Fuck trustMay bigat ang dibdib ko habang padabog na inaayos ang kumot at mga unan sa kwarto ko. Sino ba namang hindi bibigat ang pakiramdam kung ang babaeng kinaiinisan mo ay narito sa suite, kasalukuyang tumatawa na animo'y hindi makabasag pinggan habang kausap ang boyfriend ko sa sala?
Halos magpalting ang mga tainga ko sa inis habang pinapakinggan ang malanding tawa ng babaeng 'yon. Aminado akong pinag-usapan na namin ni Hero ito, na wala naman dapat akong ipag-selos pero hindi ko maiwasan lalo na't narito ang babaeng 'yon ngayon, gumagawa ng paraan para mapalapit sa boyfriend ko.
Padabog kong binagsak ang kumot sa kama at galit na tiningnan ang nakasarang pinto ng kwarto ko. Kahit pa may harang ang sala at kwarto, parang nakikita ko na ang nakakairiting mukha ng babaeng 'yon habang pilit na nilalapit ang sarili kay Hero.
"What a bitch..." bulong ko at kinagat ang ibabang labi. "Subukan mo lang talaga."
Lumapit ako sa pinto at dinikit roon ang kanang tainga ko. Gusto ko malaman kung ano'ng pinag-uusapan nila.
"You can check the proposal and see if there are terms you'd like to be modified. We want to ensure that you're also comfortable with this deal. I don't want you to feel that these terms are for our own advantages. We don't work that way," pormal naman ang boses ni Hero habang nakikipag-usap sa babaeng 'yon.
"Oh, come on, Hero! Don't you think it's too early for us to talk about the deal? I mean, we have all the time in the world. Why don't we go out for fun? Do you play golf?"
Hindi ko naiwasan ang pag-irap. She's trying so hard to get closer to him! Alam naman niyang may girlfriend si Hero, bakit hindi na lang siya tumigil? Hindi ko maintindihan kung bakit may mga ganitong babae sa mundo. Wagging their tails to allure committed men...why don't they behave properly?
Mas lalo kong idinikit ang tainga ko sa pinto. Gusto ko malaman kung ano'ng isasagot ni Hero sa kanya.
"I'm sorry, Ms. Cullen. My schedule is tight for the next coming days. I have a promise to keep to my girlfriend, too."
I smirked. That's my man.
"A promise of what?" She laughed seductively.
"Well, a promise that we'd go to L.A two days from now. That being said, I'd appreciate if we get this deal done. I assure you that you won't regret partnering with our corporation."
Nagdidiwang ang puso ko sa pagiging pormal ni Hero sa kanya. The girl may be so persistent, so he's the one making a boundary between them. Tama lang 'yon!
But it's also better if the girl would stop by now. Marami namang ibang lalaki riyan!
"Hmmn, you're so uptight. I just thought we could hang out a bit for today while we discuss more details about the deal. And in fact, I am also curious about the terms. Maybe you can join me in the pool area later this afternoon? I'll bring the contract so we can sign it within the day too. How does that sound? You can bring your girl if you want to."
Umirap ulit ako. Napakahirap naman yata niyang makaintindi! Hindi naman siya pagbibigyan ni Hero. Nagsasayang lang siya ng laway!
"If you'd sign the contract then I can make some time," Hero stated formally.
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig kong 'yon. Agad akong napaatras sa pinto, hindi makapaniwala sa narinig. Mas lalong kumulo ang laman ko. Bakit niya pinagbibigyan ang babaeng 'yon? Paano naman ang nararamdaman ko?
* * *
Hapon nang magising ako mula sa mahimbing na idlip. Hindi ko na kinaya ang pagka-irita kanina kaya pinili ko na lamang na magpahinga. Ayaw ko rin makipag-usap kay Hero dahil naiinis ako sa ginawa niya kanina.
BINABASA MO ANG
Into You, Hero
Romance[COMPLETED] He's Hero Jun Montesilva, and he's no longer playing his dark game. He's up to something real. And there is Kimberly Alvedo, his biggest weakness.