Napabukas naman ako ng mata nang may narinig akong malakas na katok mula sa pintuan namin, napatingin naman ako sa kama ng mga kasama ko ay wala na sila, lagi na lang akong iniiwan ng mga bwisit!
Tamad na tamad akong naglakad papunta sa pintuan habang kinakamot ang batok ko
Binuksan ko yung pintuan at nakita ang isang babaeng nakatalikod, nang naramdaman ata niyang nabuksan na yung pintuan ay umikot ito paharap sa akin, kunot noo ko namang sinuyod ng tingin yung babaeng kaharap ko at inaalala kung saan ko ba siya nakita, ah oo siya nga yung babaeng nagsabi ng honey,baby,mga anak natin kay Kumag!
"Nandito ba yung boyfriend ko?" Matinis na sabi niya habang nakangiti, tss. Plastic sarap sunugin
"Kilala ko ba yung boyfriend mo" walang ganang sabi ko atsaka humikab sa harap niya
Trisha's POV
"Kilala ko ba yang boyfriend mo?" Humihikab na sabi niya, like eww! Nakakadiri siya. Ano bang nagustuhan ni Ken sa babaeng ito?
"Ah, opo hindi po ba kayo yung kaibigan ng boyfriend ko?" Nakangiti ko pa ring sabi ko
Let's see kung Hindi pa kayo maghihiwalay,ako lang ang dapat na nasa puso ng mahal kong si Ken.
"Pasensya na miss pero hindi ako doktor ng utak at hindi din dito yung mental, pwede ka nang umalis" malamig na sabi nito sa akin nang akmang isasara na niya yung pintuan ay agad kong pinangharang yung paa ko
"Sandali, gusto ko lang naman malaman kung nasaan si Ken my loves"
Zoe's POV
"Sandali, gusto ko lang naman malaman kung nasaan si Ken my loves" tinitigan ko naman yung paa niyang nakaharang sa pinto, sira talaga ulo nitong babaeng haliparot"Pasensya na talaga miss pero hindi ako hanapan ng tao, kung gusto niyo po ay dumeretso kayo sa mental para maagapan iyang saltik niyo po sa utak" nakangiting sabi ko pero sa loob loob ko ay gusto ko nang pagsasapak sapakin itong kaharap ko
"Ang sungit mo naman, tinatanong ko lang naman kung nasaan yung mahal ko" nakanguso nitong sabi, napapikit naman ako ng mariin, mukhang pati ata ako ay hahawaan niya ng kabaliwan niya
"Huwag mong ubusin ang pasensya ko miss, wala akong oras sa iyo" madiin kong sabi habang matalim ang tingin sa kaniya
Tinapakan ko naman yung paa niyang paharang harang na siyang dahilan para mapadaing siya at alisin ang paa sa may pintuan, agad ko namang binalibag pasara yung pintuan at inilock ito, pabagsak akong humiga sa kama ko at pumikit ng mariin, ikaapat na pala naming araw ngayon dito
Napabalikwas nanaman ako nang may kumatok nanaman sa pintuan namin, dahan dahan ko namang binuksan at nagpakita sa aking mga paningin ang mukha ng kumag
"Ginagawa mo dito?" Nakangusong sabi ko habang diretso ang tingin sa kanya
"Bawal bumisita?" Sagot naman sa akin ni Kumag kaya napairap nanaman ako
"Sinabi ko ba?" Nakaekis ang kamay kong sabi
"Sinabi ko bang sinabi mo?" Pamimilosopo nanaman sa akin ni Ken na siyang ikinasama ng mukha ko
"Sinabi ko bang sinabi mong sinabi mo?" Hindi ako magpapatalo sa kumag na ito, hindi maganda ang simula ng araw ko ngayon kaya naibubunton ko ito sa kumag na ito
"Hindi na" pasuko ng kumag atsaka itinaas ang dalawang kamay
"Naman pala" nakangising tugon ko
"Bakit ka ba napunta dito?" Tanong ko atsaka pinapasok siya, naupo naman kami sa kama ko
"Gigisingin sana kita dahil kakain tayo mamayang alas otso" sagot ni Kumag habang inililibot ang tingin sa kwarto namin
"Asan ba yung mga kasama natin?" Tanong ko ulit habang inaabot yung cellphone ko
"Nasa baba naglilibot dito sa hotel" sagot naman ni Kumag
"Hindi man lang ako ginising" nakangusong sabi ko habang kinakalikot yung telepono ko
"Tulog mantika ka kasi" agad ko namang binigyan ng masamang tingin ang kasama ko
"Oy kumag ka, yung babae mo hinahanap ka sakin kanina" kaswal na sabi ko
"Sinong babae?"tanong naman niya "yung babaeng haliparot kahapon" sagot ko habang nakatingin pa din sa telepono ko
"Ano daw sabi?" Agad naman akong napalingon sa kanya at tinignan siya ng hindi makapaniwala
"Interesado ka?" Nanlalaki ang matang sabi ko habang diretsong nakatingin sa kanya
"Pinagsasabi mo?" Kunot noo naman niyang sabi habang diretso din ang tingin sa akin
"Sabagay maganda naman yung babaeng haliparot na iyon" sabi ko atsaka ibinaling ulit ang paningin sa aking telepono, bakit ganito ang pakiramdam ko, ayoko nitong nararamdaman ko, hindi ako nagseselos dahil alam kong ang nararandaman ko ay pagka 'insecure'
"Nagseselos ka ba?"natatawang sabi ng kumag atsaka ako niyakap
"Bakla ka" madamdaming sagot ko
"Nagseselos ka nga?" Tatawa tawang sabi ng kumag, kinurot ko naman siya sa bewang
"Baliw ka, alam mo namang wala iyan sa bukabyularyo ko" maangas na saad ko
"Tss. Kahit kailan ka talaga" sabi nung kumag atsaka ginulo yung buhok ko, tinabig ko naman yung kamay niya atsaka sinamaan siya ng tingin
"Huwag yung buhok ko" parang batang reklamo ko habang nakatingin pa din ng masama
Hindi naman sumagot yung kumag atsaka inilabas yung suklay mula sa bulsa niya, lagi siyang may dalang suklay kahit saan man siya pumunta, ganoon siya kabakla. Dahan dahan naman niyang sinuklayan yung buhok kong hangang siko
"Whaa! SPG! SPG!" Nagulat naman ako sa mataas na sigaw ng babae, agad naman kaming lumingon ni Ken sa may pintuan at nakita namin si Jane doon
"Nakadrugs ka?" Pasigaw kong tanong , ang OA ng bwisit!
"OMG! Basta isa na ako sa mga ninang ha?" Tumatalon talon pa nitong sabi, napapikit nanaman ako ng mariin at mabilis na lumapit kay Jane at pinitik yung nuo niya
"Umayos ka" pagbabanta ko habang nakaturo sa mukha niya, napangiwi naman siya sa inasta ko, rinig ko namang humahagikhik yung kumag sa likod namin
"Kayo naman hindi na maloko" nakangiwi pa rin nitong sabi atsaka agad na tumakbo palayo, nakita ko pa nga siyang nagdial sa phone niya at narinig ko pa yung sinabi niya bago nagsarado yung elevator
"Guys! Sila Ken at Zoe ginagawa na yung mga inaanak natin!" Napasampal naman ako sa mukha ko dahil sa sinabi nito
-End of Chapter-