"Naku Katherine! Sumama ka na ang KJ mo talaga."sabi ni Sarah sa akin at pilit akong pinapasama sa pesteng Bar na yan, Di ko siya nililigawan o ano kasi bestfriend ko yan at may boyfriend na yan. Guess what? Kuya ko pucha!
"Ayoko nga! May Date kami ni Sandra."sabi ko sa kanila, Actually wala kaming date ni Sandra matagal na kaming wala sadyang ayoko lang sumama kasi ayoko ng aura ng Bar at napangisi na lang sila.
"Kapatid si Sandra may boyfriend na yun, Kilala mo si Sandra noon pa Rine hindi siya tipo ng babaeng mag-seseryoso lalo na sa isang Lesbian na katulad mo."sabi ni Kuya na nakakatanda lang sa akin ng Five years, Tumingin ako sa kanya at sumama ang timpla ng mukha ko. Three years na kong Tomboy pero malaki pa din ang issue sa kanila.
"Ayoko nga kasi pumunta ng Bar."sabi ko at napakamot ako ng batok ko. Inayos ko din yung magulo kong buhok sa Cap ko.
"Ayun lumabas din na ayaw mo lang."sabi ni Shirley, Nakakabatang kapatid namin ni Kuya Francis.
"Eh sa ayoko bakit ba?"sabi ko at umupo sa may couch sabay patong ng paa ko sa Coffee Table.
"Ibaba mo nga yan kababae mong tao eh."sabi ni Sarah kaya naman tinaasan ko siya ng kilay.
"Babae? Wala sa pagkatao ko yan kaya tigilan niyo ko."sabi ko at tinaas ko pa lalo ang pagkapatong ng dalawang paa ko sa Coffee Table. Nagkatinginan silang tatlo na parang nag-uusap ng tingin.
"Ganoon ba? Sige ganito na lang. Di ka na namin papakialaman sa pipiliin mong Gender basta sumama ka sa amin sa Bar, Last na ito just be yourself as in your real self for today and after this hindi ka na namin papakealaman."sabi ni Sarah. Napatingin naman ako sa kanya at halatang sumusuko na sila. I smirked to her.
"Sige ba, Basta Last na ito ha."sabi ko at nagsingitian naman silang tatlo. Sabi na may pinaplano sila pero set that aside cause i'll be free after nito! Malaya na ko para piliin ang pagiging Lesbian! Umayos ako ng upo at tinignan sila.
"So anong oras tayo pupunta sa Bar?"sabi ko then they smirked actually they look creepy dahil sabay-sabay pa talaga silang nag-smirk.
"After mong mag-ayos kaya tara na sa kwarto mo."sabi ni Sarah at hinatak nila ko ni Shirley papunta sa kwarto ko. Nilingon ko si Kuya Francis at kumaway lang siya sa aming tatlo. Pagka-pasok namin sa kwarto ko ay tinulak nila ko sa banyo. Lalabas na sana ako ng harangan nila ako.
"Op Op Op!"sabi ni Shirley habang hinaharangan ako.
"Oppa Gangnam style?"sabi ko at tumaas ang kilay ko ng di ko alam, Nagtinginan naman silang dalawa na parang nag-uusap ang mata.
"Maligo ka na! Bilisan mo."sabi ni Sarah at tinulak ako papasok ng banyo saka sinara ang pinto. Pucha naman.. Ako? Eto hinubad ko ang damit ko at tumapat ako sa salamin. Napasamid ako kasi babae ang nasa harapan ko.
"Bakit ba hindi na lang ako naging lalaki para makapili ako ng taong gugustuhin ko?"bulong ko sa sarili ko habang nakatitig sa katawan ko sa salamin. When something hit me i mean there's a part of me na bumulong sa akin. "Sayang ang ganda mo pa naman kaso nagpapaka-lalaki ka." Bumalik ako realidad ng may kumatok sa pinto.
"Oy Kath bilisan mo diyaan."sigaw ni Sarah kaya naman pinihit ko na ang shower at dumampi sa balat ko ang maligamgam na tubig na nagmumula sa shower tube. After kong gawin ang rituals ko sa paliligo ay kinuha ko ang twalya at itinuyo ko ang sarili ko. Kumuha ako ng underwear at brassier sa mini Cabinet dito sa banyo ko saka ko tinapis sa katawan ko ang twalya.
Lumabas na ko sa banyo at nakangiti lang si Sarah at Sherylle habang hawak nila yung mga Dress na tinago ko sa Walking Closet na di ko na pinapasok. Bakit di ko na pinapasok? Puro pambabaeng damit kaya naman ni-lock ko na at bumili na lang ako ng Cabinet para paglagyan ng mga damit ko.
"Bakit niyo hawak yan?"tanong ko sa kanila pero they just smiled at me.
"Kailan ka ba huling nag-suot ng dress?"sabi ni Sarah at napahawak sa baba niya.
"That was three years ago Ate Sarah."sabi ni Shirley kaya naman sumama ang mukha ko. Kasi pakiramdam ko ipapasuot nila sa akin iyon.
"Don't tell me susuotin ko yan? Kung Oo tumigil kayo. Pumayag na nga akong sumama sa inyo pero sana naman respetuhin niyo ako na gusto ko ang way ko."sabi ko sa kanila at lalakad na sana ako sa Cabinet ng hinarangan nila ako.
"Remember what i said earlier? I said be your real self for today and since Last day na naman namin pakikiealaman ka eh bakit hindi namin sulitin di ba?"sabi ni Sarah kaya naman napa-role eyes ako. I was cornered by their mischievous tricks.
"Mark your words! Last.Na.Ito."sabi ko while glaring at them, They both nodded with a smile painting in their faces as i let go a big sigh in frustration. I was tricked by them.
=======
=======
Nakasimangot akong bumaba sa hagdanan namin habang nasa harapan si Sarah at nasa likod ko si Shirely talagang guarded na guarded ako. Bwisit!
"Oh na saan si Rine?"Oa na sabi ng Kuya ko, I just roled my eyes ang Oa lang.
"OMKH! Ikaw ba yan Rine?"nababaklang sabi ng Kuya ko at napahawak pa sa dibdib niya..
"Umarangkada na naman ang pagiging Fanboy mo!"sabi ko sa kanya at binatukan ko siya ng makababa kami. He's a KathNiel Fan, That famous Loveteam from ABS-CBN hindi ako Fan pero kilala ko sila dahil dito sa Kuya ko and i am a bit annoyed by his Fanboy-ing. He keep saying OMKH that means Oh My KathNiel Heart and sometimes i think that he's a gay.
"Anong masama sa pagiging Fanboy ni Francis ko? Ng dahil nga sa KN naging kami di ba?"sabi ni Sarah, Yes she's a Fan too. Avid actually, Nagkakilala sila sa Get Together ng isang Fandom ng KathNiel i don't remember the fandom but nagkakilala sila doon.
"Oo nga ng dahil sa KN naging kami ni Sarah ko, I remember that day when we met at KaDreamers GT. Akala ko kikiligin lang ako kay Kath pero sa iyo napako ang tingin ko, That time i-"pinutol ko si Kuya.
"I think i found my Kathryn Bernardo in my life."pagpapatuloy ko, Sawa na ko lagi na lang niyang sinasabi yan kapag sinasabihan ko siya about sa pagiging Fanboy niya kakarinde i-shake my head while looking at them with disgust. Napa-iling na lang ako at inirapan sila bago sumakay sa kotse ni Kuya. I heard the two of them laugh but i just don't mind!
Katabi ko si Sherylle dito sa passenger seat while Sarah was in the Shotgun seat. I look at the car window at nandiri ako. Punyeta puro sweet couples! Nang-aasar ang panahon bwisit na bwisit ako!
-;-;-;-;-;-;-
-;-;-;-;-;-;-
Angelo's POV
"Hmm, Babe."ungol nitong kahalikan ko as i trace my fingertips to her back while we're kissing. I thought she'll push me away when i touch her breast but instead nilapit pa niya ang sarili niya sa akin. I want challenging girls, Wala ako sa mood makipag-landian sa mga easy to get kaya naman na-bored ako at tumigil sa pakikipag-halikan sa kanya.
"Why babe? You're bored already?"sabi niya i just smirk. Wala na talaga ang thrill na naramdaman ko, Pa-hard to get pa kasi siya mga 15 seconds ago pero tignan mo easy to get pala.
"You just break the record, Hard to get in 15 seconds eh?"sabi ko at hinalikan ko siya akala niya she hit the jackpot pero i left her hanging there. Bitin siya? Maybe and that's not my fault.
=======
=======
Buryong-buryo ako dito sa bahay namin habang nakatunganga. Kanina pa ring ng ring ang phone ko kaya naman pinatay ko na lang. Bwisit tawag ng tawag yung mga ka-fling ko as if naman kaya kong hatiin sa gitna ang katawan ko para ibigay sa kanilang lahat saka nakakasawa na sila easy to get. Psh! Wala ng thrill, Tulad kanina.
"Oh saan lakad mo?"tanong ko sa pinsan kong si Benj na ayos na ayos ang itsura, Kababa lang niya ng hagdan.
"Sa Bar, Magkikita kami ni Shirley kasama niya yung mga mga kapatid niya saka yung girlfriend ng kuya niya."sabi ni Benj, Automatic na may nag-pop sa ulo ko.
"May chicks ba?"sabi ko at sinamaan naman ako ng tingin ni Benj.
"Kuya Angelo ipapa-alala ko sa iyo ha, Bar ang pupuntahan ni Kuya Benj at hindi manukan."singit ni Xyriel na kapatid nitong si Benj.
"Oy liit tigilan mo ko ha? Umakyat ka na nga."sabi ko at tumayo ako, Saktong ayos lang ang porma ko, Kagagaling ko lang kasi sa make out session kaninang umaga with.. uh.. sino nga ba siya? basta yun na yun!
"Tara sama ko Benj."sabi ko kay Benj at inakbayan ang pinsan ko papunta sa kotse ko.
"Kuya eto yung Dodge mo."sabi ni Benj binatukan ko naman, Ayokong nilalabas ang Dodge ko saka ayokong nagpapasakay ng iba sa sasakyan na ito. Masyado kong mahal ito kesa sa buhay ko.
"Dito tayo."sabi ko at hinatak siya sa kotse ni Tito. Bahala na siyang magalit kung tinakas namin ito.
"Magagalit si Tito Bernice nito."sabi ni Benj i just smirk to my little cousin ng maka-sakay kami sa sasakyan ni Tito.
"Malakas ako sa kanya kaya ayos na."sabi ko may sa bakla kasi yun eh pero solid din naman yun inaalagaan kami nun simula nung namatay ang magulang ko sa aksidente at namatay sa panganganak ang mama ni Benj kay Xyriel.
"Ikaw talaga pati si Tito."sabi ni ni Benj habang umiiling at nag-drive na ko. Alam ko yung Bar ilang beses na ko nakakapunta doon.
=======
=======
"Na saan na yung mga kasama mo dapat?"tanong ko sa pinsan ko na pwede ng maging giraffe sa haba ng leeg. Umiling-iling na lang at nilibot ng magaganda kong mata ang buong bar baka sakaling may ma-spot siyang magandang chix at hindi nga talaga nagkakamali ang mata ko, Na-spot kasi niya agad ang isang babae at hindi lang basta babae, Sexy Morena na nakatayo kasama ang mga kaibigan niya at halata ang bored sa mata niya.
"Ayun sila!"sabi ng pinsan ko at hinatak ako. Kung suswertehin ka nga naman doon ang punta ni Benj.
"Hi Shirley"bati ni Benj sa syota niya sabay beso dito ng makarating kami sa pwesto nila, Habang ako eto nagdadala ng El Niño sa paligid, Di ko naman sinasadyang maging Hot eh.
"Oh Benj sino kasama mo?"tanong nung syota ni Benj habang tinuturo ako na nakatitig lang sa babaeng nasa harapan kong nakatingin lang sa malayo pero bored ang mata.
"Ah Pinsan ko, si Kuya Angelo."pakilala sa akin ni Benj and as usual i flashed my killer smile.
"Cousin-in-Law ko pala! Haha hello Kuya Angelo welcome to the Family! Ako nga pala si Shirley Dela Cuesta bunsong kapatid nilang dalawa. Si Kuya Francis at.."sabi ni Shirley at tinuro ang lalaking may sariling mundo kasama ang isang babae at yung Sexy Morena na hindi niya alam kung paano ipapakilala.
"Bakit ko narinig ang pangalan ko saka sino yan?"nagtatakang tanong nung Francis.
"Wala pinapakilala ka lang ang OA mo Kuya, Cousin-in-Law ko yan."sabi ni Shirley at nabatukan siya nung Sexy Morena.
"Hoy Shirley magtigil ka! Hindi pa kayo forever niyang syota mo saka sure ka bang kayong dalawa ang ikakasal?"sabi ni Sexy at umirap. Napa-ngiti naman ako sa loob ko, Eh Hard to get kaya ito?
"Ang Bitter mo Ate pero oo Ate Rine, Sure na ako."sabi ni Shirley at uminom ng drinks niya habang ako eto pinaglalaruan yung baso habang simpleng tumititig kay Sexy. So Rine ang pangalan niya? Weird pero di ako makagawa ng damoves ko.
"Sure na sure sa plano si Bunso! Nga pala Francis Pare and this is Sarah my girlfriend."sabi nung Kuya nila eto ata ang panganay habang pinapakilala yung girlfriend niyang si Sarah.
"Angelo Santos brad."pakilala ko at kinuha ang kamay niya saka nag-shake hands. Nagbitiw kami ng kamay at tinignan ko pa-simple si Sexy, Di talaga ako nakikita. Wala bang tabla ang Charms ko sa kanya?
"OMG Benj tara sayaw tayo."sabi ni Shirley at hinatak ang pinsan ko sa Dance Floor, I can make my first move kapag nawala na ang dalawang sweet na tao sa landas ko i mean sa tabi pala namin.
"Shall we dance?"sabi nung Francis kay Sarah at pumunta na sila sa Dance Floor. Wow ang bait talaga ng tadhana sa akin ang swerte ko at malakas ako sa iyo. Eto na! It's my time to shine! Magpapakilala na ako. Humarap ako para kausapin si Sexy.
"Hi i am.."napatigil ako sa pagsasalita ko nung nakaharap ako ng wala na si Sexy sa may tapat ko at naglakad pala siya sa may Bar so i follow her. Hard to get eh? Let's see.
"Angelo Santos and you are?"pakilala ko sa kanya, She look at me and pause for a while.. Don't tell me nahuli ko na siya? Wala pala easy t-
"And i am not so interested."sabi niya sabay harap sa baso niya na may margarita. Napa-ngiti ako, This day is interesting and at the same time challenging.. I looked at her and trying to memorize her features. Black wavy hair, pointed nose and whoot! She had the S-Line and Cup B.. not bad.
"Will you stop staring?"sabi niya matapos inumin ang margarita at pinaikot ang baso.
"Why you feel conscious?"sabi ko and smirk pero nginisian niya lang ako ng tumingin siya sa akin.
"No i am not, You don't know me kaya hindi ako magpapadala sa mga tactics mo."sabi niya kaya naman napatawa ako saglit. She's really amazing and challenging, I really love to play with her, May thrill. I hope it last longer than i expected..
"Tactics? What kind of tactics are you talking about?"sabi ko as i leaned closer to her, she smirk so do i. This will be a long night i guess..
_____________________________________
How's the First Chapter? Medyo kinakabahan ako kung okay ba o hindi?
~Cynthia
BINABASA MO ANG
Prove Me Wrong
Teen FictionShe's a Bitter Girl turned into a Lesbian three years ago while He's a Bastard Casanova since birth who likes to flirt around with girls. When Casanova meets Lesbian he had this interest to her, She's too Challenging for him pero paano na lang kung...
