Chapter 9

4.4K 144 28
                                    


Mad as hell

With this jealousy that has overpowered me, I've already lost my patience and sanity. In the absence of these two, I could only think of one thing and that is to escape to clear this chaos in my head.

Malamig ang pang-gabing hangin nang makababa ako ng eroplano. Ilang oras rin ang naging byahe ko galing Florida papuntang Los Angeles, California. Sinuot ko ang aviator sa aking mga mata dahil ramdam ko ang bigat ng mga 'yon dahil sa walang tigil na pag-iyak ko kanina.

Yes, I cried a lot. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay inagawan ako. Na para bang pagkatapos maagawan ay naging talunan... sa isang iglap.

Dumiretso ako ng arrival bay. Ang sabi ni Hyrie ay susunduin niya raw ako. Kaya ko namang mag-taxi papunta sa condo niya kaya lang ay nag-aalala siya na baka maligaw ako sa daan. Hinayaan ko na lamang siya dahil hindi rin ako sigurado kung kaya ko pa bang mag-isa gayong mabigat ang kalooban ko ngayon.

Kumpara sa Miami ay mas malamig sa California. Hindi ko tuloy maiwasang alalahanin ang ilang buwan kong pag-aaral sa North Carolina noon. Kasama ko pa si Eich na siyang naging sandalan ko sa lahat.

Kumusta na kaya siya? I haven't heard anything from him since that day I broke his heart. Hindi ko rin alam kung bakit bigla ko na lamang siyang naisip gayong sawing-sawi ang nararamdaman ko. This country seem to have opened the old memories in my mind. I ran my fingers through my hair and breathed heavily.

Kahit siguro paulit-ulit pa ang ganitong sitwasyon sa pagitan namin ni Hero, hindi pa rin ako magsisisi sa ginawa ko kay Eich.

I loved him as a friend and letting him go after realizing what is in my heart was the kindest action I did for him... Or so I guess?

"Kimberly!" A familiar voice called my name.

Bumaling ako sa pinanggalingan ng boses at awtomatikong sumaya ang puso ko nang makita ang kambal ko. Sinarado niya ang pinto ng kanyang kotse at patakbong lumapit sa akin.

"Hyrie!"

I opened my arms and welcomed her for a warm embrace. Halos isang taon rin ang nakalipas nang huli kaming magkita. Mahigpit ko siyang niyakap. Kahit papaano ay gumaan na ang pakiramdam ko.

Kumalas siya sa akin at agad na inobserbahan ang mukha at pustura ko. Ganoon rin ang ginawa ko at sa totoo lang ay hindi pa rin talaga ako matapos-tapos sa pagkamangha sa kanya. She's like a vampire in this modern era. Hindi nagbago ang sopistikadang mukha at mas lalo pa nga yatang gumanda. Maganda pa rin ang katawan nito't hindi aakalaing may isang anak. Mas nagbago lang ang pag-uugali niya ngayong may Sofia na siya. Maturity hits her head in a good way.

"What the fuck did he do? Sabihin mo sa akin ang lahat. Paluluhurin ko talaga siya sa carpet na puno ng rock salt!" galit niyang usal at pinasadahan ng mga daliri ang kulot na buhok.

"Hyrie..." muling bumigat ang loob ko dahil kay Hero. "I'm sorry I had to run to you. I'm just... upset with everything that's why I needed to get away."

Bumuntong hininga ang kapatid ko. Ramdam ko ang pag-aalala niya sa akin. Nakukunsensya ako na kinailangan ko pa siyang istorbohin. Kaya lamang ay siya lang naman ang mayroon ako sa ngayon.

"Wala namang problema sa akin, Kim. I got your back, okay? Sasamain talaga 'yang si Bayani kapag nagkita kami." She said through her gritted teeth. Halatang inis na inis sa boyfriend ko. "Come on, let's go. Para makakain at makapahinga ka na."

"Thank you, Hy." I smiled at her.

She wrapped her hands around my arm and gave me wink.

"That's what twin sisters are for..." aniya at marahang tumawa sa kabila ng inis na nararamdaman.

Into You, HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon