we meet again

70 0 3
                                    

   Pagkagising ko ay naghilamos muna bago ako bumaba at nakita ko si mama na nagluluto ng agahan. Nanonood naman si. Ate Kara at kuya Kiko. "Oh anung nangyare sayo ? Ngayon lang yata kita nakita ?" Tanong sa akin ni ate Kara.

   "Pa'no mo ako makikita eh hindi mo naman ako hinahanap." Pabiro kong sagot kay ate.

   "Ang aga mo naman yata magising ngayon ?" Sunod naman na nagtanung si kuya kiko sa akin.

   "Siyempre ilang araw na akong absent kaya kailangan ko nang pumasok."

   "Papasok ka ?! Ilang araw ka ba natulog at halos hindi mo na alam kung anung araw na ngayon." Natatawang tanong ni kuya sa akin..

  "Bakit ano bang araw ngayon ?!"  (Nagtataka)

  "Sabado po !" Sabay na pagsagot ni ate at kuya.

  Hindi na ako umimik. Nginitian ko na lang silang dalawa. Sabado na pala, hindi ko man lang namalayan. Antagal ko pala natulog. Dumiretso ako sa kusina at kinuha ang hotdog at tinapay saka lumabas ng bahay.

   "San ka pupunta ? Yan lang ba ang agahan mo ?!" Tanong ni mama sakin.

   Tumango lang ako. Tinuro ko lang sa labas bilang sagot sa tanung na kung saan ako pupunta. Puno kasi ang bibig ko. Hindi ako makapag salita. Lumabas na ako ng bahay. Iniikot ikot ko ang baranggay namin. Napahinto ako sa isang bahay. Para kasing may familiar na boses akong narinig. At sa paglingon ko ay bahay pala nila Abby at nakita ko siya. Gumanda ang araw ko at nakita ko siya ulit. Ngumiti at kumaway ako nang makita ko siya. Expectations: Tatakbo siya at yayakapin niya ako dahil namiss niya ako ng sobra. Reality: Ngumiti lang siya. Pero nanatili siya sa kinatatayuan niya at hindi man lang ako niyaya.

Nasa labas sila ng mga oras na yun. Sakto, buti na lang at nakita ako ng mama niya. Lumapit siya sa kinatatayuan ko. "Buti napadaan ka, pasok ka ." Niyaya ako ng mama niya na pumasok sa bahay nila.

Kaagad naman akong pumasok. Talagang namiss ko siya at wala nang hiya hiya pa.

"Salamat po tita."  Hindi ako masyadong pinapansin ni Abby. May time na magtatama ang mga mata namin pero agad niya itong iniiwas. Gusto ko siyang kausapin, tanungin kung bakit. Pero sobrang hirap tumayming. Nagpapakiramdaman kami hanggang sa nag salita ang mama niya. "Oh, maiwan ko muna kayo dito at maghahain lang ako ng meryenda."

Nakatitig ako sa kanya, samantalang siya ay umiiwas ng tingin.  " bakit ......."  naputol ang sasabihin ko nang may biglang lumabas na lalaki  sa kanilang guest room. Lumapit siya kay Abby at hinalikan niya ito sa noo. Tumingin sa akin ang lalaki at narinig kung binulong niya kay Abby [ sino siya? ] tumingin sa akin si Abby at ipinakilala niya kami sa isa't-isa.

"Uhm. Carlo, siya si Karylle. Family friend.Karylle, siya pala si Carlo,... "Boyfriend ko !"

《Boyfriend ko ... Boyfriend ko ... Boyfriend ko ...
Boyfriend ko ... (until fade)》

Natulala ako sa sinabi ni Abby. Nagulat. Mixed emotions. Frozed. Nagising lang ako sa bangungot nang biglang nag alok si tita ng meryenda para sa amin.

   "Oh, meryenda muna kayo mga bata."
Masarap ang hinanda ni tita. Pizza roll. Masarap, pero nawalan ako ng gana. Hindi ko maiwasang tumingin sa kanilang dalawa. Ang sweet nila, nagsusubuan, nagtatawanan. Samantalang ako, O.P. at nasasaktan. Mabigat pala sa pakiramdam kapag pinipigilan mo yung sakit na nararamdaman mo. Parang hindi ko na kaya parang ilang segundo na lang eh sasabog na ako.

Kakain na sana ako ng pizza roll eh pero nabitawan ko bigla. Nakita ko sila ..... nag kiss .....
Sa lips ..,  😖😖 parang nagunaw ang mundo ko. Tumakbo ako palabas ng bahay nila Abby. Naririnig kong tinatawag ako ni tita pero ayaw ko nang lumingon. Pagkalabas ko pa lang ng bahay nila ay hindi ko na napigilan ang iyak ko. Tumulo na ang mga naipon kong tubig sa mata. Iyak ako ng iyak habang naglalakad. Wala na akong paki alam kahit sino pa ang makasalubong ko. Ang mahalaga sa akin sa mga oras na yon ay yung makalayo ako.

Love Knows No GenderWhere stories live. Discover now