[RANT 6] - Ang Martyr, Bow!

1.7K 22 1
                                        

Dear Readers,

Bumabait ang lola niyo kaya magpasalamat kayo dahil hindi na siya nang-lalait XD. Nagtataka siguro kayo bakit itong nakaraang Updates ko ay puro sa Martyr, Dont worry pagkatapos nito may iba na tayong topic :)

Martyr, Ano nga ba yan? Yan yung babae o lalaki n kayang ibigay o gawin ang lahat para sa mga mahal nila kahit nasasaktan na sila ng lubusan, Ang dahilan nila, Mahal daw kasi nila. Oo nga naman magpaka-totoo na tayo, Gagawin naman natin ang lahat para sa mahal natin diba? Bakit pa ako kokontra naging martyr din naman ako, Sabihin niyo na napaka-martyr namin, Ganun talaga, Nasa kanila na ang desisyon.

Naguguluhan siguro kayo bakit noon sinasabi kong wag siyang martyr pero ngayon sinasabi ko kung ano ba ang dahilan ng mga Martyr, Ang gusto ko lang ay yung malaman niyo ang puno't-dulo ng pagiging martyr.

Kahit kung ako ang tatanungin, Gagawin ko naman ang lahat para sa mahal ko e. Pero sana naman diba? May konti tayong pagmamahal sa sarili natin, Kung sobra ka ng nasasaktan tigilan na, Baka may ibang plano sayo si God at sinusubukan ka lang niya dyan.

Masarap sa pakiramdam na nagawa mo yung best mo para sa mahal mo pero hindi sana dumating sa punto na siya na ang mundo mo.

Ang buhay ng martyr? Kahit na minsan naaasiwa ako sakanila, Hanga ako sakanila, As in saludo kasi ginawa nila ang lahat para sa mahal nila kahit nasasaktan na sila :'(

SALUDO AKO SA INYO MGA MARTYR pero sana may pagmamahal na natitira sainyo :)

                                                                                                                Love, Bitter

Sending Some Bitterness (Story and Advice corner)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon