Where are you now ?!

72 0 0
                                    

Hindi ko namalayan isang linggo na rin pala mula nung huli kaming nag-usap. Parang bigla ko siyang namiss. Kaya pagkalabas ko ng school ay dumeretso ako sa bahay nila. Mama niya lang ang anduon nung mga oras na yon.

  "Oh Karylle, napadaan ka."

  " Good afternoon po tita, anjan po ba si Abby ?!"  Tanong ko sa mama niya.

  "Ai wala siya dito. Hindi ba kayo nag-usap bago siya umalis ?"

Sa pagkaka-alala ko eh wala naman kaming napag-uusapan tungkol sa pag-alis or kung may pupuntahan siya.

  "Wala naman po tita. Saan po siya pumunta ?"

  "Nag transfer siya ng school sa Manila. Doon kasi na-destino ang papa niya. Gusto daw niya sumama kaya pati ako rin ay pupunta din. Hindi ba niya talaga sinabi sayo?".

Napanganga ako, natulala sa sinabi ng mama niya. Yung feeling biglang dumilim ang paligid ko. Yung mag-isa nalang ako. Tapos yung biglang natulo ang laway ko. Salamat sa laway ko at nagising ako.

  "Ganun po ba, salamat po. Uwi na po ako."
Natutulala ako sa sinabi ni tita. Umuwi ako ng wala sa sarili.

   Pagdating ko sa bahay ay sa kwarto kaagad ang punta ko. Pagpasok ko sa kwarto ay hindi ko na napigilan maiyak.

  Iyak lang ako ng iyak habang iniisip lahat ng mga masasayang araw na magkasama kami. Nagising ako nang biglang may kumatok. Sa kakaiyak ko ay hindi ko na pala  namalayan na napaidlip ako.

  "Karylle, gising na . Kumain ka muna ng hapunan bago ka matulog ulit. Ikaw na lang ang hindi pa kumakain." Niyaya ako ni mama kumain ng hapunan.

Hindi ko namalayan gabi na pala. Pero parang wala akong ganang kumain at parang ayaw ko nang bumangon. Parang mas okay na lang na natutulog ako kasi pag natutulog ako, hindi ko nararamdaman ang sakit.

  Pinilit kong bumangon baka kasi magtaka si mama. Pagbaba ko papunta sa kusina ay nakatitig si mama sa akin. "Bakit ?"  Tanong ko kay mama.

  "May sakit ka ba ? Parang antamlay-tamlay mo. "  Gusto ko sanang ipagtapat sa mama ko na na basted ako ng babae pero baka magalit siya. Ang ganda ko tapos sasabihin ko na binasted ako ng kapwa ko babae ! Eh di sampal ang abot ko nun.

  "Siyempre, bagong gising ako. San kayo nakakita ng blooming pagkagising ?! Lahat ng bagong gising may muta kahit maganda o gwapo or boy, girl, bakla ......... or tomboy." Kailangan kong magsinungaling muna. Hindi ko pa kayang mag-out.

  "Oh eh ba't ka galit ?" Ngumiti na lang ako sa joke ni mama. Sabay abot sakin ng itinabi niyang pagkain ko. Wo tocino favorite ko pero ayaw kong kumain. Bigla na naman kasi nagpakita si Abby sa isipan ko. Nakita ko yung bracelet na suot ko na siya mismo ang gumawa. Favorite color ko pa yung ginamit ; red, black at green.

  Nilalaro-laro ko na lang yung pagkain. Halos mahimay na yung tocino sa kakatusok ko habang naka ninoy Aquino pose ako.

  "Sinabi mo na lang sana na hindi ka kakain. Eh di sana nabusog pa si muffy." Nagulat na lang ako nang biglang nagsalita si mama. Kanina pa pala niya ako pinapanood.

  Tumayo na ako sa mesa at iniwan ko na ang kinakain ko. "Tapos ka na ?! " tanong sa akin ni mama habang palayo ako sa mesa. Tumango lang ako bilang pagtugon. "Eh hindi ka naman nagsubo. Pa'nong naging tapos yun."

   "Wala po akong gana, busog pa ako. Sige po, Matutulog na po ako." At tumuloy na ulit ako sa taas para matulog. Nakatingin lang si mama sa akin habang paakyat ako ng kwarto.

   Pagpasok ko pa lang ng kwarto, hindi ko napigilan maiyak. Lahat na lang ng nakikita ko sa paligid ko siya yung naalala ko. Akala ko noon gusto niya rin ako kahit hindi niya sinasasabi. Answeet sweet niya sa akin. Pag lumalabas kami holding hands, pag nagkikita or may aalis sa aming dalawa ay lagi niya akong hinahalikan sa pisngi, niyayakap niya ako. Minsan nga magkatabi pa kami matulog. Share kami ng kumot, pagkain. Pero normal lang pala sa kanya yon.

Love Knows No GenderWhere stories live. Discover now