Dear guys,
Tanga ba ako para magmahal ng walang kasiguraduhan? Tanga ba ako kung gusto ko siya tulungan na makalimot? Tanga ba ako kung pinilit kong mahalin siya sa una kasi naawa ako sakanya? Oo nga.
Tanga nga siguro ako kasi sa sobrang awa ko sakanya pinili kong mahalin siya, ang hirap pala. Di pala talaga natuturuan ang puso, naawa kasi ako sakanya dahil ilang ulit na siyang sinaktan ng ex niya na alam kong mahal pa rin niya. Kaya nagdesisyon ako ng mahalin siya kasi parehas kaming sinaktan ng mga mahal namin.
Ang tanga ko kasi hindi ko mapanindigan na mahalin siya, nagsasawa ako, naiinis ako pag sobrang clingy niya, nasusuya ako pag ang PDA niya. Hanggang umabot sa point na nasasakal nako, nasasakal ako kasi grabe siyang magmahal, nasasakal ako kasi unti unti nakong binabagabag ng konsensya ko.
Ang dami niya kasing efforts na ginawa para sakin, tsaka mabait siya, matangkad, maputi, may itsura, at mayaman. Kumabaga mala wattpad na siya, nasakanya na lahat e.
Kaso napaka insensitive niya. Nag-aaway kami dahil sa ex niya. Yung pictures kasi nila hindi niya mabura sa cellphone niya, ang sabi niya 'hindi niya kayang gawin' ang sakit non para sakin kasi ako yung girlfriend niya diba?.
Tapos nung isang gabi naman nung kinakalkal ko yung mga messages ng kaibigan niya sa fb, syempre detective ako e. Nakita ko na the night before umamin siya sakin, he told his friend that he still loves ******, tangina anong katangahan yon? Sabi niya ako lang daw pero yung pagitan namin ng ex niya ilang oras lang?
Sobrang galit ko noon sakanya pero kinabukasan ay nagsorry siya, tinanggap ko naman. Pero kasabay din non ang pagtanggap ko na mahal niya parin talaga yung ex niya.
Nung pumunta akong manila, ilang araw akong tulala, nag-iisip isip kung ano na susunod kong gagawin. Kinagabihan nagchat siya saakin na porke hindi ko daw siya nirereplyan kesyo baka may iba na dae ako. Puta ang pinaka ayaw ko pa naman ay yung pinagdududahan ako.
Kaya ang sabi ko 'we need space' kasi may okay pa yata nung magkaibigan lang kami at inamin ko rin na hindi ako ang mahal niya kasi alam ko deep down his mask mahal na mahal niya yung 'Leah' niya at siya naman daw si 'Han Solo', oo parehas kasi nilang favorite yung Star Wars, naikwento niya kasi sakin yon pero di niya man lang naisip na baka wala akong kaalam alam doon, pero hindi ko alam na ganun pala kastrong yung bond nilang dalawa, di ko pala kayang sumingit, nasasaktan na kasi ako pag puro bukam-bibig niya yung ex niya.
Napakadefensive ko kasing tao, sasaktan mo palang ako, nasuntok na kita, ganun ako kaya habang di ko pa siya masyadong mahal iiwan ko na siya.
Syempre nagmakaawa siya, na wag ko siyang iwan pero di ako nakinig. Naglast stroll ako sa fb niya, libangan ko lang (HAHAHAHA) and then nakita ko yung isang convo ng isa pa niyang kaibigan ang saktong words noon ay 'I think I desperately need to be loved' hindi ako natuwa doon, kasi parehas lang pala kaming naglolokohan.
And then he chatted me in the first week of school, simple lang ang sabi niya.
'Kath, tama ka.'
Putangina ang slow ko di ko nagets yon hahaha kaya di ko pinansin. Loading ng isang week yun sa utak ko, ang sabi ko baka hihingi na naman ng chance, ang tanga ko kasi sabi ko baka pwede na kami ulit, na okay na lahat.
Not until this friday, yung kaibigan ko na kaibigan nya rin ang nag sabi kung ano ba talaga yung laman nung message.
'Kath, tama ka. Mahal ko parin siya.'
PUTANGINA ANG SAKIT NON HA. Simula ngayon di nako aasa ulit sayo, na mayroong atin. Magsama kayo ng Leah mo punyeta.
Dinudugo habang nagsusulat,
Kath
BINABASA MO ANG
Sending Some Bitterness (Story and Advice corner)
HumorShe lost the faith in love. | Story On-Going | Open for Bitter problems |
