Chapter 18

4.1K 167 26
                                    


Secret

It's been three days since the last time Hero and I talked. Nalulungkot ako na naging distant siya sa akin pagkatapos nang nangyari. All I wanted was to explain my side so that he would understand where I am coming from but I think he's not ready to hear it yet. Naiintindihan ko naman siya dahil alam kong gusto na talaga niya na magsama kami for good. Pakiramdam ko lang ay masyado pang maaga para gawin 'yon.

Paano ako magpapakasal kung alam kong may mga problema pa ang mga kapatid ko? Hyrie has some serious issues with the father of her child while my kuya Reid isn't in good state right now. Ayaw kong maramdaman nilang insensitive ako sa mga nangyayari sa buhay nila. Isa pa, ako ang bunso. It feels like they should be the ones settling down first before me. That's what I thought, and it won't change at all.

Bumuntong hininga ako at tiningnan ang text message na sinend ko kay Hero. Hindi siya nagrereply sa akin. Siguro ay nagtatampo pa rin.

Me:
Kailan tayo magkikita? Miss na kita.

"May problema ba, Kim? Bakit parang wala ka sa wisyo?" kuryosong tanong sa akin ni Charity.

Nasa coffee shop kami at nagmimiryenda. Mabuti na lang at maayos na ang pakiramdam niya. Kapapasok niya lang galing sa ilang araw na pagkakaroon ng trangkaso. Dahil doon ay nabawasan na ang trabaho ko at hindi na rin nag-oovertime.

Wala rin namang magsusundo sa akin kaya kailangan ay maaga ako umalis ng office.

"Problema ba sa love life?" tumaas pa ang kilay nito at nagpatuloy sa pang-iintriga sa akin.

Sa huli ay napatango at buntong hininga ako. I can't even open up to Sandy, dahil paniguradong aawayin no'n si Hero. Maybe talking to Charity will help me to at least feel better.

"Hala! Nag-away ba kayo ng pogi mong boyfriend? Ano'ng nangyari?" lumambot ang emosyon sa mukha ni Charity habang nakatingin sa akin.

Inabot ko ang kape at sinimsiman iyon pagkatapos ay matabang na ngumiti't sumandal sa kinauupuan ko.

"Niyaya niya akong magpakasal..." panimula ko.

Nanlaki ang mga mata ni Charity at tinakpan ang bibig gamit ang mga palad. Pinanood ko kung paano siya mangisay sa kinauupuan niya dahil sa kilig. She leaned in and rested her arms on the table, looking so interested in knowing the details.

"Kaya lang ay sinabi ko sa kanya na hindi pa ito ang tamang panahon. Hindi naman sa ayaw kong magpakasal. Sino ba namang hindi gustong magpakasal sa lalaking mahal mo? I just find it too early and he probably thought that I didn't want to marry him at all..." pahayag ko sa malungkot na boses. "Gusto ko lang naman na bigyan ng sapat na panahon ang sarili ko. Na maging maayos muna ang sitwasyon ng mga kapatid ko, bago ako lumugar sa tahimik..."

"Ang bait mo naman talaga," nangingiting komento ni Charity at pagkatapos ay nangalumbaba sa table habang pinagmamasdan ako. "I can't blame you if you feel that way. Paano ka nga naman magsesettle down kung may mga bumabagabag sa'yo? Siguro, nagdamdam lang ang jowa mo dahil humindi ka sa ngayon. Don't worry! Maaayos din 'yan, Kim. Iparamdam mo lang sa kanya na siya pa rin ang pakakasalan mo, hindi man ngayon pero kapag nasa tamang lugar na ang lahat."

"Salamat, Cha..." I smiled at her. Kahit papaano ay gumaan ang loob ko dahil may napagsabihan ako ng nararamdaman ko.

She's right. Hindi naman ibig sabihin na tumanggi ako ay hindi ko na pakakasalan si Hero. Dapat ko lang iparamdam sa kanya na iyon pa rin ang goal ko sa relasyon namin... Hindi man ngayon kundi kapag maayos na ang lahat.

"I-reto mo na kasi ako kay Reid para hindi ka na mamroblema sa kanya. Cheret!" biro ni Charity at saka bumungisngis.

Tumawa ako. Kung talagang nasa mood lang makipaglandian ang kuya ko, itutulak ko talaga siya kay Charity. Kaya lang ay may saltik pa siya ngayon. Baka itong kaibigan ko lang ang mahirapan.

Into You, HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon