Aja !!!💪

121 1 0
                                    

Gusto kong tumakbo. Hindi ko na talaga alam kung panu ko aaminin sa kanya. Naka ngiti siya habang tumitingin sakin, naghihintay ng sagot. Hindi ko alam kung aamin na ba ako o gagawa ako ng kwento. Huminga ako ng malalim. 

  "Ha !!" Bumuntong-hininga ako ng malakas.

  Nawala ang kaba ko ng bigla niyang sinabing ..

"Hmmf, ambaho !" Pabiro niyang sabi. Nagtawan kami. Nawala konti ang kaba ko. Pero panandalian lang yun. Biglang tumahimik pagkatapos ng malakas na tawanan. Back to the usapan na naman kami.

"So, sino nga yung crush mo ?!" Tanung na naman niya sa akin.

Ito na talaga , kelangan ko nang sabihin. Sasabog na talaga ang dibdib ko. Kelangan na kelangan na talaga.

  " MAHAL KITA !!!!!!!!!! ❤❤❤❤❤❤❤❤" bigla biglang nasabi ko sa kanya. Walang preno.

  Nagulat siya at nagulat din ako. Walang reaksyon. Tahimik . Walang imik. Nagkatitigan kami. Akala ko yayakapin na niya ako, yun pala tatawanan niya lang ang sinabi ko.

  "Hahahahaha .... adik ka teh. Yung seryoso kasi, hindi ko naman ipagkakalat ! Si jAce ba ? Arjay ? Nakaka inis naman to. Walang joke kasi.  Sino ?!

  Tinatapik-tapik niya ako habang nagtatanung. An shakit. Gusto ko siyang sigawan, gusto ko siyang iwan. Walang reaksyon ang mukha ko, seryoso. Gusto kong umiyak.

   "Uy! Ok ka lang bat bigla kang natahimik

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

   "Uy! Ok ka lang bat bigla kang natahimik. Yung seryoso kasi."

  Wala pa rin akong imik. Ayaw ko siyang kausapin. Hindi ko rin  naman kasi alam kung anung sasabihin. Muntik na akong maiyak sa sinabi niya.

  " sige sabihin ko kung sino crush ko tapos sabihin mo din yung crush mo. Seryoso na to ha. Si Kiefer yung crush ko. " kinikilig pa siya, naiiyak tuloy ako. 😢😢

Pero sino nga ba si Kiefer ?!

Love Knows No GenderWhere stories live. Discover now