo.”

Tssk..,bwisit na maid to hndi ba nya alam na masamang gisingin ang isang Bryan Clifford Chua kapag puyat. Oh anu sasabihin nyo sakin na sana natulog ako ng maaga para hindi ako napuyat,? wag nyo kong sisihin ganito ksi yung nangyari….

Flashback

Pagkatapos nming mag-practice at mag-usap kung anung schedule ng susunod naming pratice, umuwi na kami. Pagdating ko sa bahay syempre naligo at kumain nako. Matutulog na sana ko…, nandun na eh,yung tipong nakahiga kana tapos nakapikit kapa kaso naalala ko yung mukha nung nakakabwisit na babae na nakaaway ko dun sa food chain. Napabalikwas tuloy ako ng bangon kasi parang nakita ko na yung mukha nya e, parang pamilyar sakin.

Medyo mahaba ang buhok, hanggang kili-kili, medyo matangkad hanggang leeg ko yata un, maputi din, tas sexy, sexy??? Pero walang dibdib, may korte lang ung katawan nya, at ung mata nya mahaba ang pilik mata, ung ilong nya maliit lang na matangos, tapos ung pisnge nya ang sarap kurutin! Hahaha!Te-Teka nga! Ano ba tong iniisip ko? Mali mali! Tapos parang hindi babae kung kumilos -__-‘’ o baka naman dati syang lalake? Tas nag-pa.. ay hindi hindi, imposible… bakit wala padin syang dibdib kung ng pa sex change sya.. tsk tsk.. babae talaga sya…

“Tama! sya nga yun, sya yun!” - sabi ko sa sarili ko.

Nakita ko na sya dati sa school, sabi ko na eh, kanina palang parang pamilyar na sya hndi ko lang maisip kung saan ko sya nakita. Sya yung laging may ksamang lalake, boyfriend nya siguro yun. Ayos! edi mas mapapadali pala yung paghihiganti ko dun sa babaeng yun 3:)

“hmmmm”. buong gabi ko inisip kung panu ko ba isasagawa yung mga plano ko para sa kanya, at dun sa babaeng nakita kong ngsasayaw sa dance central, pero si foodchain girl muna ang uunahin ko tutal parehas kami ng school, naiimagine ko na tuloy yung magiging reaksyon nung babaeng yun kapag nagawa ko na yung mga plano ko, hahaha!!^___^. sigurado masaya to, kaya sa sobrang excited ko, hindi ako masyadong nakatulog.

End of flashback

Oh ngayon alam nyo na kung bakit,? masisisi nyo ba ako, teka bakit ba ko nagkekwento sa inyo makabalik na nga sa pagtulog inaantok pa ko.

“Sir James, parang awa nyo na gumising na ho kayo malalate na po kayo”.

Hindi ko pinapansin yung maid inaantok pa ko eh,nagtakip lang ako ng unan sa tenga at nagpatuloy sa pagtulog.

“SIIIIIIIRRRRR,GUUUUMIIISIIIINNNG NNNAAA KAYYYOOOO!!!”.

“Anu!!anung nangyayari bakit??!!”.

napabangon ako bigla, dahil sa lakas ng sigaw na yun at pagtingin ko sa may kaliwa ko nakita ko yung maid na nakatingin sa akin at nanlalaki ang mga mata at nakanganga pa, parang ganito 0o0 .. grabe lang!

“Anun tinitingin-tingin mo dyan ha!! Ngayon ka lang ba nakakita ng abs”.

Naka topless kasi ako ,at naka boxer shorts lang, hindi kasi ako sanay na matulog nang naka t-shirt at pajama naiinitan ako kahit may aircon.

“Pa-papasenya na ho kayo sir”.

“tsss..” -____- papasok na sana ako sa banyo nang may makalimutan akong sabihin sa kanya..

“ah, oo nga pala bago ko pa makalimutan, YOUR’E FIRED!!!”. sigaw ko sa kanya.

Yan ang dapat sayo dahil sinira mo ang tulog ko, wala pang sumisira sa pagtulog ni James Clifford Chua.

“Si-siiir ………..”

Hindi ko na hinintay na matapos pa nya yung  sasabihin niya, pumasok na ako sa banyo at naligo.

Pagkatapos kong maligo, sumakay na agad ako sa kotse ko at pinaandar yun papuntang school. Pagdating ko nakita ko agad yung limang ungas na pababa narin sa mga kotse nila.

Lalakad na sana ako paalis ng may humarang sa akin na babae, parang naka-date ko nato dati eh, hindi ko lang matandaan yung pangalan niya.

“Hi, James so tuloy ba tayo mamaya kasi diba last time you promised me na ngayon tayo manunuod ng sine”. maarteng sabi nya sakin.

Tiningnan ko lang sya at nagpatuloy na sa paglalakad, wala kasi ako sa mood makipaglandian ngayon dahil sinira ng maid na yon ang tulog ko.

“Oi JC mukhang badtrip tayo ngayun ahh.,” pang-aasar sakin ni Nicholas.

“Anu ba yan JC ang aga-aga nagkakalat ka agad dyan ng bad vibes”. dagdag pa ni Felix.

Mumurahin ko na sana sila nang mapatigil ako…

Dahil paglingon ko sa kanila,

nakita ko sya na pababa ng motor niya, oo sya,..

.

.

.

yung babaeng sumira ng araw ko kahapon…

CHIMERICAL LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon