CHAPTER TWENTY-TWO

329 13 7
                                    

Zylie POV

Nasa bahay na ako pero di parin maalis sa isip ko ang Pleiade University,kung bakit ba naman kasi naisali yun mga kalahok na school eh...

Kung nagtataka kayo kung bakit parang ang big deal sa akin ang university na yun,well dun lang naman nag aaral ang mga high school friends ko.

Yes,alam ko kung saan sila nag aaral,matagal na kasi namin yun napag isipan na kapag tutungtong kami ng college dun kami mag aaral kaso nga lang naihiwalay lang ako,bago magpasukan noon sa college nagtingin tingin muna ako sa mga social media accounts nila,at dun ko nakumpirma na natuloy pala sila sa pag aaral dun.

Kaya nga kanina tahimik lang ako nung pinag uusapan nila yung school na yun eh,haist di ko alam gagawin ko,paano kung magkita kita kami sa school festival?Di pa malinis ang pangalan ko sa paningin nila,Lalo na sa BESTFRIEND ko..

Argh!!!,di ko alam ang mararamdaman ko,kung magagalit ba ako kasi,makikita ko ulit ang mga taong minsan ko ng pinagkatiwalaan at sa huli ako ay ipinagtabuyan---or mahihiya ako kasi sa paningin nila isa akong malaking traydor(which is not true,kasi nga wala akong kinalaman sa nangyari noon)...

"zylie baba ka na muna dito tulungan mo akong magluto"sabi ni mama

"sige po,sandali lang!!!"sabi ko tapos bumaba na ako

Sa nakikita ko magluluto si mama chapsuey at manok,di ko lang alam kung anong luto ng manok...

"zylie,come here lutuin mo na itong chapsuey at ako na dito sa manok,gagawa ako ng special dish ko na 'Crispy chicken with galaxy sauce!!!"sabi ni mama

Kakaiba yung dish na yun,crispy fried chicken yun na nilalagyan ni mama ng kanyang special sauce,tinawag niya yung 'Galaxy sauce',mahilig si mama sa mga galaxy,stars,planets,tapos kung ano ano pang mga nasa outside the planet earth...

Habang nagluluto si mama,naghiwa na rin ako ng mga gulay,inihanda ko na yung mga quail eggs,pig's liver,shrimp at yung milk na gagamitin...

Sa kalagitnaan ng pagluluto namin ni mama,may naisip lang ako itanong kay mama...

"ma kamusta na ang trabaho?di ba nakaka stress?"tanong ko

"yiee si zylie naalala ako,uhm ok naman,maraming bago,pero naihahandle naman sila ng ayos,actually kanina may meeting kami,napag usapan namin yung about sa isang event na gaganapin,medyo alanganin nga ehh,kasi mahigpit ang schedule,di kayang isingit"sabi ni mama

"ahh,nga po pala may school festival na gaganapin sa school,sasali ako sa isa sa mga sports"sabi ko sabay ng ilang mga seasonings sa niluluto ko

"wow then that would be great,what sports will you be in?"tanong ni mama

"nag submit na ako ng form sa baseball team,bukas pa malalaman kung pwede ako,kasi after two weeks umpisa na ng school festival"sabi ko

"ahh bakit di ka ulit mag laro ng swimming?"natigilan ako sa tanong ni mama...

"ma di na po ako marunong lumangoy"sabi ko nalang tapos ipinagpatuloy na namin ang pagluluto,after ng ilang minutes,tapos na kaya naghain na rin kami...

"zylie tawagin mo na si zander,kakain na"sabi ni mama

Umakyat na ako at pumunta sa harap ng pinto ni kuya at kinatok na ito...

"TANDAAAA!!!,KAKAIN NA,BUMABA KA NA,WAG KANG PA-VIP"sabi ko tapos bumaba na ako,bahala siya kung di sya bababa basta ako gutom na kaya kakain na ako

"wow ang bango mama ng niluto niyong ulam!!!"rinig kong sabi ni kuya,bumaba na pala ang tanda

"syempre specialty ko at ni zylie yan ehh,oh sige na upo ka na at makapag pray na para makakain na tayo,ikaw zander ang mag lelead ngayon"sabi ni mama

Barkadang Brokers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon