para dun sa mga nakalimutan ang last chapter, ang ngyari po dun ay.. ung nghiganti si JC tas na clinic sya.. tapos nakuha na ni Sapphire ung motor nya.. at nalamn nya na c JC ang my gawa nun.. at ngayon... sya naman ang maghihiganti.. enjoy reading this chapter.. :) ang gumawa ng chapter na toh ay si VIEN.. :3
---------------------------------------------------
Sapphire’s POV
Halos isang linggo narin mula nung mawala yung motor ko at kapag naaalala ko yung nangyari hindi ko maiwasan na maalala si JC, bwisit talaga sa buhay yung lalaking yun…
hindi ako makakapayag na makalagpas sya sa ginawa niya sakin, lintek lang ang walang ganti.!! *___*
Kaya nga ngayon nandito ako sa mall para bilhin yung mga kakailanganin ko…
Una akong pumunta muna sa isang shop ng mga cosmetics….
“Ah, miss wala na bang mas maputi na shades na color tong foundation nato?” tanong ko dun sa sales lady.
“Meron po ma’am kaya lang sa tingin ko po hindi yun bagay sa tone ng skin nyo, baka po mas lalo kayong pumuti.”
“Nako miss yun nga ang gusto ko eh..”.
“Ganun po ba ma’am” sabi nito na halatang nagulat sa sinabi niya.
“Oo”.
Kukunin na sana nya yung foundation na hinahanap ko, pero bigla itong huminto at humarap ulit sa sakin.
“Alam niyo ma’am sa tingin ko po talaga hindi babagay sa inyo yung masyadong maputi na tone kasi maputi na po kayo, dapat po yung tama lang sa skin tone niyo yung pinipili niyo” nagpupumilit na sabi nya sakin..
“Bakit ba nangingialam ka sa gusto ko ha.., eh sa iyon yung gusto kong tone eh, pwede ba ibigay mo nalang sakin yung hinahanap ko marami pa kong bibilhin!” galit na sabi ko sa kanya, pakielamerang sales lady, nasigawan tuloy ng wala sa oras..
“Pa-pasensya na po ma’am”
“At saka pala kukuha narin ako nitong black eye shadow at lipstick, kaya pakisama nalang diyan sa foundation”
Halatang nagulat sya sa sinabi ko pero hindi katulad kanina hindi na sya nagsalita pa..
Pagkabigay sakin ng mga bibilhin ko ay pumunta na ako sa may cashier at binayaran iyon.
Nag ikot-ikot muna ako sa mall para humanap ng isang shop na nagbebenta ng mga costumes, kaya lang bigla akong nakaramdam ng gutom kaya naisipan ko na kumain nalang muna sa isang food chain na nadaanan ko…
Pagkatapos kong umoder at magbayad nagikot-ikot ulit ako para makahanap ng shop… nang papaliko na ko may nakita akong tindahan na punong-puno ng mga damit ng super heroes at iba’t-iba pang klase ng damit na isinusuot mo lang kapag may Halloween party.
Tamang-tama ganitong tindahan ang hinahanap ko…
Pumasok na ako sa loob nung shop at nagsimulang hanapin yung damit na kaylangan ko para sa plano ko…
“Good Morning po ma’am, ano pong hinahanap nila?” tanong nang isang babae na halos kasing-edad ko.
“Ah miss hinahanap ko kasi yung damit na katulad nung sa movie ng The (pangalan nung movie) meron ba kaya nun?”
“Yun po ba ma’am meron po” pagkasabi niya nun pumunta siya sa isang section ng mga damit at kinuha na yung damit na hinahanap ko.
“Eto po ma’am” sabi niya sabay abot sakin.
BINABASA MO ANG
CHIMERICAL LOVE
RomanceMy life is totally perfect.. until someone came and RUINED EVERYTHING.. HE RUINED EVERYTHING!!! >.<