|PRIVATE| - My own love problem :'(

1.3K 9 2
                                        

PROBLEM LETTER: 2014

Dear Bitters,

Totoo nga yung kung sino pa ang mas complicated ang love, siya pa ang magaling mag-advice. Magaling nga akong mag-advice pero hindi ko ma apply sa sarili ko, Mahal ko kasi yung gago e kaya nakakainis lang. So ito kasi ang story namin.

Nakilala ko siya sa facebook tapos nagkatuwaan lang na mag-RS kami (Punyetang social media yan ang toxic, sumakit pa tuloy puso ko) pero kasi pinappakilig niya ako at pinapatawa kaya mas na iinlove ako sakanya (Ang gaga ko, parang tanga), long distance relationship ang nangyare saamin tapos medyo hindi ko pa siya kilala. Ganon kalakas yung impact niya saakin (Malandi lang talaga ako guys, dont mind me)  siguro dahil malakas appeal (Walang hiya lang talaga ako noon) ako kaya nakuha ko ang atensiyon niya. Nakuha kong mag-stalk sakanya ng biglang may nakita ako.

May isang facebook user na nagsabing hindi daw siya iyon at pinipilit na siya si *****. Syempre nacurious ako kaya nagstalk ako doon sa nagsabing iyon tapos sinearch ko kung totoo ba, Oo siya nga iyon tapos ang mas masakit may girlfriend siya, paano ako? diba ang saklap lang?

Syempre nagulat ako at the same time umiyak ako, First time kong umiyak sa isang lalake. Tangina ginulo niya lahat. Akala ko siya na pero hindi parin pala pero kahit anong sabi ng utak ko na tigilan ko siya ang kulit talaga ng puso ko mahal ko kase talaga yung gago e, noong una tanggap ko pa na malandi siya pero hindi ko inaasahan na may girlfriend siya.

Naguguluhan ako kung anong gagawin ko, kahit mali bat ganun? Mahal ko parin siya? Napaka martyr ko nga e kasi ini-stalk ko pa silang dalawa.

Second strike, Noong na-identity check yung account ko, sabi ko sa kaibigan ko kung pwede niya bang sabihin na hindi ako makakalog-in, Tapos may sinabi siya na nagpakilig saakin pero nawala iyon ng maalala ko yung ginawa niya. Noong kinagabihan, nagsabi si gago sa girlfriend niya ng i love you, wow dobleng sakit non.

Third strike, Hindi niya ako nirereplyan sa kahit anong text at chat ko, siguro nga mahal niya talaga yung babae, may karapatan ba akong magselos kahit alam kong panakip butas lang ako pero nasaktan ulit ako ng malaman ko na nag-away sila ng girlfriend niya kaya niya ako linapitan, Tangina lang :'( Can I die now?

Linapitan ko yung mga taong malalpit sakin at sinabi ang problema ko, Ang kinalabasan parepareho ang sinabi nila saakin tulad ng Iyan kasi, Move on kanalang, Marami pang iba diyan, Hindi siya deserving sa pag mamahal mo. Yung yung masakit e, hindi ko magawa kasi mahal ko nga. Tanginang puso yan o.

Tao lang ako at nagmamahal tapos nasasaktan din ako, hindi porket nag-aadvice ako wala na akong sariling problema, tumutulong ako kahit nasasaktan at nararamdaman ko din yung mga problema niyo. Sabay-sabay tayong mag turok ng kandila sa mga naglalandian sa Feb 14 :)

Sana matulungan niyo ako, Gusto ko kasi gawing tama ang lahat. Nakaka-relate yung nasa external link, Ganyan na ganyan yung problema ko :'(

Para kay gago itong sasabihin ko. We're not meant to be and we're not the perfect two. We're just a fantasy :'(

                                                                            Tao lang at nasasaktan, Kath

Sending Some Bitterness (Story and Advice corner)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon