(ADVICE 17) - My antagonist bestfriend

435 12 0
                                    

PROBLEM LETTER:

Dear Ate,

Nabasa ko po yung "Bitter Ako, Ikaw Malandi" and nagkataon po na may malaking problema po. Okay lang po na hindi niyo na ipost itong problem ko pero po I just need advice that's all. I have a friend since Grade 4 up till now that I'm in Grade 7. Her name is Nadie. Unfortunately, nagiging bad influence na siya kaya nilayuan na namin ng iba kong friends. Kasi si Nadie nagiging malandi na eh. As in may boyfriend siya tapos nung nagka-crush siya, nakipag-break siya. Hindi pa nga nakakalast ng isang linggo relationship nila eh! Todo iyak yung boyfriend niya nun. Tapos naging magka-MU sila nung crush nila. Tapos nung narinig lang mag-gitara yung isa kong kaklaseng lalaki crush niya na tapos ayaw na niya doon sa ka-MU niya. Tapos naging MU din sila. Tapos nung nakasayaw niya lang yung isa ko pang kaklase, crush na niya at ayaw na niya doon sa bago niyang ka-MU. Naging mag-MU rin sila nung crush niya. Meron pang kadugtong yung kalandian niya pero I need to tell you something first. So ang nangyari, FO na kami. Tapos si Claire(isa kong friend na may ayaw rin kay Nadie) may kaibigan siya who is Ricky. Grade 8 siya pero kasing-edad lang namin kasi nag-advance siya eh sa sobrang talino. Anyway, na-love at first sight ako kay Ricky. Walang nakaka-alam. AND (eto yung kadugtong ng kalandian ni Nadie) Crush niya si Ricky. Pero iba ito eh, mahal niya si Ricky. Alam kong iba ang nararamdaman niya kay Ricky kaya nagparaya ako. Pilit kong sinasaksak sa kokote ko na "Mahal ni Nadie si Ricky". Hindi porket FO na kami ni Nadie eh dapat masaya akong nasasaktan siya hindi ganoon kaya nga nagparaya ako eh. Pero bakit ako nasasaktan sa katotohanang iyon? Nasasaktan ako tuwing nagseselos si Nadie kasi nakita niyang may ibang kasama si Ricky. Nasasaktan ako tuwing nakikita kong nagseselos siya kay Claire. Nasasaktan ako kapag kinikilig siya kay Ricky. Lahat na! Nasasaktan ako. Pero nung nalaman kong na-nobodyzoned (mas masakit pang zone sa friendzone) eh parang nasaktan ako para sa kanya. Umiyak siya alam ko. Bakit hindi ako masaya? At eto ang malupet, tatlo na ang crush ni Nadie. Isa pa rin doon si Ricky, yung isa crush niya dati na binalikan niya(yung crush niya after niya makipagbreak sa bf niya), at kalahing Grade 8 ni Ricky yung isa. Galit na galit ako kay Nadie. Pero kinikimkim ko ang galit ko. Wala naman kasi akong karapatang magalit eh. Tsaka bakit ba kasi ako nagagalit? Ang tanong ko lang, ano bang nararamdaman ko kay Ricky? At tama ba na nagparaya ako? Thank you very much ate. Sorry kasi soooooooobrang haba. God bless. -Rachel

                                                                                                       Your Bitter, Rachel

SOLUTION LETTER:

Dear Rachel,

Una sa lahat sorry dahil ngayon ko lang na ipost yung bitter problem mo, ang advice ko sayo ay wag kang mag-alala kay Nadie dahil ang pag-landi niya, resposibilidad niya. Feeling ko natatakot kang umamin kay Ricky to the point na ginagawa mong dahilan na mahal ni Nadie si Ricky. Ganun ang love Rachel, kahit anong tama o mali ang gawin mo may masasaktan, hindi mo maiiwasan yun. Try mong kausapin si Nadie ng masinsinan kung mahal niya talaga si Ricky o kung fling lang at kung ano mang isagot niya, tanggapin mo then umamin ka kay Nadie na mahal mo rin si Ricky at kung magagalit man siya sayo dahil doon then so be it, FO na kayo diba? Mas masakit ba na magalit sayo ang bestfriend mo na wala namang care sayo at puro kereng? O mas masakit ang magpaparaya ka dahil mahina ka?. Ang pagmamahal kasi wala naman problema yan e, tayo lang ang gumagawa ng sarili nating istorya, and you want to have a happy ending right? So stop saying kasi ganon at kasi ganito, kung mahal mo paglaban mo.

                                                                                                        Your Bitter, K

Sending Some Bitterness (Story and Advice corner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon