CHAPTER TWO

1K 33 4
                                    

Ken POV

"Bro di ka naman galit di ba? wala kang balak magpakamatay? kung meron man wag mo na kaming isama jan, magkakaibigan tayo pero ayoko pang mamatay, magkaka girlfriend pa ako, gagraduate pa ako at magiging licensed broker, at bro magpaparami pa ako ng lahi ko rare nalang ang ganitong lahi...." ahahaha epic talaga si Carl kahit kelan, matalinong lalaki pero minsan talaga may pagka OA din sya, pansin nyo?

"Ken bro kapag ako namatay mumultuhin kita, alam mo ba kapag nahuli tayo ng pulis sa mabilis mong pagpapatakbo maari nila tayong kasuhan ng reckless driving?" ok heto na si Mr. Perfect si Ran po yan

"Ran di pa tayo pwede kasuhan minors palang tayo remember?" tama ka jan Marco

"Kahit na pwede tayong mag community service kapag nahuli tayo..." sabi ni Ran tsk ang kulit din eh

"Ahahaha ang epic nyo alam nyo yun?" natatawang sabi ko. Minsan lang kasi ulit kami magkita kita ng mga ito

"At ano naman nakakatawa dun Ken?" Kahit kelan talaga KJ ng lalaking ito

"Wala di lang kasi ako makapaniwala na naging kaibigan ko kayo, ahahaha ang O-OA promise" sabi ko habang binabagalan na ang takbo ng kotse baka di na ako makalabas ng buhay dito eh, masyado na silang mag react

"Bro di na tayo high school kaya kailangan na nating mag mature, what happen kanina is not funny at all!" oops sabi ko nga pikon na sila ay mali galit na pala

"Ok fine sorry, sobra ko lang kayo namiss kaya ko ginawa yun, ilang months din tayo di nagkakasama ehh" sabi ko bilang pagsususmamo dahil mahirap amuhin mga ito eh..

"Oh sya sya bati na tayo, nga pala bro kamusta na kaya si Queeny? " sabi ni Ran habang nakain ng chips sa likod

Haay ang dumi na naman ng kotse ko sa ginagawa nitong lalaking ito, bakit ba ang takaw nito? Kahit saan nalang kumakain siya. I won't be surprised if he also eat at CR

"Oh Ran stop that topic alam mo namang nagmomove on na si Ken jan kung marunong nga ba yang mag move on" grabe kanina ako ang nang aasar ngayon naman pinagtutulungan na nila ako, nakaka bwisit din itong si Jay eh

"Past is past guys, ok nandito na tayo sa parking tayo na at may klase pa tayo." sabi ko sabay labas ng kotse

"Bro you think kapag nagkita kayo ni Queeny papansinin ka pa nya?" kakasabi ko lang na tigilan yan ehh asar din talaga itong si Marco

"Maybe? I don't know guys basta sa ngayon wag na muna nating problemahin yan okay? " sabi ko habang naglalakad papunta ng building namin.

"ANO BA? BITIWAN MO NGA AKO NASASAKTAN NA AKO!" rinig naming sigaw ng isang babae dito sa ground floor and to think na iilan lang ang studyante ngayon dito dahil may mga klase na.

"Ken di mo ba kilala boses na yun? Parang familiar oh" tanong ni Jay wait saan ko nga narinig yung boses na yun?

"Familiar nga bro, parang si---" It cant be? Pero parang tama ang hinala namin ni Carl

"QUEENY!!!" ayun natumbok din nila psh

"So?" tanong ko, don't tell me tutulungan nila yun?

"Di mo ba tutulungan? bro baka may masamang nangyayari na dun" pag aalala ni Carl

They are concern to others but they are not concern of their self, malalate na kami for Pete sake!

"Kung gusto niyo kayo ang tumulong basta ako papasok na..." sabi ko habang naglalakad papuntang elevator...

"Hep hep hep remember Ken? walang iwanan, wag kang bitter okay? sabi mo nga past is past kaya let's help her baka mamaya may mangyaring masama dun konsensya pa natin tsaka learn to move on Bro, mukha kang bakla sa inaasal mo eh" sabi ni Jay

Barkadang Brokers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon