Zoe's POV'Hello Miss Zoe, I can see you'
'Don't hide, I can still see you'
'How wonderful! I have a copy of your birth certificate'
Tawang tawa naman ako sa mga nakuha kong text, halos tatlong araw na din akong nakakatangap ng mga ganitong text
"Zoe!Nuod tayo nang photo shoot ni Ken!" sigaw ni Jane habang papunta sa akin, sinulyapan ko ito saglit atsaka itinuon nanaman ang aking paningin sa aking telepono, may mga natangap kasi akong mga picture ko Kung nasaan ako, bwisit na yan. Hindi man lang nakuha yung gwapong angulo ko.
" Hindi ako pwede." sabi ko tapos ay umiling iling pa ako habang tutok pa rin ako sa telepono ko
"Bakit naman?" Tanong ulit sa akin ni Jane, dadal ng bwisit.
"Kasi hindi ako pwede" sagot ko,
"Ay sayang! Alam mo ba na may stalker si Ken?" sabi ni Jane na ngayon ay nakatingin na sa telepono ko, chismosa ang bwisit.
"Stalker?" sabi ko na ngayon ay nakatingin na kay Jane
"Oo, yung katulad niyang sa iyo." Sabi ni Jane tapos ay hinablot yung telepono ko at binasa lahat ng mga messages ko, kapal talaga ng mukha
"May stalker ako?" Nakakalokong tanong ko atsaka napahagalpak ng tawa, bwisit na yan.
"Oh di anong tawag diyan? Manliligaw mo? Eh halos alam na nga ata lahat ng tungkol sa iyo eh, stalker ang tawag diyan Zoe" sabi ni Jane habang tinuturo turo yung telepono ko, baliw na ang bwisit.
" talaga? Cool." sabi ko tapos ay ngumisi
"May lakad ka ngayon?" Tanong ni Jane habang tinitignan pa rin yung telepono ko agad ko naman itong hinablot at saka tumango.
"Sige sayo nalang ako sasama" sabi naman ni Jane tapos hapit sa braso ko
"Bawal madaldal" sabi ko tapos kinuha na yung bag ko at akmang iiwan siya
"Guys! Kay Zoe ako sasama" sigaw ni Jane sa mga kasama namin, kulit talaga ng lahi.
" sama ako Kay Zoe" sabi din nu Hariz, Isa pa itong ugok na ito, bagay nga talaga sila, mga bwisit.
"At kami naman ni Hervin Kay Ken"Sabi ni Heza tapos ay ipinulupot yung mga kamay niya sa bewang ni Tandang Hervin
" sige" Sabi nilang lahat na siyang ikinapikit ng mga mata ko ng mariin. mga bwisit talaga. Si Jonathan naman ay may inaasikaso sa negosyo niya kaya hindi namin ito kasama ngayon
Ken's POV
"Sino nga pala yung makakapartner mo sa modeling?" Tanong ni Heza, nasa likod silang dalawa ni Hervin. Ginawa akong driver at third wheel ng mga loko
" Triple Z" sagot ko habang diretso ang tingin sa daan
"Ang ikli mo naman sumagot" nakangusong sabi ni Heza.
"Para tumahimik ka" tugon ko, kita ko naman sa salamin na sumama ang mukha nito
"Babe oh! Look! ken is so rude!"sigaw ni Heza tapos ay dinuro duro pa ako, landi.
" tsk, conyo " nakangising saad ko atsaka umiling iling pa.
"Alam mo ang sama ng ugali mo" Sabi nanaman ni Heza, kailan ba ito tatahimik?
BINABASA MO ANG
Ang Boyish Kong Girlfriend
Dla nastolatkówAll Rights Reserved 2016 ©Im_sorry_im_cute