CHAPTER FOURTY SEVEN

255 10 1
                                    


Ran POV

First subj. Na namin pero wala parin sila Marianne at Ken psh nag date na naman ba ang mga yun?



"Carl may assignment ka na ba kay Sir? Di kasi ako sigurado kung tama yung formula ng arrastre at wharfage na ginamit ko"sabi ko, kasi guys di naman ibig sabihin na Customs ay puro kurakot lang aba ang dami ng batas na inaaral namin at kailangan saulohin plus nag cocompute din kami ng mga komplikadong formula para sa mga VAT na ipapataw rin once na maging Customs Broker na kami...




"Ito yung assignment ko pero di ko sure kung tama din yung ginawa ko, nga pala nasagutan mo na ba yung take home quiz ni Ma'am sa CUS 204? Yung mga INCOTERMS "sabi ni Carl tapos binigay niya sa akin yung papel niya


"Hmm oo tapos ko yun, madali lang naman kuhanin yung mga FOB, FAS, DAT, DAP, DDP tapos yung iba pang groups since may mga given naman na pwedeng paggayahan"sabi ko habang iniiscan ang papel ni Carl



After kong tignan at siguraduhin na ok na ang assignment ko ay saktong dumating si Sir...



"Good morning class by the way before we start the lesson I would like you to meet your new classmate..."sabi ni Sir na dahilan para mag bulung bulungan ang mga kaklase ko.



"Patapos na ang Second semester ahh bakit pinayagan pa yun na maka enroll?"sabi ko



"Baka naman kasi malakas ang kapit sa nakatataas you know perks of having a connection in this University"sabi ni Carl na ikinatango ko




"Guys lower your voice, Miss please come in..."



"Hala Sir sorry late kami!!! Nasiraan po kasi kami ng sasakyan!!!"singit eksena ng magjowa na sila Marianne at Ken



Ahahaha epic akala ko pa naman magpapakilala na ehh lakas kasi maka agaw pansin ng dalawang ito ahahaha tawanan ang buong klase, umupo na yung dalawa sa bandang likod ko dahil yun nalang ang vancant...



"Ok as I was saying Miss please come in and introduce your self"sabi ni sir



Pumasok ang isang babae na naak uniform na rin kagaya namin, lahat kami sa klase ay natigilan nang makita namin kung sino ang transferee...



"Uyy si Zylie II yan di ba?"tanong ko kay Carl



"Oo siya nga kaso bakit parang nag iba itsura niya, last time I saw her she's not wearing an eyeliner and she don't wear like those heels"sabi ni Carl



"Kairi Yamada, 18 years old from Tokyo Japan"sabi niya



"Miss Yamada you may--- take your sit"di pa man tapos si Sir mag salita ay umupo na ito sa bandang likod and eksaktong upuan ni Zylie NAMIN noon, uhm what can I call with this situation? Weird?



"Ok so let's proceed to the lesson please pass all your assignments in count of five,.." Oh no yan na naman si Sir sa pabilisan system niya


"One...."nag uunahan na ag mga kaklase ko na pumunta sa harap para mag pasa




"Two... Sabi ko ipasa hindi tumayo, umupo kayo sa upuan niyo ang mga tatayo di ko tatanggapin ang papel"sabi ni sir kaya naman dali dali kami mag pasa sa nasa harap namin ng papel ang kaso ang nasa unahan ko naman ayaw kumilos aish bwisit



"Three..." Ipimasa ko nalang sa linya nila Carl yung papel ko aish



"Four.... And five, ok lahat ng papel na hindi naipasa sila ang ang sasagot sa harap at mag eexplain kung papaano nakuha iyon"sabi ni Sir



Barkadang Brokers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon