puppy love

149 1 1
                                    

Si Abegail. Maganda,mabait. Kalaro ko siya, kababata. Madalas kaming magkasama noon. Lagi kaming pumupunta sa bahay nila at naglalaro ng kung anu-ano. Long hair pa ako noon. 9 years old na ako noong maramdaman ko na mahal ko siya. Hindi ako nakikipaglaro kahit kanino, gusto ko si Abby lang. Tinatawag ako noon nila kristel na makipaglaro noon pero ayaw ko. Ayaw kong mahiwalay kay abby.

  Lagi kaming masaya. Naglalaro kami ng taguan,luto-lutuan,habulan. Hindi pa niya alam ang nararamdaman ko para sa kanya at hindi niya rin alam na barako pala ako. Kaya kahit hindi naman ako mahilig sa mga bagay na ginagawa ng mga babae ay pinilit ko na lang gawin. Pinilit kong itago ang nararamdaman ko sa kanya. Ginawa ko lahat para lang makasama siya. Mahal ko siya eh.

  Habang tumatagal ang pagtatago ko sa nararamdaman ko sa kanya. Mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko. 13 years old na aq ngayon At nasa 2nd year high school na kami at sa tingin ko naman ay ito na ang tamang oras para aminin ko sa kanya kung anu ako at kung anu ang nararamdaman ko. 4 years ko na rin tinatago.
 
  Nasa park kami. Katatapos lang ang klase. Umupo muna kami duon habang inaantay sina kristine at arjay. Sabay-sabay na kaming umuuwi. Iisang barangay lang naman kami.

    "Abby!"
    "Hmmm?!" Mahinhin niyang sagot.
    "Nagka-crush ka na ba?" Buong tapang kong itinanung.
    "Hmm, meron. Ba't mo naman naitanung ?"
    "Wala, may crush din aq eh .." kabado kong sagot .
    "Pogi ba siya ? Matangkad ? Taga rito din ba ? " sunod-sunod nyang tanung sa akin.

    Hindi ko alam kong uunahin kong sasagutin at hindi ko rin alam kung anung isasagot ko. Nakatitig siya sa akin habang nag aantay ng sagot ko. At habang tinititigan niya ako ay mas bumibilis ang tibok ng puso ko. Nararamdaman ko na umiinit ang mukha at tenga ko.

   Iniwas ko ang tingin ko sa kanya baka kasi hindi ako makapag pigil eh mahalikan ko siya.

  "Ba't ka namumula ?" Tanung niya sa akin habang tumatawa ng mahinhin. "Siguro tagarito yung crush mo noh, sabihin mo na secret lng natin!".

  Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso.
"Oo tagarito siya, pero hindi siya pogi." Nahihiyang sagot ko sa kanya.

  "Hindi siya pogi ?" Nagtatakang tanung niya sa akin. "Mahilig ka ba sa pangit ?" Tumatawang sabi niya sa akin.

 

Love Knows No GenderWhere stories live. Discover now