PROBLEM LETTER:
Dear K,
May boyfriend po ako, i mean kakabreak lang pala namin. Nakipagbreak ako sa kanya kasi palagi nalang syang galit sakin tapos ang cold-cold nya, hindi na kinaya ng powers ko. Palagi nalang kasi akong nasasaktan sa way ng pagtrato niya sakin through text(hindi pa kami nagkita ulit) , ang cold nya talaga! Sobraaa! Tinanong ko sya kung anong problema nya sakin, sabi nya "gusto mong malaman!? Galit ako sayo kasi nung monthsarry natin hindi tayo nagsama kahit isang minuto lang! At hanggang ngayon hindi parin tayo nagkita ulit! Mahal na mahal kita at miss na kita masyado!!" Hindi lang naman ako nakapunta kasi nagbakasyon ako at malayo yun sa probinsya namin. Tapos nagsorry ako sa kanya, 3days ago yun nangyare tapos ngayon ang cold niya parin. Kaya makipagbreak ako. Balak ko naman talagang makipagkita sa kanya eh tapos cold parin sya kaya ayoko na talaga. Tapos po ngayon iiyak-iyak ako, ano pong kelangan kong gawin ate k? Ang sakit talaga eh :'( <\\3
Your bitter, Petal
(P.S: yung klaseng cold po na ang reply lang ay"ok, tapos na, opo, po?, k, etc.")
ADVICE LETTER:
Dear Petal,
Te ang tanga mo naman promise, bat ka nakipag hiwalay? Kasi nasasaktan ka pag cold siya? Sentido kumon naman te, nagpapalambing lang yan. Eh dahil pinairal mo yung pride mo nasan ka ngayon? Ayan umiiyak ka. Ganyan talaga ang mga lalake napaka cold kasi nahihiya magsabi kung anong feelings nila. Mali mo yon magpapaka-prangka nako kasi yung side mo yung mali e sana pinaliwanag mo nalang ng mabuti kung bakit di ka nakasipot sa monthsary niyo, pwede na ngayon ang effort sa fb. Kahit sana yung lang nagawa mo para sa mahal mo. Kung mahal mo talaga siya magsosorry ka at aaminin mong mali ka. Wag mong papakawalan si Mr. Cold Guy dahil kadalasan sila pa yung mga loyal at sweet lover. Sana nakatulong ako.
Your bitter, K.
BINABASA MO ANG
Sending Some Bitterness (Story and Advice corner)
HumorShe lost the faith in love. | Story On-Going | Open for Bitter problems |
