CHAPTER THIRTY EIGHT

254 12 10
                                    

A/n: salamat kila faithlay, abbychubby12, abmtbnplak99, isama mo na pati si janairishsarmiento at ang first supporter ko na si ilydc95...

Para sa inyong lahat ito, hope you like it:)

****

Marianne POV

Umakyat ulit ako ng rooftop nalimutan ko kasi ang bag ko dun, pagkadating ko sa rooftop may nadatnan akong tao na di ko aakalain na makikita ko ngayon...

Nakatalikod siya pero halata ko sa tindig niya at aura niya na SIYA talaga ito...

Inihahangin ang kanyang blonde na buhok, habang siya ay nakatingin sa kawalan....

Mamaya pa ay tumingin ito sa akin at ngumiti....

"Zylie...."wala sa sarili kong nasabi

Ang ngiti niya ay napalitan ng kunot ng noo, di ko alam kung bakit pero umiiyak na ako ngayon, namiss ko ang kambal ko...

Unti unti siyang lumapit sa akin, oh my gosh wala talagang nagbago sa kanya....

"Miss ok ka lang ba? Bakit ka umiiyak? Ito oh panyo, kaya mo yan, bye"sabi niya tapos umalis na siya

Nang tuluyan na siyang wala sa paningin ko tsaka pa bumalik ang katinuan sa sarili ko.... Agad ko siyang hinabol tanaw ko pa siya, shit ang laki talaga ng bias ng babaeng yun ang bilis mag lakad...

Bigla akong napatid dahil sa sintas ng sapatos ko, asar naman ohh, inayos ko saglit ang sapatos ko at tinignan ko ulit kung nasaan ang huling naka kitaan ko kay kambal pero nabigo ako kasi di ko na muling nakita pa si kambal...

Pero namalik mata lang ba ako? Pero hindi ehh kinausap pa niya ako, kung si kambal yun anong ginagawa niya dito sa pilipinas ngayon?

"Marianne ano ba!!! Kanina pa kaming naghihintay dito ohh, tara na sakay na gutom na ako pati ang yeobo ko"sabi ni jay

Tumango nalang ako at sumakay sa sasakyan,lutang ako hanggang nakarating sa resto...

"SD anong gusto mo? Seafood? Pork? Fish? Chicken? Or mag dedessert ka nalang?"tanong ni ken na nasa tabi ko lang

"Dessert nalang ang akin yung marami ahh"pinilit kong pasiglahin ang boses ko para di sila ma awkwardan sa akin

Pagkatapos kumain ay inihatid na ako ni Ken sa tapat ng bahay...

"Ken... May sasabihin lang ako"sabi ko

"Alam ko na yan SD, na mahal mo ako, na napaka swerte mo kasi nagka bf ka na kasing gwapo ko---"

"Nakita ko si kambal kanina lang"sabi ko

"Ohh? May kambal ka? Nasaan di mo pa pinakikilala sa amin ahh"sabi niya , haist di ba niya gets?

"Si zylie ang tinutukoy ko, nakita ko lang siya kanina, at heto ohh may oanyo pa sa aking binigay kinausap niya ako!!! Nandito si zylie ken!!"sabi ko na feeling ko ay nag hyhysterical na ako sa harap ni ken...

"Imposible ang sinasabi mo SD, siguro namalik mata ka lang, or maybe di ka pa naka move on sa proposal ko, ipahinga mo na yan,saranghae"sabi niya tapos hinalikan niya ako sa noo...

Siguro nga yun ang nangyari, sana...

"Magpahinga ka na ahh, mag kikita pa tayo bukas, bye SD, text text nalang"sabi ni ken tsaka siya sumakay sa kotse niya

Barkadang Brokers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon