"Mahal naman talaga kita" napatingin ako kay Abby. Mahal niya daw ako. Pagkasabi niya ng mga linyang yun, lumapit siya sa akin hinalikan niya ako sa noo, tapos sa ilong, tapos ....
Nagising ako. Panaginip lang pala. May kumakatok sa pintuan, sa sobrang inis ko hindi ako umimik at pumikit ulit ako."Bumangon ka na jan ! Mag ready ka na." Every sunday lumalabas kami para mag simba. Sunday, it's family day. Pero wala si papa. Engineer si papa sa Dubai. Kakauwi niya lang last month. Pero nagvivideo call naman siya tuwing gabi ng sunday kaya okaye lang kahit na hindi kami kompleto.
Bumangon na ako after 30 mins. mula nung ginising ako ni mama. Deretso ako sa c.r., naligo. Napatingin ako sa salamin. Mahaba pala ang buhok ko. OOTD ko black shirt, Tattered jeans and converse shoes pa rin, as usual. Kumakain na sila ng agahan pagbaba ko. Nakabihis na sila.
"Umupo ka na at kumain ka na."
"Hotdog ulit ?! Wala na bang ibang ulam ?" Ganun din kasi ang ulam kahapon.
"May nakikita ka pa bang iba ?! Pagtiisan mo na yan, mamaya pa ako mamalengke."
"Okaye." Baka humaba pa ang usapan. Kumuha lang ako ng isa. Parang wala akong kagana ganang kumain.
Tapos na kaming kumain,mag toothbrush at kung anu-ano pa. Ready to go na kami. Si kuya ang driver. Nasa simbahan na kami, uupo na sana ako sa bandang likuran kaso hinila ako ni mama. "Doon tayo."
"Aaaah... ayaw !!!" Gustong-gusto kong nagpapa-bebe kay mama. Kasi bini-baby nya rin naman ako. Napatigil na lang ang pagpapa bebe ko nung nakita ko kung sinong kasama namin magsimba. Si Tita Marly, Abby at ang boyfriend niyang pangit. ✌
Tita Kuya ate bf Abby ako mama
👤 👤 👤 👤 👤 👤 👤
[]==============================[]Ganyan ang posisyon namin sa simbahan. Ang alam ni mama at tita Marley, okaye pa rin kami. Sa totoo lang sobrang awkward.
Tapos na ang misa nanduon na kami sa labas. Nag-uusap si mama at si Tita Marly habang inaantay nila ang sundo nila. Si ate Kara naman busy sa cellphone niya. Magkatabi kami ng kuya ko tinitignan namin at pinag uusapan ang mag jowang naglalandian.
Magkatabi kami ni kuya Kiko, sanggang dikit kami ni kuya eh. Ang turing ni kuya sa akin ay lalaki. Habang pinagmamasdan ko sina Abby at Bf niya ay hindi ko maiwasang mainggit. Ganyan din kaya kami ka sweet kung maging kami.
"Mas bagay naman kami di ba kuya ?" Tanong ko kay kuya habang tinitignan namin ang dalawa.
Tinignan ako ni kuya mula ulo hanggang paa. "Sana, kung mukha kang lalaki. Magpagupit ka kaya ? Kasi boses lalaki ka naman. mas boses lalaki ka pa nga kesa sa akin eh tapos matangkad ka rin . Tapos pag nagka pera ka ipaalis mo na yang abs mo sa harap. Hehehe. Tapos konting porma lang pogi ka na. Magkamukha na tayo."
"Takot ako ma operahan. Bili na lang ako ng pambalot. Di ba ?!" Tinignan ko ang boobs ko, Hindi naman kalakihan ang boobs ko ei kaya may pwede pa naman itago kesa naman sa gumastos pa ako para doon.
Dumating na ang sundo nila habang binibigyan ako ni kuya ng mga pogi tips. Sakto naman nag-yaya na si mama na mag-grocery. "Hindi po ako sasama, gusto ko na pong umuwi. Ibaba niyo na lang ako doon sa may paradahan ng jeep, magko-commute na lang po ako."
"Bakit ? Ayaw mo bang sumama mag grocery ?!"
"Ano naman ang gagawin ko dun ? Susunod- sunod lang naman ako doon, di ba ! Kaya matutulog na lang po ako."
"K, fine! Whatever. Dun ka lang sa bahay ha! Baka mamaya kung saan-saan na naman kita hahanapin." Tumango na lang ako. Lumarga na kami at ibinaba ako sa paradahan ng jeep, dumeretso na rin sila sa grocery store.
Pagdating ko sa bahay sinalubong ako ng aso kong si Kerby. Binigay sa akin ni Abby nung nanganak ang aso nila. Hinalikan ko lang siya at umakyat na ako ng kwarto . gusto kong matulog parang nadedepressed na naman ako. hihiga na sana ako nang makita ko ang reflection ko sa salamin .
"Andami ko pala kelangan baguhin. Hairstyle, pananamit ko at ang boobs ko ... haisst.."
Naghanap ako ng binder online . Mahal daw kasi ang magpa- Breast reconstruction kaya itatago ko na lang. Hindi naman siya kalakihan. nag deal na kami ng seller . Ire-reconstruct ko naman ngayon yung mga vintage elephant cut pants ko. Gagawin ko siyang tattered skinny jeans. Hairstyle ko naman ngayon. Gugupitin ko na san ang buhok ko nang narinig kong dumating na sila mama.
"Karylle?"
Nilapag ko ang gunting at dali-dali akong humiga sa kama at nagtulog-tulugan. Naramdaman kong umupo si mama sa tabi ko hinipo niya ang noo ko.
"Akala ko may sakit ka na naman." Hinalikan niya ang noo ko bago siya lumabas. Doon ko naramdaman kung gaano niya ako kamahal. Tatangapin niya din kaya ako kung sakaling aminin ko na sa kanya ?
YOU ARE READING
Love Knows No Gender
FanfictionAng kwentong inyo pong mababasa ay pawang mga kalokohan at kathang isip lamang. May mga mangilan-ngilan part na base sa life nya pero dinagdagan ko lang. Konti lang naman. Sana po ay magustuhan niyo. By the way, first time ko gumawa ng kwento na maa...