Chapter 12

4.3K 151 18
                                    


Bliss

We spent our remaining days by roaming around the city of Los Angeles, California. Marami kaming lugar na binisita at nakaipon na rin ako ng halos ilang daang pictures sa cellphone ko. Mabilis ang bawat araw at hindi ko na namalayan na dumating na ang araw nang pagbalik namin sa Pilipinas.

Mahigpit kong niyakap ang kambal ko nang ihatid niya kami papuntang airport ngayong umaga. Hindi ko alam kung kailan ulit ako makakabisita sa kanila ni Sofia kaya naman ngayon palang ay ramdam ko na ang pangungulila sa kanila.

Karga ni Hyrie ang pamangkin ko. Hinalikan ko si Sofia sa pisngi at pagkatapos ay kinarga rin para yakapin.

"I will miss you, Sofia..." saad ko habang marahang hinahaplos ang buhok niya matapos ko siyang yakapin.

Sofia smiled sweetly. Tumawa na lamang kami nang bigla itong nag-titili dahil sa kilig o gigil.

"So, Miami muna kayo before Pinas, right?" Hyrie asked.

"Yes, Hy. May mga importanteng dokumento at gamit na kailangan ni Hero doon sa tinuluyan namin kaya babalikan muna namin bago umuwi." sagot ko at saka bumuntong-hininga. "Hindi ko alam kung kailan ulit tayo magkikita pero mag-ingat kayo palagi, ah? Sana i-consider mo ring magbakasyon sa Pinas kasama si Sofia dahil sobrang miss na siya nina Mommy at Daddy."

Hyrie chuckled and then she looked at her daughter. "I know, Kim. Nag-iingat naman kami dito. Saka, makakauwi naman kami ng Pinas pero hindi nga lang talaga ngayon."

"Hindi na bumalik sa Pinas ang iniiwasan mo kaya wala ka dapat ikatakot," sabat ni Hero at pagkatapos ay kinuha sa akin si Sofia. Kagaya nang ginawa ko ay niyakap din niya ito at pinapak ng halik ang pisngi.

"Iba talaga tabas ng dila nitong jowa mo. Pagsabihan mo 'yan," ani Hyrie at umirap.

At some point, tama naman si Hero. Sofia's father has been missing in action for almost two years now. Pakiramdam ko rin ay wala na talagang dapat ipag-alala ang kambal ko pero sino ba ako para kulitin siya? Si Hyrie pa rin naman ang may karapatang mag-decide kung ano'ng gusto niyang gawin sa buhay nila ni Sofia.

"Hard-headed woman..." bulong ni Hero habang nilalaro si Sofia pero patama kay Hyrie ang sinabi.

Umawang ang labi ng kambal ko habang kunot ang noo. Kung nakamamatay lang ang matatalim niyang titig kay Hero ay siguradong nakabulagta na 'to ngayon.

"What did you just say?"

"Tama na, huwag na kayong mag-away!" awat ko sa kanilang dalawa habang natatawa. "Parang hindi kayo mag-ex, ah?"

Hyrie flipped her hair. "Kadiri..."

Hero smirked at her, "Kadiri pero nabaliw siya noon."

"Mukha mo!"

I laughed. Halata sa mukha ng kambal ko ang pagkainis habang si Hero naman ay walang emosyon sa mukha.

Sa huli ay nagpaalam kami nang maayos kay Hyrie. Ilang beses kong niyakap ang pamangkin ko bago kami tumuloy sa final boarding namin ni Hero.

* * *

Nang makarating sa pamilyar na suite ay agad akong humiga sa kama. Ilang oras din ang naging byahe namin kaya ramdam ko ang pagod. Sa gabi pa naman ang flight namin pabalik ng Pinas kaya mayroon pang ilang oras para magpahinga.

Lumubog ang gilid ng kama nang tabihan ako ni Hero. Hinaplos niya ang buhok ko na agad namang nagpangiti sa akin.

"Tired?"

"Yeah," I replied. "Ayusin mo na ang mga gamit mo para aalis na lang tayo mamaya."

"Laters," he said as he put his head on my shoulders then he hugged me. "I'll be damn busy again once we get home."

Into You, HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon