Happiness
Sometimes, when your life started to be filled with happiness, you would see yourself having such high hopes, wishing that it won't end. Hindi dahil takot kang mawala ang saya na siyang bumubuo sa mundo mo, kung hindi dahil mas matimbang para sa'yo na makita ang mga ngiti sa labi ng mga taong pinakamamahal mo.
Those genuine smiles from the people you love the most, those are part of your happiness, something that you don't want to end.
I've seen it so many times. Ang mga masasayang ngiti ng mga magulang ko dahil sa maayos na estado ng kumpanya.
Ang ngiting may halong pagkakuntento ng nakatatanda kong kapatid sa tuwing nagagawa niya nang maayos ang trabaho niya at napaglilingkuran sa mabuting paraan ang mga empleyado niya.
Ang ngiting may halong pagtitiis ng kambal ko sa tuwing pagmamasdan niya ang anak niya, na para bang nagsasabi na ayos lang ang buhay niya basta't may isang Sofia na nagpapasaya sa kanya sa kabila ng lungkot na nararamdaman.
Ang inosenteng ngiti ng pamangkin ko na nakikita ang mundo bilang isang palasyo, kung saan maraming kulay at puro nakakatuwang bagay lamang ang kayang ibigay.
Ang ngiti ng isang Hero Jun Montesilva, na nagsasabing walang hihigit sa sayang nararamdaman niya dahil ako ang kasama niya.
At ang ngiting nagmumula sa mga labi ko. I realized that I would trade everything just to see those smiles from the important people in my life. Dahil sa kanila, ginugusto kong huwag matapos ang saya.
Dahil sa kanila, pinanghahawakan ko ang kasiyahan.
Marami pa ang nangyari pagkauwi namin galing Boracay. Isa na doon ang pagharap ni Seff sa mga magulang namin. Hanga ako sa katapangan niya na isaayos ang lahat ng problema nila ni Hyrie. Alam kong naguguluhan pa ang kambal ko sa nararamdaman niya pero pasasaan ba't maaayos din ang lahat.
Isa pa, ramdam ko na mahal pa nila ang isa't-isa. Kitang-kita ko kapag nagkakatinginan sila. Para silang gamu-gamong nagdadalawang isip na lumapit sa pamilyar na apoy kahit akit na akit na.
Pag-ibig na may halong pagtitiis. Isang uri ng pag-ibig na iniidolo ko.
Hanggang sa dumating na ang gabing pinakahihintay ng lahat. I wore a long champagne dress partnered with silver high heels. I also wore floral dangle earrings, a rose gold necklace with a flower as its pendant, and a hand accessory such as fitted bangles, na bumagay sa suot kong mga singsing. Nakalaylay ang itim at hanggang balikat kong buhok. I looked at myself in the mirror and the soft make up complimented my fair skin.
Naalala ko ang sarili ko noon. 'Yong mga panahong hindi ko pa kaibigan ang suklay at hindi rin marunong magkolorete sa mukha at katawan.
Ngumiti ako. Ang batang Kimberly na walang alam at inosente...
Thinking about the mistakes and stupidity I made in the past, I would say that it contributed a lot on how I live my life in the present. Kung hindi ako naging tanga noon, baka walang Hero na nagpapasaya sa akin ngayon. I pressed my lips together. Looking back at those memories in the past made me feel so giddy.
"Are you ready?" nakangiting tanong sa akin ni Hyrie nang lumabas ito mula sa walk in closet.
She's wearing a long haltered dress. Kulay pula ito at kita ang kanyang likuran. Nakakulot ang dulo ng kanyang kulay mais na buhok at mas lalo pa siyang gumanda dahil sa sopistikadang make up sa kanyang mukha.
"I think I am," sagot ko at humawak sa aking dibdib. Ramdam ko ang tibok ng puso ko.
Hindi talaga ako mahilig humarap sa maraming tao pero para sa pamilya at para kay Hero ay gagawin ko.
BINABASA MO ANG
Into You, Hero
Romance[COMPLETED] He's Hero Jun Montesilva, and he's no longer playing his dark game. He's up to something real. And there is Kimberly Alvedo, his biggest weakness.