Zylie POVSU daw ang nanalo kaya naman,pumunta kami ni kambal sa shower room nila kuya,for sure nandun sila....
"Ihhh kambal,pasok nalang kaya tayo?nakakangawit tumayo ehh"angal ni kambal na nasa tabi ko
"Tss di ka ba nakakaintindi ng,SHO-WER ROOM? Ibig sabihin nun yung mga players naliligo or nagpapalit ng damit"sabi ko
"Ehh ano naman ngayon?"sanbi niya ulit
"Tsk sabihin mo nga,may pagnanasa katalaga sa basketball players ano?"sabi ko,nakakapikon na ehh
"Uyy wala naman,konti lang"sabi niya tapos na peace sign pa ang luka,pagkatapos nun ay tumakbo na siya paalis...
Alam niya kasi na napipikon na ako ehh,baka mabatukan ko pa,haist ang tagal nila ohh....
"Maria???"dinig kong sabi ng isang lalaki kaya napatingin ako kung sino yun....
"A-Albert..."nasabi ko nalang
"Ikaw nga.....so dito ka na pala nag aaral,talagang kinalimutan mo na kami ano?"sabi niya
Napabuntng hininga nalang ako,wow ako pa pala nayon ang nang iwan....
"Ako? Baka naman nagkakamali kayo....kayo ang nakalimot sa akin....."sabi ko
Ken POV
Hi guys,its me,nandito ako ngayon sa shower room kasama ko pa rin syempre ang mga team mates ko...
"Grabe lang bro,akala ko talaga kanina matatalo na tayo,buti nalang nakahabol tayo bago matapos ang laro...."sabi ni ran,na tumabi sa akin....nagtutuyo kasi kami ng buhok,kakatapos ko lang mag shower
"Oo nga eh,pero for sure di ito ang huli nating pagkikita sa PU,kaya kailangan dapat lang na mas magpraktis pa tayo....kelan nga ulit ang next game?"sabi ko
"Bukas na daw ehh,mamaya naman maglalaro yung VIS at HSU..."sabi niya
"Ahh,well masaya kung ganun,nga pala pupuntahan ko muna si zy,mamaya na laro nun ehh,kailangan niya ang gwapo niyang soon to be boyfriend...."sabi ko tapos tumayo na ako at kinuha ang bag ko
"Ken, goodluck,nga pala mamayang 6 pm may celebration party treat daw ni coach,pupunta ka ahh"sabi niya,tumango nalang ako
Palabas na ako ng locker room ng may marinig akong nag uusap...
"Ako? Baka naman nagkakamali kayo....kayo ang nakalimot sa akin....."dinig kong sabi ng isang babae,at sa tono palang ng boses niya,kilala ko na agad siya....
"Wag ka nga mag maang mangan sa amin maria,sinabi sa amin ni jaja at chelsia ang lahat....lahat lahat ng pagtataksil mo sa amin,isa kang malaking traydor!!! Wait kulang ata para sayo ang salitag traydor...hmm ahh,isa kang WALANG KWENTANG KAIBIGAN!!! Ooops itinuring mo nga ba kaming kaibigan?tss"sabi ng isang lalaki na kausap ngayon ni...... Zy
"Ok,sabi mo ehh,wala ka na bang ibang sasabihin pa?kasi kung wala na pwede ka ng umalis,hinihintay ko lang si tanda..."sabi ni zy
Halatang nagtitimpi siya,paano ko nasabi? Hmm sabihin na nating sa tagal naming magkakilala ni zy nalaman ko ang mga mannerism niya,like kapag nagtitimpi siya,yung kaliwa niya paa di mapakali,tapos kapag nagsisinungaling siya yung kaliwa naman....
"Ganun nalang yun?di ka ba hihingi ng sorry? Or magbibigay man lang ng explanation!?!? Ang tibay mo rin ehh,wala ka man lag konsensya sa lahat ng ginawa mo sa aming lahat....that is bullsh*t maria!!! Paano mo sa amin yun nagawa? Kapatid na ang turing ko sa iyo....pero bakit mo ako,....kami ginanito?"sabi nung lalaki na kausap niya,halatang nagpipigil din syang umiyak..namumula na nga ang mukha niya ehh
BINABASA MO ANG
Barkadang Brokers
Teen FictionA group of friends shape in one University in one course, different types of person but having one dream and that is to be a successful LCB. Can they make it through as they start to take the road of college life? Or will they forget each others lik...