Zoe's POVNabibingi ako sa katahimikan dito sa loob ng van, kasalukuyan kaming bumibiyahe papunta sa resort kung saan kami nagbakasyon dati, tahimik lang kami at nakatungo sa labas, sabihin na nating 'awkward' ang sitwasyon namin ngayon
Nakakailang kasi nitong ayos ng pagkaka upo namin, paano ba naman ay ang bibilis nilang nagsiupo, at ako pa ang huli nilang pinasakay mga letche,
Sila Tandang Hervin at yung dinala ni Trisha haliparot na kaibigan niya daw ang naupo doon sa likod, dalawa lang ang pwedeng umupo doon dahil inilagay doon yung sobra naming bagahe sa tabi nila
Sa sunod naman ay ako, si Kumag at si Trisha haliparot, pinaggitnahan namin si Kumag
At sa harapan naman namin ay sina Hariz, Heza, at Jane, pinaggitnaan nung magkasintahan si Heza
Tulog itong dalawang kasama ko nakakapit pa nga yung kamay nung haliparot sa braso ni Kumag, ayos lang sana kahit na tulog ang mga ito pero kasi namemerwisyo ata itong katabi ko, ang bigat bigat paano ba naman nakasandal siya sa akin, Pero ayos lang kasi ang cute!Ay este, Ano bang pinagsasabi ko!pero ang gwapo naman talaga, pero mas gwapo ako. Naka earphone siya tapos nakalong sleeves na nakatiklop hanggang sa siko niya,nakashorts din siya hangang sa tuhod niya
Unti unti naman akong nakaramdam ng antok at napapahikab na din ako, hindi ko namalayan ay nakatulog na pala ako
---
Nagising nalang ako na may mabigat na bagay na nakasandal sa ulo ko, napatingin ako sa paligid at halos lahat sila ay nasa labas at tinitignan ako na may nakakalokong ngiti
nakita ko naman si Hariz na nagpipicture saakinNung nahimasmasan na ako ay tsaka ko lang napagtanto na nakasandal pala yung ulo ni Kumag sa Ulo ko nang nakaramdam naman siya ay agad din niyang iminulat ang mga mata niya
Agad naman akong nag-ayos nang upo at nagkatitigan kami ni Kumag ng ilang segundo pero ako na ang naunang nagiwas ng tingin
"Nasan si Trisha?" tanong ni Kumag, aray naman, aish! Pake ko? Umayos ka nga Zoe
"Ah nag CR" sabi ni Jane habang nakangiwi, siguradong may ginawang kalokohan ang mga ito
Bumaba na kami ni Ken sa Kotse
"Babe!"patakbong sumisigaw si Trisha haliparot papalapit sa amin, tapos ay binigyan yung mga kasama namin ng matalim na tingin
Sabi ko na eh, may ginawang kalokohan itong mga ugok na ito
"Oh?" sagot naman ni Kumag
"Namiss ko ang bebe ko!" matinis na sabi ni Trisha haliparot atsaka yumakap nanaman sa braso ni Kumag, daig pa ang linta ang putek.
"Tara na" sabi ni tandang Hervin,tsk,tara na nga baka maka patay pa ako nang tao.
"Alam mo Ken my labs,hindi ba dito tayo unang nagkakilala? Ayiieee! Meant to be talaga tayo!" malanding sabi ni Trisha haliparot, napairap na lang ako sa sinabi niya.
Meant to be mo mukha mo!
Hindi umiimik si Kumag the jowa of haliparot atsaka sabay na kaming pumunta sa Hotel
---
Ano ba yan! Kung minamalas ka nga naman at ang naging kasama mo pa sa kwarto ay malandi! Si Trisha haliparot lang naman ang makakasama ko sa isang kwarto.
"Yuck! Can you change my room mate? I don't like to be with this girl!" maarteng sabi ni Trisha tapos may pahawak hawak noo effect pa daw siya, iuntog ko kaya yang noo mo.
"Sus kung alam mo lang ayaw din kitang makasama sa isang kwarto kaya wag kang maginarte" pabulong kong sinabi,siya pa talaga ang may ganang maginarte!
"May sinasabi ka?" sabi ni Trisha haliparot habang nakakunot ang noong nakatingin sa akin
"Bakit? May narinig ka ba?" sabi ko atsaka napairap na lang sa kawalan
"Ano sa tingin mo?" aba natututo na pala tong mambara, bigyan ng medal.
"Alam mo ba kung anong sinabi ko?" Sagot ko habang nakangisi
"What?"mataray na sabi niya sa akin at napa ismid, sinenyasan ko naman siyang lumapit sa akin
"Bwisit ka!" Sigaw ko sa kanya ng makalapit siya, gunggong, uto utong haliparot, natawa naman ako sa hindi maipintang mukha niya na kalaunan ay naging masama ang tingin sa akin
"Tama na yan,sige ikaw , ikaw na ang ka room mate ni Trisha" sabi ni tandang Hervin habang nakaturo doon sa dinalang kaibigan ni Trisha haliparot
"Yes!" sabi nung kaibigan niya,sinulyapan ko naman si haliparot,at para siyang nalugi.
"Okay fine! I was expecting pa naman na si Ken and me ang ipapartner mo sakin" sabi ni Trisha haliparot sa pinakamaarteng paraan na maiisip mo
Hinila naman siya nung kasama niya papunta sa taas,napansin ko rin na padabog na pumunta sa kwarto nila si Trisha haliparot at mukhang sinisigawan yung kasama niya, tsk, buti natatagalan ka niyang kasama mo
"Ugh! pano ko ba naging gf yun?" naiiritang bulong ni Kumag tapos napahilamos sa mukha
Nagpipigil tawa naman akong napatingin sa kaniya, bobo ka kasi.
"Kuya,tayo magkasama sa kwarto pwede?" sabi ni Hariz kay tandang Hervin tapos ay siniko siko yung kuya niya
"Sige" pagsang-ayon naman ni tandang Hervin
"Ako din mga fafa sama ako sa room niyo!" Sigaw naman ni Jonathan
"Hoy baklita wag mong hahalayin iyang boyfriend ko!" Sigaw naman ni Heza kay Jonathan
"Heza tayo naman ang room mates" sabi naman ni Jane kay Heza
"Sige ba!" pagsangayon ulit ni Heza
Nagtinginan sila Hariz at Jane at
Nagtaasan at baba yung kilay nilaNanlaki naman yung mata ko nang mapagtanto ko kung anong gusto nilang mangyari
Magsasalita na sana ako nang magsitakbuhan na sila sa kanikanilang kwarto
Mga hayop talaga naman oo. maghanda talaga sila kapag nakita ko talaga yang mga yan, puputulan ko sila ng mga ulo!
"Mga walang hiya!" pasigaw na sinabi ko sakanila
"Hayaan na natin,wala ka namang gagawing masama sa akin diba?" mahinahong sabi ni Kumag sa akin, sumama naman yung mukha ko
"Baka ikaw" Humanda talaga yung mga iyon sa akin!
Dahan dahan akong pumunta sa kwarto namin. Tinignan ko naman siya, tumingin din siya sa akin, tapos sabay kaming nagiwasan ng tingin
Yung totoo? Ito na ba yung sinasabi nilang akward?
-End of Chapter-