“Umutot ka na?”panay ang tanong ni Angelo kay Kathy kung umutot na nga ba ito. Oras-oras tinatanong niya si Kathy kung umutot na ba ito.
Naaasar na si Kathy pero pinipigilan lang niyang magalit kay Angelo dahil ito ang nagsugod sa kanya sa Ospital pati na rin nag-bayad ng bills niya kahit na kaya naman nilang bayaran. Wala eh pasikat ang kurimaw.
“Kathy ko, Umutot ka na?”tanong muli ni Angelo sa kanya sa hindi na niya mabilang na beses. Tinignan na niya ng masama si Angelo kung bakit pilit siyang tinatanong kung umutot na ba siya o hindi pa?
Na saan na nga ba ang mama niya maging ang mga kapatid niya? Bakit ang kurimaw at lokong si Angelo ang nagbabantay sa kanya? At bakit siya kinukulit nito kung umutot na ba siya?
“Leche Angelo tigilan mo ko, Hindi nga ako nauutot.”asar na sabi ni Kathy at napabuntong hininga si Angelo.
“Kailangan mong umutot kaya umutot ka na.”pamimilit na sabi ni Angelo kay Kathy na para bang big deal ang pag-utot ni Kathy.
“Tangina Angelo tigilan mo na ako sa utot-utot na iyan!”asar na sigaw ni Kathy at dahil sa sigaw na iyon..
*purirrt*
“Yes umutot na ang Kathy ko at ang cute pa huh?”sabi ni Angelo at may kinuha sa plastic sa tabi ng hospital bed ni Kathy. Napatakip naman ng mukha si Kathy sa utot niya, Lecheng Angelo ‘yan.
“Oh kumain ka na Kathy ko, Ako mag-aalaga sa iyo bakante na ako ngayong buwan.”parang bata na kwento ni Angelo kay Kathy. Nagtataka naman si Kathy sa astang ito ni Angelo at kung makatawag sa kanya ng “Kathy ko” eh parang pagmamay-ari talaga siya nito.
“Anong pinagsasabi mong bakante?”nagtatakang tanong ni Kathy at sinimulan ng lantakan ang pagkain sa harapan niya dahil gutom na siya, Hindi pa siya kumakain simula kagabi at kaninang breakfast dahil hindi pa raw pwede. Iyon pala kailangan niya lang umutot.
“Ahh, Eh di ba halos ilang araw akong wala at hindi mo ko nakita? Busy kasi ako sa trabaho eh. Siyempre hindi naman ako tambay at may trabaho rin ako kaya flowers lang ang naibigay ko pero ngayong libre ako ng isang buwan itutuloy ko na yung panliligaw ko sa iyo para hindi sabutahihin nung tengene mong kapatid.”mahabang litanya ni Angelo na parang babae habang tinatalupan siya ng mansanas. Napapailing na lang si Kathy sa mga astang iyon ni Angelo.
“Angelo..”tawag ni Kathy sa nagtatalop na si Angelo, Tinignan naman siya ni Angelo saglit bago ibalik ang tingin sa tinatalupang mansanas.
“Bakit? Sasagutin mo na ko?”bulalas ni Angelo kaya nakatanggap siya ng sapok mula kay Kathy.
“Leche! Kapal ng mukha mo.”asar na sabi ni Kathy at natawa na lang si Angelo sabay abot sa kanya ng mansanas na agad namang inayawan ni Kathy. “Ayoko! Baka nilagyan mo ‘yan ng gayuma.”
“Walang gayuma ‘to at kung sakaling mainlove ka sa akin after mong kumagat dito, Hindi yung mansanas ang dahilan kung hindi itong kagwapuhan ko.”buong pusong pagmamalaking sabi ni Angelo sa kagwapuhan niya sabay kuha ng kamay ni Kathy at nilagay ang mansanas doon.
BINABASA MO ANG
Prove Me Wrong
Teen FictionShe's a Bitter Girl turned into a Lesbian three years ago while He's a Bastard Casanova since birth who likes to flirt around with girls. When Casanova meets Lesbian he had this interest to her, She's too Challenging for him pero paano na lang kung...