Si Kiefer daw ang crush niya .. wahhhhhhhh
😭😭😭 mangiyak-ngiyak ako sa sinabi niya."oh sinabi ko na kung sinong crush ko. Ikaw naman."
" IKAW NGA !! Mahal na kita noon pa. Nahihirapan na akong itago." Naiinis na sabi ko sakanya." anung ako ? Anu bang sinasabi mo ?" Confused.
" Tinanong mo kung sino crush ko di ba ! Ikaw ang crush ko. Mahal kita ! Oo babae ako pero anung magagawa ko. Masaya ako pag kasama kita. Matagal na akong may nararamdaman para sayo. Sobrang tagal na at hindi ko na kayang itago. Mahal na mahal kita. Tomboy ako."
Medyo gumaan ang pakiramdam ko. Sa wakas nasabi ko na rin sa kanya. Feeling relieved. Pero natulala siya. Walang reaksyon.Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Niyakap ko siya ng sobrang higpit. Pero tinulak nya ako.
"Anu bang sinasabi mo ? Tomboy ka ? Karylle best friends tayo di ba ?! Bat kelangan mong itago sa akin ?."
Lumayo siya sa akin na para bang nandidiri. Hindi siya makatingin sa akin. Ako naman parang naidikit na yung pwet ko sa kina-uupuan ko. Hindi ko na alam.
" Hindi ko sinabi sayo kasi gusto ko lagi kitang kasama. Baka pag sinabi ko sayo noon baka hindi mo na ako kakausapin o baka ayaw mo na akong makasama. Wala ka bang nararamdaman para sa akin?" Lakas loob na akong nagtanung sa kanya.
" Matatangap ko naman siguro kung hindi ako yung gusto mo. Pero karylle kasi kaibigan kita eh. Oo mahal kita pero bilang kaibigan lang. Parehas tayong babae at mali yang iniisip mo."
" Walang mali. Kung mahal niyo ang isa't - isa.
Biglang tumahimik. Hindi ko alam kung anung magiging reaksyon sa mga sinabi niya.
YOU ARE READING
Love Knows No Gender
FanfictionAng kwentong inyo pong mababasa ay pawang mga kalokohan at kathang isip lamang. May mga mangilan-ngilan part na base sa life nya pero dinagdagan ko lang. Konti lang naman. Sana po ay magustuhan niyo. By the way, first time ko gumawa ng kwento na maa...