GiftTatlong araw na lang ay birthday na ni Hero. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang ire-regalo ko sa kanya. Ilang beses ko na ring kinumbinsi ang sarili ko na bumili na lang ng bagay na magagamit niya pero pakiramdam ko walang ka-effort effort kapag gano'n lang.
"Why don't you just buy him things na favorite niya? Pinapasakit mo pa ulo mo sa kakaisip," ani Hyrie habang kausap ko siya sa Skype.
Umaga sa kanila samantalang gabi naman rito sa Pilipinas. She's holding her baby Sofia in her arms. Mahimbing ang tulog ng pamangkin ko at kahit na sa video lamang ay kita ko ang namumulang mga pisngi nito.
Niyakap ko ang aking unan. Hindi ako mapakali dito sa kama kakaisip ng magandang ire-regalo.
"Gusto ko ako mismo gagawa ng regalo ko sa kanya, Hy. Naghanap ako ng ideas sa internet pero parang pang-elementary naman ang mga naroon. I want something special. Can you help me?"
Hyrie rolled her eyes. Umangat ang gilid ng labi nito na tila ba hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi ko ngayon. Ngumuso ako.
"I just thought I should ask you..." Yumuko ako. "You're his ex-girlfriend after all..." I whispered.
"Hey, I heard you!" She hissed.
Nag-angat ako ng tingin at pinagmasdan ang kambal ko sa laptop screen. Huminga ito nang malalim at halatang nag-iisip.
"Hero loves to wear something warm. How about you knit a scarf for him?" She suggested. "Magagamit niya 'yon kapag tag-ulan na diyan sa Pinas."
"Oo nga!" Para bang nabuhayan ako sa suhestiyon ng kambal ko. Bakit nga ba hindi ko naisip 'yon?
Paniguradong matutuwa si Hero kapag binigyan ko siya ng knitted scarf na ako mismo ang gumawa! Pero...
"P-paano ko naman gagawin 'yon?" I asked my twin sister.
Hindi nga ako marunong manahi ng damit, mang-knit pa kaya? Umiling-iling ang kapatid ko at hinilot ang sintindo.
"I'll teach you how to knit. Just a heads up that it will take some time so you better ask your superior to give you a vacation leave for three days," she said with her brow arched.
Napaisip ako sa sinabi niyang 'yon. Mukhang mahihirapan ako na mag-request ng leave sa head ng HR pero kung ipapadaan ko kay kuya Reid ay madali lang...
Kaya lang, tama ba na gamitin ko ang kapangyarihan ng kapatid ko para sa ganitong bagay? Yumuko ako at kinagat ang ibabang labi.
"God, I know what you're worrying about." ani Hyrie sa malditang tono. "Wala namang masama kung gagamitin mo ang pagiging Alvedo mo paminsan-minsan, Kim. Hindi ikabababa ng dignidad mo 'yon. Besides, hindi ka naman nag-li-leave simula nang magtrabaho ka sa kumpanya. Stop being a saint, alright?"
"Ayos lang kaya 'yon, Hyrie?" Nagdadalawang isip pa rin talaga ako.
Sinabi ko sa sarili ko na pagsusumikapan ko ang lahat- na magsisimula ako sa mababa at hindi tatanggap ng tulong sa kuya ko dahil gusto ko itrato ako ng normal. Pagkatapos ay heto't hihingi ako ng tulong kay kuya Reid para lang makapag-leave ng matagal...
"Enough with being so righteous, Kim. Hindi mo naman aabusuhin ang kapangyarihan ng kapatid natin. Leave lang naman 'yan. Don't make a fuss out of it and just call our bitter brother so he can help out. As in now na! Pagkatapos mong tawagan, I'll make a list of those things you need to purchase para masimulan mo na ang pag-gantsilyo. Got that?"
I sighed in defeat. I ran my fingers through my hair and just did what Hyrie told me to do.
Isang tawag ko lang kay kuya ay napagbigyan na niya ako. Sa isang kumpas lang yata ng daliri niya ay approve na ang leave ko.
BINABASA MO ANG
Into You, Hero
Romance[COMPLETED] He's Hero Jun Montesilva, and he's no longer playing his dark game. He's up to something real. And there is Kimberly Alvedo, his biggest weakness.