chapter 14

1.3K 49 2
                                    

Zoe's POV

Rinig na rinig ko naman hangang dito sa kwarto ko yung kulitan ng magpapamilya sa baba, isang linggo na ang nakalipas mula noong naging tagapagalaga ako nung bubwit na iyon.






Kasalukuyan akong nakikipagusap sa tropa sa laptop ko, nakikinig lang ako sa kanila habang dada sila ng dada pinaguusapan kasi nila kung anong gagawin sa welcome party ko






Tahimik lang din si Kumag pati si Trisha haliparot mukhang (may date ata sila) ay tahimik din sa likod ni Kumag kaso kusilap ng kusilap sakin, dukutin ko kaya mata niya, Sarap sigurong i-adobo nung mata niya tapos ipalamon sa mga aso.







"Kung kaya doon tayo sa Resort na pinuntahan natin noon?" suggest ni Jane






"Sige! Kailan?" sabi naman ni Hariz na sabik na sabik





"Tanungin natin muna sila Zoe kung free ba sila next week!" sabi ni Heza, hinintay naman nila akong sumagot





"Ui Zoe ano? Free ka next week? One week vacation ulit tayo" sabi naman ni Jane, tapos nagning ning yung mata




Napatingin naman ako sa calendar ko sa tabi ng pintuan kung saan nakalagay lahat ng schedule ko, binigyan kasi ako ng agency ng dalawang linggo para magbakasyon bago sumabak sa photoshoot






"Ngayong linggo lang ako pwede" sambit ko






"Ikaw Ken?" Tanong naman ni Hariz







"Ngayong week din" sagot naman ni Kumag





"Okay so Final na yun ah?" sabi ni Jane, tapos ay pumapalakpak pa







"Kung ganoon tara sa mall ngayon! Kailangan nating bumili ng mga gagamitin natin sa bakasyon natin" masiglang sabi ni Heza, kulang na nga lang tumalon siya






"Sige"pagsang-ayon ko,yung iba tumango nalang,at nakita ko naman si Trisha na nagnining ning ang mata,psh, magpapabida nanaman yan.







Napagusapan naman namin kung saan kami magkikita kita para sabay na kaming pumasok sa mall, kasalukuyan kong pinagmamasdan ang itsura ko sa repleksyon ko kotse ko, nakafitted na white turtle neck sando ako, atsaka black jacket na may disenyo, black fitted jeans, isang malaking white rubber shoes atsaka black na sling bag, hindi na din ako naglagay ng kolorete sa mukha dahil tinatamad ako atsaka hinayaan ko na ding nakalaylay ang mahaba kong buhok





Pumasok naman na ako sa kotse ko ng makontento ako sa itsura ko, nang makarating ako sa parking lot ng mall ay agad kong hinanap yung shades at cap ko sa likod ng kotse ko, pero hindi ko mahanap, binuksan ko na yung ilaw ng kotse ko pero hindi ko mahanap, bwisit! Naiwan ko ata.







Maya maya lang ay may kumakatok sa bintana ng kotse ko, napatingin naman ako at nakita kong sila Jonathan pala iyon






"Tara na beshy!" Sigaw ni baklang Jonathan



Binuksan ko naman yung pintuan ng kotse ko at napalingon lingon sa paligid, ito ang ayaw ko eh, hindi ako makagalaw ng maayos





Sinubukan ko namang sabihin ang problema ko pero mukhang mga walang pake alam itong mga kasama ko, bwisit na yan.


Naglalakad kami ngayon sa mall,tago ako nang tago sa likod nila,yung iba napapatingin sakin na para bang namumukhaan nila yung mukha ko ,Sana naman walang makakilala sa gwapo kong mukha


Habang naglalakad kami ay may biglang sumigaw sa likodan namin,lahat kame napaharap sa sumigaw


"WAAAH!! MAY MGA SIKAT NA MODEL DITO! PA AUTOGRAPH AKO!" sabi nung isang babae,siguro mga highschool palang, at halos lahat nang mata napunta saamin! 


Nakangiwi naman akong napaharap sa kanila at itinaas ang kamay ko at kinawayan sila


"Uhm hi?" nag-aalangan kong sabi at napipilitang ngumiti, heto na nga ba ang sinasabi ko.



Agad ko namang kinalkal yung bag ko at may dalawang ballpen akong nahanap doon



"Thanks" sabi ni Trisha haliparot sabay hablot nung dalawang ballpen sa kamay ko,at binigay kay Kumag yung isa, peste talaga kahit kailan



Dinumug na kami nang maraming tao kaya medyo dumidikit na yung balat ko sa balat ni Trisha haliparot, putek na yan. Mukhang madidikit pa yung virus dito sa braso ko. halos lahat nang tao ay pumunta saakin at kay Kumag, at ni isa walang pumunta kay Trisha the sikat na halipaot 



"Mukhang mas kailangan ko ata iyang ballpen haliparot" sabi ko Kay Trisha haliparot ,at hinablot ko din yung ballpen sa kamay niya tapos ay nginitian siya nang nakakalokong ngiti, humagikhik naman ako ng makita kong hindi maipinta yung mukha niya




Nagpirma na ako nang sandamakmak na magazines,meron din naman nagpapicture sakin,ganun din kay Kumag at si Trisha na sikat? Ayun naka busangot!




Tumulo na yung pawis ko dahil andaming taong pumapalibot sa amin, partida naka jacket pa ako, wala pa akong nakuhang panyo kaya yung likod ng palad ko yung ginagamit kong pamunas sa pawis ko




"Oh eto"



Napalingon naman ako sa direction ni kumag nang masalita ito, napatingin naman ako sa inaabot nito sa akin at saglit na napatigil





Inabot ko naman yung binigay niyang towel sa akin, hindi na ako magiinarte kasi kailangan ko naman, nagpasalamat ako kay Kumag habang iniisip kung saan ko ba nakita yung towel




"Nasa sayo pa pala ito"sabi ko
ay Kumag nang matapos na kami sa mga nagpapapirma, hindi naman masyadong madami dahil modelo lamang kami at hindi artista





"Bigay kasi yan ng tropa kaya hindi ko naman pwedeng basta bastang itapon" pinagmasdan ko siya habang sinasabi iyon, halatang pinipili nito ang sasabihin nito






Yun yung towel na may nakasulat na KENZOE, iniregalo sa amin nung tropa nung isang buwan na kaming magshota ni Kumag





Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako, agad namang nawala yung ngiti ko nang mapagtanto kong nakangiti ako, bwisit.




Nasisiguro ko na bago ako bumalik dito sa Pilipinas ay wala na akong nararamdaman sa kanya



Pero bakit?



Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?

Hindi kaya. . .



May heart disease ako?

-End of Chapter-

Ang Boyish Kong GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon