Depression

84 0 0
                                    

  At dumating na nga sa point na depressed na ako. Buong araw akong natutulog. Pag nagigising naman ako eh iyak na lang ako ng iyak. Dalawang araw na akong ganito. Hindi na rin ako pumasok mula nung araw na nalaman ko na lumipat sa manila si Abby. Pag tinatanung ako ni mama king bakit hindi ako pumasok ay kung anu-ano na ang idinadahilan ko. Halos ayaw ko na rin kumain.

   Naglaslas ako minsan pero maliit pa lang na sugat ang nagawa ko ay nag back-out na ako. Masakit din pala kaya wag na lang. Mas pinili ko na lang ang mag-mukmok,matulog, magkulong at umiyak.

  Sa pangatlong araw na ganun parin ang routine ko ay nag alala na si mama. Pumasok siya sa kwarto at kina usap ako.
Naabutan niya akong nakahiga pero gising ako nun. Tumabi siya sa akin. " anak, may sakit ka ba ?! O problema ?! Napapansin ko eh ilang araw ka nang nagkukulong dito sa kwarto mo. Hindi ka na kumakain, hindi ka na pumapasok sa school. Hindi na ikaw yung dating masayahin, makulit." Sunod-sunod ang mga tanong niya sakin pero parang hindi ko alam kung anung isasagot.

   Hindi ako umiimik. Pinakikinggan ko lang si mama. "May problema ka ?!" Hindi pa rin ako sumagot. "Broken-hearted !?" At dun sa tanung na yun ni mama ay parang kinurot ang puso ko. Hindi ko na napigilan ang umiyak, humagulgol. Umupo ako at niyakap ko si mama. Pinapatahan ako ni mama at hinahagod ang likod ko pero hindi ko kayang pigilan ang pagluha ko. Iyak ako nang iyak nang iyak nang iyak nang iyak .... walang katapusang iyak, hindi ako makapag salita sa sobrang pag iyak ko.

  After 1 hour mejo lumuwag naman ang pakiramdam ko kasi nailabas ko konti ang bigat na nararamdaman ko. Namumugto na ang mga mata ko halos sumingkit na ang mga mata ko. Nang tinanong ako ulit ni mama. "Buti naman at tumahan ka na. Sabihin mo na sa akin kung anung problema. Hindi ako magagalit. Promise !"

  "Totoo ?!" Tumango lang si mama. "Hindi niyo po ako itatakwil ? Hindi niyo ako ikakahiya ? Tatanggapin niyo ba ako ?!" Sunod sunod na tanong ko kay mama.

  "Anak kita, hindi kita itatakwil kasi mahal kita, hindi kita ikakahiya kasi mahal kita at tatanggapin kita kasi anak kita at mahal kita! So, anu nga ang problema ?!" Sasabihin ko na sana nung biglang natanung niya kung .. "buntis ka ba ?!"  Nagulat ako sa tanung ni mama. Hindi ko alam kung tatawa ba ako o iiyak.

   "Hindi !" Nakakunot-noo kong sinagot si mama.

  " eh anu garud ?!"  Hindi ko alam kung pano sisimulan. Hindi ko rin alam kung sasabihin ko ba na pusong lalaki ako at babae ang nagpapa iyak sa akin ngayon. Ang hirap talaga. At hindi ko rin alam kung anung kasinungalingan ang pwede kong sabihin.

   " Hindi ko alam kung panu ko sisimulan. Pwede bang bukas na lang, ma ?! Hihi .. "
Naguguluhan si mama at naguguluhan din ako.

   "Eh bakit kailangan bukas pa ?! Ba't hindi pa ngayon ?! Andito na ako oh at handa na akong makinig. Anu bang meron bukas na wala ngayon at hindi natatapos ang bukas. Pano kung nakalimutan mo sabihin." May halong inis na sinabi ni mama sa akin.

   " bukas na lang ma, promise sasabihin ko na talaga . Okaye ?!"

  " ay ewan ko sayo. Buang! Bumangon ka na jan at kumain ka na. Nangangayayat ka na." At lumabas na rin si mama ng kwarto. Hindi niya kasi ako mapilit. Kailangan ko muna ng lakas ng loob.

Love Knows No GenderWhere stories live. Discover now