chapter 8

1.3K 50 0
                                    

Lumipas ang isang linggo naming pagbabakasyon ay kasalukuyan kaming nasa paaralan, naging masaya naman ang naging takbo ng aming bakasyon,paminsan ay nakikita ko pa nga yung babaeng haliparot at ang nakakakilabot pa lagi siyang nakatitig saamin,tsk.





At heto kami ngayon nasa gymnasium, rinig na rinig ang tunog ng bola at sapatos sa buong lugar, nagp-practice kami ng basketball, nakikisama lamang ako sa practice ng mga varsity boys dahil yung grupo naming mga babae ay tuwing sabado lamang , ako ang captain ng basketball girls at yung kumag naman ang captain ng basketball boys, wala din dito ang tropa dahil magkakaiba kami ng sports na pinasukan



 Si Hariz ay Captain ng soccer, si Heza ay player naman sa larangan ng volleyball, si Jane ay sa badminton tapos si Jonathan naman ay player ng table tennis



Kasalukuyan akong pumwesto sa linya ng three points at ihinagis yung bola sa ring, pasok!


"Yes! Three points!" sigaw ko atsaka ipinakita yung dalawang muscles ko, nag break na kami dahil malapit ng magsara ang gym

"Oh edi ikaw na!" sagot ng isa sa mga kateamates ni kumag na nagngangalang Dan, matangkad siya maputi, at laging nakatali ang buhok pataas


"Ako na talaga!"-sabi ko tapos ay mayabang ko pang tinuro-turo ang sarili ko


"Ang galing naman ng gf mo!" sabi ni Alib isa din sa member ng basketball maitim at mahaba ang buhok hangang leeg, inakbayan niya si kumag



"Ako pa!" Mayabang na sabi ko ulit at binigyan sila ng malaking ngiti


"Yabang mo!" sabi ng isa ulit sa mga team mates ni kumag na si Mark, ang pinakaloko loko sa kanilang lahat, kinotongan pa nga ako eh



"Sayo ko natutunan yun" maangas  kong tugon atsaka binigyan siya ng ngisi


"Sira ulo mo!" Natatawang sagot ni Mark sa akin




"Parang ikaw lang" natatawa ko na ding tugon




"Tama na yan mga bubwit, umuwi na tayo kung ayaw niyong matulog dito" sigaw naman ni Fin ang pinaka matanda sa lahat ng mga players





"Bali balita pa man din daw ay may kaluluwang nagpapakita dito" sabi naman nung si Jake, payatot siya, nakasalamin at may pagkaweirdo pero huwag kayo, may naibubuga iyan pag dating sa basketball





"Naniniwala ka dun?" Sabi nanaman ni Mark atsaka napapakamot sa ulo




"Mukhang nakita nga ni Zoe oh! Nakatulala" sabi naman ni Jake atsaka itinuro ako, nagulat naman ako nang napatingin silang lahat sa akin





Putek na iyan! Nakakabakla! Nakaramdam kasi ako ng kaba at kilabot dahil sa sinabi ni Jake kaya tumahimik ako



"Sino iniisip mo?" Bulong sa akin ni kumag atsaka umakbay sa akin, tinignan ko naman siya at ang seryoso ng mukha niya,tsk.








"Ang ang ganda kasi ng abs niya"
Sabi ko tapos nagacting na parang may pinapantasya, ngingiti ngiti pa nga ako habang nakatingin sa kawalan, naglalakad na kasi kami palabas ng gym




"Sino?" kunot noong tanong niya habang diretso ang tingin niya sa akin, napakagat naman ako ng labi dahil sa pinipigilan kong matawa






"Si. . ."pambibitin ko wala akong maisip na pangalan! "Ah wala" sabi ko na lang tapos tumingin ulit sa ibang members, nang mabaling ulit ang paningin ko sa kaniya ay masama ang tingin niya sa akin kaya napahagalpak ako ng tawa, hawak hawak ko pa nga yung tiyan ko habang tumatawa





"Oh? tawa ka?" Malamig na sabi nito sa akin kaya mas lalo akong natawa




"Bakla ka talaga" paghahabol ko ng hiningang sabi




Agad ko namang inabot yung tubig ko dahil napagod ako kakatawa binuksan ko iyo at ininom nang biglang tinapik ng kumag yung iniinom ko kaya napa ubo ako, nabasa pa nga yung damit ko, bwisit na yan.







Ngayon ay siya naman ang malakas ang tawa, tinignan ko naman siya ng masama atsaka uminom ulit ng tubig pagkatapos ay ibinuga ko iyon mismo sa harap ng mukha niya, umiwas naman ito kaya yung damit niya yung nabasa








Napahagalpak nanaman ako ng tawa dahil sa itsura niya , para kasi siyang basang sisiw!




"Ah ganon?" Nakakalokong saad ni kumag kaya napatigil ako sa pagtawa at saka sinamaan siya ng tingin, may binabalak nanamang kademonyohan itong lalaking ito, napapaatras naman ako at naging alerto sa susunod na gagawin niya, nakita ko naman yung isang kamay niya na parang may inaabot sa may likudan niya







At huli na para makaiwas ako sa pag atake niya, kinuha pala niya yung tubig niya at ibinuhos iyon sa akin, agad ko naman siyang hinabol para sapakin pero ang bilis tumakbo ng lintek!







Naghabulan kami hangang sa napunta kami sa parking lot , agad naman itong tumakbo papunta sa kotse niya




"Duwag kang kumag ka!" Sigaw ko pa habang patakbong hinahabol siya




"Nagtatawag ata kayo ng kampon ng mga langgam" sabi ng boses sa likod namin, napalingon naman ako napagtantong si Mark iyon




Napaismid nalang ako atsaka pumasok sa loob ng kotse ni kumag







"Oh heto tuwalya" sabi naman ni Ken atsaka inihagis yung tuwalya sa akin na agad ko namang nasalo







"Tara na ihahatid pa kita sa inyo" sabi ulit niya na tinugunan ko lamang ng tango






Nang palabas na kami sa parking lot ay nahagip ng mata ko ang isang babaeng nakatingin sa amin, yung babaeng haliparot, tss. Papansin!

Someone Else's POV

"Daddy! I want to transfer school!" Sabi ko atsaka umastang naiiyak na

"If you say so sweety" sabi ni daddy na para bang suko na siya sa akin

"Thank you daddy! Youre the best!" Mataas na sabi ko atsaka niyakap si daddy


Zoe Galion , wait till I steal your boyfriend. . .



WAHAHAHAHA!

-end of chapter-

Ang Boyish Kong GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon