Dear Nerds,
Pasensiya na kayo sa unang bati ko, Ganyan talaga bumabalik ang pagkabitter ko kaya pati kayo nadadamay, So itong Rant ko ay para sa mga nalokong babae ng kanilang malanding Ex-Boyfriend. Una sa lahat ipapakita ko muna kung ano yung mga dahilan kung bakit ka iniwan o niloko.
BAKIT KA NILOKO?
1. Hindi ka niya mahal at nakahanap na siya ng mas maganda at sexy.
2. Baka napagtripan ka.
3. Baka napag-pustahan ka.
4. Hindi maganda yung Fashion Sense mo.
5. Ulitin mo yung No. 1 hanggang sa magtino yung utak mo.
Yaan yung mga possible na dahilan bakit ka niya niloko, Lets face reality ganun talaga ang buhay pag-ibig, Maloloko ka kung hindi ka lalaban. So dahil mabait na tao si Ate K na nag-iisang si ako ay bibigyan ka niya ng tip para magbago at maghiganti.
TIPS FOR BETTER PERSON
1. Ayusin mo yung pag-katao mo kasama na yung pananamit, pagsasalita at gumamit ng pampaganda para mas successful ang plan kung maghihinayang siya dahil pinakawalan ka niya ngayon na maganda kana.
2. Limutin mo ang nakaraan at mag bagong buhay, Itago mo yung emosyon mo na nasasaktan tuwing nandyan siya at malapit, Kailangan ipahalata mo na wala lang sayo yon at hindi siya kawalan.
3. Mag hanap ka ng isang lalaking magpapasaya sayo o magmamahal sayo ng higit pa sa inaakala mo, Pero tandaan! Wag gagawin ang tip na ito kung talagang revenge ang gusto mo dahil sa ex mo, Wag kang mag-paasa ng tao dahil sasakalin kita!
4. Magsimula ka ng bagong buhay na wala siya sa tabi mo at ibaon mo lahat ng memories na meron kayo at mamuhay ng masaya.
Nasa iyo nayan kung susundin niyo ako, Wala akong sinabi na maghiganti kayo sa ex niyo nasa iyo ang desisyon, Tagapayo lang PO ako at hindi ko mamagawang diktahan ang buhay mo :)
Love, Bitter
BINABASA MO ANG
Sending Some Bitterness (Story and Advice corner)
HumorShe lost the faith in love. | Story On-Going | Open for Bitter problems |
