I cried too much, I find myself in the middle of nowhere.
Napadpad ako sa lugar kung saan tahimik, kung saan pwede kong ibuhos lahat: sa ilog kung saan lagi akong tumatambay kapag malungkot at mag-isa ako. Habang iniisip ang mga masasayang araw na magkasama kami hindi ko namalayan na basang-basa na pala ako ng ulan habang sumasabay ang pag iyak ko.
Hindi pa rin tumitila ang ulan pero gabi na pala kailangan ko nang umuwi at baka hinahanap na ako ni mama. Malapit na ako sa pinto nang marinig ko si Abby at mama niya kausap nila si mama. Pag bukas ko nang pinto narinig kong nagsalita si Abby.
"Anjan na pala siya oh." Sabi ni Abby habang palapit ako sa kanila. Nakatitig silang lahat sa akin, hindi ko naman alam kung bakit. Habang palapit ako sa kanila, nakita ko si mama. Mukhang galit na parang ewan. Hinagisan ako ni kuya ng twalya mula dun sa taas.
"SAN KA BA NANGGALING !! KANINA PA KITA HINAHANAP, ALAS NWEBE PASADO NA ! GANYAN BA UMUWI ANG BABAE ?!
Galit na galit talaga si mama. Pero parang wala lang sa akin ang galit niya ngayon. "Sorry po !"
At yun lang ang naisagot ko."Saan ka ba galing iha ?! Bat bigla kang umalis kanina ?! Nag away ba kayo ?!" Tanong ni tita Marly Sabay tingin kay Abby.
"Hindi po." Ako na lang ang sumagot at mukhang hindi alam ni Abby ang isasagot niya.
Hindi ko na kayang makita si Abby dahil sa tuwing nakikita ko siya naaalala ko lang yung sakit na nararamdaman ko. "Tutal andito naman na po ako sa bahay, eh pwede na po ba akong matulog. Inaantok na po ako."
Sa buong pag uusap namin sa labas nakayuko ako. Akala ko hindi papansinin ni mama. Inangat ni mama ang mukha ko. "Bat namumula ang mga mata mo ?! Umiyak ka ba ?! "
"Nag lasing po ako " pabiro kong sabi kay mama habang nakahawak siya sa mukha ko.
"Buang!" Sabi ni mama bago niya binitawan ang mukha ko. Nakangiti lang si Abby at mama niya.
"Pwede na po ba akong umakyat ? Nilalamig na po ako." Tumango si mama. Sa taas kasi ang kwarto ko. Paakyat na sana ako nang biglang may inabot sa akin si Abby. Ang aking cellphone.
Tinitigan ko siya pero mabilis niyang iniwas ang tingin niya sa akin. "Naiwan mo kanina sa bahay nung bigla kang umalis." Buti na lang may code. Pero alam kong nakita niya ang wallpaper ko. Mga edited photos naming dalawa. Ngumiti nalang ako bilang pasasalamat.
Lumingon ako saglit kay tita Marly. "Goodnight po tita at salamat na rin, uwi na lang po kayo pag tumila na ang ulan. Tumango at nakangiti lang si tita. Goodnight ma. Umakyat na ako at hindi ko na nilingon si Abby.
Hindi ko man tinitignan si Abby ng deretso alam kong nakatingin siya sa akin habang paakyat ako. Papasok na ako ng kwarto nang sakto namang lumabas si kuya Kiko. "San ka ba kasi galing ?" Pabulong niyang tanong sa akin. "Friendzoned ulit ?" Pang aasar niyang tanong sa akin.
"Hindi,may boyfriend! " nanlilisik na mga matang sinagot ko siya. Pumasok na ako pero narinig kong tumawa si kuya.
Lingid sa kaalaman ng lahat maging ang mga reader's ng kwentong ito, si kuya Kiko lang ang nakaka alam ng sekreto ko. Napansin niya noong tuwing lumalabas kami. Si mama at ate nagme make-up tapos mga mini skirt. Samantalang ako mga checkered long-sleeves with matching six-pocket 3/4 shorts tapos converse sneakers. Nilalagyan ako ni mama ng lipstick pero pag iniwn ako sa tabi eh binubura ko kaagad. Pag tinatanong ako kung bakit ayaw ko mag make-up, sinasabi ko na lang na may allergy ako.
Meron din yung time na nakita ako noon ni kuya na may kausap akong girl nung time na nagbakasyon kami sa probinsya. 1st girlfriend ko si Erika. Nag aaway kami nung time na yun kasi uuwi na kami. Aalis na daw si kuya nung nakita kami kaso lang naabutan niyang hinalikan ko si Erika. 😂😂 .. Sa gulat ni kuya sa nakita eh napasigaw lang siya ng "KAREN!" sa gulat din ni Erika sa kuya eh tumakbo siya.
Kina usap ko si kuya na secret na lang namin yun at nag promise siya sa akin dahil tinakot ko siya na kapag sibabi niya ito sa kung sino man eh magpapakamatay ako mismo dun sa kwarto niya. Natakot naman siya dahil sa pagkaka alam niya sa mga tomboy eh emotional na pag nade-depressed eh nagpapakamatay. Kaya siya lang talaga nakaka alam.
Back to present tayo ... Naligo na ako at nagbihis na rin. Naka uwi na rin sina Abby at Tita Marly, hinatid sila ni kuya. Nakahiga na ako nun nung biglang kumatok si mama. "Bakit ?"
"Kumain ka muna bago ka matulog. Buong araw ka din hindi umuwi."
"Nag foodtrip ako sa labas kanina." Kahit hindi naman talaga ako kumain. Wala kasi akong gana eh.
"Okaye!, Goodnight then "
"Okaye, goodnight din, ma !" Nakapikit na ako nang biglang may nagtext.
1 New Message Received
Tita Marly
Anung meron at nagtext si Tita Marly.Tita Marly:
Tulog ka na ba ?! Si Abby pala to. Nakitext lang ako kay mama. Gusto ko lang mag sorry sa lahat . Sana maging okaye ka at sana maging masaya ka na lang para sa akin. Hindi ko kasi talaga kaya. Hanggang friendship lang talaga ang kaya kong ibigay . Hindi ko parin kasi tanggap kung anu ka ngayon. Sorry talaga. Sana maging okaye ka na, goodnight. ☺Eh di wow, ayaw talagang ibigay ang kanyang new #. Hindi na ako nag reply. Delete na lang at natulog na ako.
YOU ARE READING
Love Knows No Gender
FanfictionAng kwentong inyo pong mababasa ay pawang mga kalokohan at kathang isip lamang. May mga mangilan-ngilan part na base sa life nya pero dinagdagan ko lang. Konti lang naman. Sana po ay magustuhan niyo. By the way, first time ko gumawa ng kwento na maa...