UnexpectedDumaan na parang hangin ang mga araw. Namalayan ko na lang na Sabado na pala't wala akong pasok sa trabaho. Kagaya nang palagi kong ginagawa, umuuwi ako sa bahay tuwing weekend para kahit na papaano ay maka-bonding ko ang pamilya ko.
Masaya naman kapag nasa bahay lalo na't kadalasan ay day off din nina mommy at daddy pati ni kuya Reid. Kaya lang, iba ang weekend na ito ngayon. My parents went out of town and I am stuck in the house with my grumpy brother.
I am having a brunch in my room, with a laptop turned on so I can watch the Netflix series I've downloaded. I played the episode one while chewing the food in my mouth, when kuya Reid interrupted me when he opened the door abruptly.
I swallowed the food and looked at him. Mukhang kagigising niya lamang at magkasalubong agad ang dalawang kilay. Gayunpaman, aminado akong pogi pa rin ang kapatid ko kahit na ba magulo ang kanyang buhok at mukhang masama ang gising.
"What's up, kuya?" tanong ko sa kanya at ibinalik ang mga mata sa laptop.
"Saan sina mommy?"
"Nag-out of town, 'di ba? Ngayon schedule nila papuntang Thailand. Kaninang madaling araw sila umalis papuntang airport." sagot ko at tinuloy ang pagkain.
"Okay," wika niya, tumango-tango at naglakad palapit sa akin. "Bakit ang dami mong pagkain? Ganyan kapag naglilihi, 'di ba?"
Halos mabilaukan ako sa huling tanong ni kuya. Kunot-noo akong nag-angat ng tingin sa kanya. Ano ba pinagsasabi ng kapatid kong 'to? Ang aga-aga!
"Kuya, what are you trying to say?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.
Nanatiling nakasimangot ang mukha niya habang malisyoso ang paninitig sa akin. Minsan, hindi ko na rin alam ang gagawin ko sa kapatid kong 'to. Sa ganitong mga pagkakataon ko gustung-gusto na umuwi si Hyrie. I can't handle our brother alone when he's acting like this. Super paranoid at tamang hinala. Mahilig mang-akusa at palagi na lang iniisip na naglilihim kami sa kanya.
"Hindi ako buntis," mariin kong pahayag pero parang hindi naman niya pinansin iyon dahil sumakit bigla ang ulo ko sa sunod niyang mga sinabi.
"Marupok ka rin kagaya ng kambal mo. Nag-aalala lang ako. Paano kung makalimutan mong uminom ng pills pagkatapos ay may mangyari sa inyo ng Bayani na 'yon? Dapat dobleng ingat, Kimberly. Mas maganda na kahit nag-pipills ka, gumamit siya ng condom para safe kayo sa pagpapakasarap niyo," sunod-sunod niyang pangaral sa akin.
Naeeskandalo ang mga tainga ko sa mga rants ng kapatid ko. Ako 'tong hindi makapaniwala sa mga binibitiwan niyang salita. Does he really have to interfere with my sex life?
"Kuya, malaki na ako..." saad ko, naiirita at naririndi sa boses niya.
"Oo nga, pero kapatid pa rin kita. Gusto ko lang na maging maayos ka at pwede ba, huwag mo munang dagdagan si Sofia. Hindi pa tapos ang problema ni daddy sa kambal mong may phobia na yata sa Pilipinas," saad niya sa matabang na tono.
"Oo, alam ko na 'yan... Nakikinig naman ako sa'yo at nag-iingat ako. Wala kang dapat ipag-alala. Alam na namin ni Hero 'yang mga 'yan..." I assured him, still with my forehead creasing evidently.
"Speaking of Hyrie, tell her to call me. I have something to discuss with her. Kailangan ko ang tulong niya."
"Ano 'yon?"
Humalukipkip ito. "I need her to meet a client on my behalf. Tell her she can't say no. She has to help the family no matter what."
"E, bakit hindi ikaw ang magsabi sa kanya, kuya Reid?"
BINABASA MO ANG
Into You, Hero
Romance[COMPLETED] He's Hero Jun Montesilva, and he's no longer playing his dark game. He's up to something real. And there is Kimberly Alvedo, his biggest weakness.