Chapter 3

2.4K 36 1
                                        

Hopia.. Iyan ang nasabi ko matapos sabihin ni Tito Bernice ang word na "Patola" tungkol sa kanyang Revenge Plan sa pamilya niya. Nanloloko lang pala siya pero nakakaasar lang kasi nambulabog pa siya ng tulog nun kaya ayun napa-walk out kami ni Benj i mean si Benj lang pala kasi naka-wheelchair ako noon.


Kung itatanong niyo sa akin kung kamusta na si Junior ayos na siya nakakapaglakad na nga ako eh pero alam niyo yung malupit? Nandito lang ako sa bahay ng tatlong araw at sobrang naburyo ako. Wala akong contacts sa mga flings ko nakakabwisit lang feeling ko kulang ang buhay ko sa loob ng tatlong araw kaya ayun pero ngayong ayos na ko. Gaganti talaga ako sa babaeng yun! Itaga niyo pa sa mga mapangheng panty ni Tito Bernice, Gaganti talaga ako sa pamangkin niya hindi kasi talaga makatarungan yung ginawa niya eh paano na lang kung nabaog ako edi nawalan na ng magandang lahi ang mundo pero swerte siya at hindi pa ako baog. Paano ko nalaman? Nag-master..... alam niyo na yun!


Kaya eto kasalukuyan akong naka-upo sa Counter Top habang nagbabasa ng Cookbook pero ang totoo kong tinitignan ay ang FHM, Ang panget nga ng nasa Cover eh hindi ko kilala pero ang alam ko lang eh ang panget niya. Nang makita ko si Benj na pababa ng Hagdan at pormang-porma ang loko kaya naman ibubuka ko palang ang bibig ko para tanungin ang pinsan ko ng..



"Oh Kuya Benj saan lakad natin?"singit ni Xyriel sabay tingin sa akin habang naka-ngiti ng malaki bago siya umakyat sa itaas, Napa-iling na lang ako dahil kahit kailan talaga itong bulinggit na ito nakakabwisit eh.



"Ah kayna Shirley, May project kasi kami sa Physics."sabi ni Benj kaya naman napatalon ako sa Counter Top at binaba ang Cookbook.



"Sama ko."nakangiti kong sabi kay Benj at napa-frown naman siya sa sinabi ko.



"Bakit? Gusto mo na naman bang hindi makalakad ng tatlong araw?"sabi ni Benj tapos ngumiti naman ako ng nakakaloko.



"Kaya ko na sarili ko saka hindi ko hahayaan na mangyari ulit yun. Ako pa!"sabi ko at sabay kaming naglakad palabas ng bahay.



"Nga pala sure ka bang Project sa Physics ang gagawin niyo ni Shirley hindi ibang project?"sabi ko kay Benj kaya naman sinamaan ako ng tingin ni Benj.



"Teka eh bakit ang sama ng tingin mo? Tinatanong ko lang naman kung Project sa Physics lang ang gagawin niyo malay mo meron sa History o kaya sa Trigo di ba?"sabi ko at natawa naman ako sa reaksyon ni Benj.



"Bakit ano bang iniisip mong Project?"tanong ko sa kanya at sumimangot naman siya sabay kunot ng noo.



"Wala naman akong iniisip eh baka ikaw may iniisip."sabi niya at naunang maglakad tawa na lang ako ng tawa hanggang makarating kami sa bahay nila Shirley. Malaki rin pala bahay nila pinapasok kami ng katulong nila at parang may nagtatalo sa loob.



"Hindi ka pupunta sa Date na yan Katherine!"sigaw ng babaeng ang baba ay hugis mangga. Napakamot naman ng ulo si Katherine, Nakatalikod siya sa amin kaya hindi niya kami napansin ni Benj na pumasok.



"Pero Ma naman eh."reklamo niya sa mama raw nila.. Nanay nila? Di nga? Eh bakit ang ganda ni Katherine tapos etong nanay nila.. Ay No Comment na lang baka kamukha ng Tatay.



"Hay naku Katherine! Kababae mong tao ginagawa mo iyan."sabi ng mama nila ng mapansin kami ni Benj sa may pinto.



"Uy Benj hinahanap mo si Shirely nasa may Garden na siya at ikaw iho sino ka?"tanong ng mama nila kaya naman naiwan ako dito dahil umalis na si Benj. Humarap naman sa amin si Katherine at halata sa mukha niya ang asar.



"Ah Pinsan ho ako ni Benj, Angelo Santos ho pala."sabi ko sabay labas ng aking famous killer smile na sure na sure akong maiihi ka sa panty mo at mahihimatay sa kilig, 8 out of 10 girls na-experience ko na yan kapag ngumingiti ako. Meron pa nga nagdeliryo eh ayun sinugod sa Ospital Dead on Arrival, Di ako nagbibiro pero after 8 minutes nabuhay daw ulit. Iyon yung balita ko di ko lang alam kung totoo.



"Bakit nandito ka?"tanong niya sa akin at napatayo pa sa sobrang asar, Alam mo yung ako dapat yung magalit sa kanya dahil namaga sa Junior ng tatlong araw dahil sa kanya?



"May utang ka kasi sa akin."sabi ko at tinapik naman ako sa balikat ng nanay nila.



"Iho pagpasensyahan mo na yang anak ko sa kagaslawan niya, Bitter lang yan."paliwanag ng nanay niya sa akin.



"Ma naman hindi ako Bitter! Saka don't talk to strangers."sabi niya sa nanay niya na papaakyat sa hagdan.



"Hay naku maiwan ko muna kayo mukhang may pag-uusapan kayo ni Pogi eh, Umayos ka anak."sabi ni ng nanay niya bago tuluyang umakyat.



"Nandyan ang pinto umalis ka na."sabi niya at aalis na sana siya ng higitin ko siya saka ko hinarap sa akin.



"Balita ko hindi ka raw nakapaglakad ng tatlong araw? Gusto mo ulit wag makalakad?"sabi niya kaya naman napangiti ako.



"So nakikibalita ka pala sa akin? Sabi na eh type mo rin ako."sabi ko sa kanya kaya naman napa-simangot siya at aakmang sisipain niya ulit si Junior ng umilag ako.



"Wag mo ngang sipain si Junior konti na lang iisipin ko pinagnanasaan mo na siya eh."pagkasabi ko nun sinamaan niya ako ng tingin.



"Kapal ng mukha mo lumayas ka na nga dito."sabi niya sa akin at aalis na sana siya kaya lang hinigpitan ko ang pagkahawak ko sa braso niya at nagpumiglas siya pero sorry siya malakas ako.



"Alam mo bang may utang ka pa sa akin?"sabi ko sa kanya at tinignan niya ako ng masama.



"Bitawan mo nga ako saka anong utang?!"galit na sabi niya pero sorry siya mas galit ako sa kanya pero ginagawa ko lang playful ang sarili ko. Pinatalikod ko siya sa akin at hawak ko ang dalawang braso niya ng mahigpit para hindi siya makaagpas sa akin.



"Anong gagawin mo?"sabi niya sa akin kaya naman nilapit ko ang bibig ko sa tenga niya.



"Hindi kita bibitawan kasi nga may utang ka pa sa akin at kung tinatanong mo kung ano ang utang mo.."bulong ko sa kanya at kinagat ko yung tenga niya. Napa-chuckle naman ako sa reaksyon ng katawan niya dahil tinaasan siya ng balahibo sa ginawa ko.



"Peste ang utak mo rin ano? Para hindi kita masipa diyaan ka pa talaga pumwesto sa likod ko ano? Ano ba kasi yung utang ko peste ka para mabayaran na kita at lumayas ka na."sabi niya kaya naman napa-grin ako sa sinabi niya.



"I want you to feel my Solid, Liquid and Gas Revenge."bulong ko sa kanya at natawa naman siya sa sinabi ko.



"Bakit hindi mo na lang sinabi na Matter Revenge dahil iyon din naman yun."sabi niya sa akin pero nilapit ko ang katawan ko sa kanya at ang bibig ko sa may tenga niya.



"No it's not, Eto ang Solid Revenge ko."sabi ko and tinusok ko sa likod niya si Junior na matigas.. Nanigas naman siya at hindi makagalaw. Napangiti naman ako sa pinag-gagawa ko. Dinilaan ko ang leeg niya saka ko hinipan.



"And that was Liquid and Gas."bulong ko sa kanya.



"Manyak!"sigaw niya kaya naman tawa ko ng tawa ng bitawan ko siya at umupo ako ng prente sa Sofa nila. I was damn too fast and handsome kaya hindi niya ko napansin.



"Ang baduy mo naman mag-suot kapag nandito ka sa bahay niyo."biro ko sa kanya, Paano kasi naka-tokong siya tapos naka-tshirt at polo.



"Anong baduy? Style ito tanga!"sabi niya at magsasalita na sana ako kaya lang tumalikod siya para sagutin ang phone niya.



"Hello, Oo na papunta sige na! Oo na wag ka na makulit Herher."sabi niya sa kausap niya tapos humalakhak pa siya bago ibaba ang phone niya, Tumingin muna siya sa akin bago umiling sabay labas kaya lang dahil sa makulit ako sinundan ko siya.



"Saan ka pupunta?"tanong ko sa kanya at napahinto siya sa paglalakad. Slowmo pa ng lingunin niya ako at nanlalaki pa ang mata niya.



"Sinusundan mo ba ako?"sabi niya kaya naman napa-smirk ako. May kalokohan na naman kasi akong naisip.



"Eh ano naman sa iyo kung sundan kita?"sabi ko sa kanya at aakbayan ko sana siya ng naglakad na siya palayo kaya na-akbayan ko? Hangin. Bwisit lang bakit ba ang ilap nitong babaeng ito? Apat na araw na siyang nagpapakipot sa akin ah idagdag niyo pa ang araw na ito.



"Pwede ba wag mo nga akong sundan."reklamo niya sa akin pero di ko siya pinansin, Sinabayan ko pa siya sa paglakad.



"Wala kang paki kung susundan kita okay? Saka dahil sa iyo bored na bored ako ng tatlong araw."sabi ko sa kanya at umiiling-iling siya habang naglalakad. Napangiti naman ako kasi alam kong naa-annoy ko siya.



"Oh ano naman kung bored ka? So Kasalanan ko bang nambastos ako tapos kapag nasaktan siya eh sisishin pa niya yung nakasakit sa kanya?"sabi niya sa akin at ngumiti naman ako.



"Oo kasalanan mo."sabi ko at napa-pokerface naman siya hanggang sa makarating kami sa labas ng isang Convenient Store. Nang may tatlong maliliit na lalaki ang lumapit sa amin actually kay Katherine lang.. Ang haba ng pangalan niya.



"Kath."approached ng isa sa maliit na lalaki actually para silang babae therefore i conclude mga tomboy sila.. Tomboy?!



"Uy Maria Virginia."sabi naman ni Katherine, So Kath pala ang short ng Katherine niya. Ayokong tawagin siyang Kath marami ng tumatawag sa kanya. Gusto ko ako lang ang tumatawag sa kanya ng itatawag ko para Unique.



"Marvie! Okay? Marvie hindi Maria Virginia."sabi nung pinakamaliit. Goin' Bulilit lang ang peg niya ang liit.



"Goin' Bulilit, Goin' Bulilit kami ay maliliit."kanta ko sinamaan naman ako ng tingin ng tatlo pero yung tingin ni Katherine para akong pinapatay.



"Nangaasar ka ba?"sabi nung medyo malaki sa kanila at aambaan ako ng suntok ng awatin sila ni Katherine.



"Sino ba yan?"sabi naman nung nakasalamin na ang payat mukha siyang Kitkat.



"Oo nga Kath? Sino ba yan?!"galit na sabi naman ni Goin' Bulilit. Napa-ngiti naman ako baka kasi kiligin silang tatlo tutal babae naman sila.



"Ah eto? Asungot lang sa buhay ko tara na saan ba kami magkikita?"tanong ni Katherine sa kanilang tatlo. Sino naman ang pupuntahan nito?



"Eto Kath ang name niya, Aaliyah Benisano naka-floral dress siya at pumps wag kang magkakamali Kath."sabi nung nakasalamin na payat. Na-curious naman ako kasi naka-floral dress at pumps so babae yun, Don't tell me tomboy itong si Katherine? Haha baka laro lang para layuan ko siya. Grabe lang ha! Ang talino niya pero mas matalino ako.



"Sino kikitain mo Katherine?"tanong ko sa kanya pero nag-role eyes lang siya sa sinabi ko. Wow ang ayos niyang sumagot.



"Sige na Marvie, Epey at Kim sibat na ko harangan niyo itong panget na ito masira pa diskarte ko."sabi ni Katherine, Nanlaki ang mata ko sa way ng pagsasalita niya parang lalaki pero sorry siya akala niya madadala ako sa paga-acting niya? Haha!



"Hoy Katherine wag mo kong iwan sa mga Alien na ito."sabi ko pero inangat niya lang yung kamay niya habang naglalakad palayo. Okay napa-pokerface ako dahil ang sama talaga ng tingin ng tatlong tomboy na ito sa akin.



"Sabihin niyo nga sa akin, Tomboy ba kayo?"sabi ko sa kanila at nagkatinginan sila sabay tingin ulit sa akin.



"Eh ano ngayon sa iyo?"maangas na sabi nila. Bwisit naangasan ako sa mga ito pigilan niyo ko mabubugbog ko itong mga ito pero chill ka lang Angelo mga babae yan pwedeng landiin.



"Kinokonfirm ko lang baka kasi alam niyo na pinaglihi kayo sa duwende."sabi ko sa kanila at aakmang sasapakin nila ko pero umilag ako. Sorry sila lalaki ako malakas ako. Nag-smirk ako ng humarap sa kanila sure akong nagwapuhan sila sa akin kahit na hindi sila na-attract dahil natigilan silang tatlo.



"Angelo Santos nga pala at your service."sabi ko sabay wink sa kanilang tatlo napatingin naman ako sa lalamunan nila sure akong napalunok laway silang tatlo. Ang gwapo ko talaga tsk!



"Marvie Tol."sabi ni Goin' Bulilit, Marvie pala ang name niya Haha ang liit niya lang.



"Epey."sabi nung payat na nakasalamin.



"Kim."sabi naman nung mataba, Napangiti ako sa loob-loob ko kasi naman pati tomboy kikiligin talaga sa kagwapuhan ko.



"So saan ang lakad ni Kathy?"sabi ko sa kanila. Kusang lumabas ang Kathy sa bibig ko okay na rin ang unique nga eh hindi rin mahaba at ako lang ang tatawag sa kanya ng ganoon.



"Bakit naman namin sasabihin sa iyo?"sabi nung Kim kaya naman nagpa-cute ako sa kanilang tatlo.



"Kasi may sasabihin ako sa kanya nakalimutan ko."sabi ko sabay flash ng killer smile ko and again natigilan na naman silang tatlo. Tsk! Anong masasabi ni Daniel Padilla, Enrique Gil, Khalil Ramos, Xian Lim, Enchong Dee, John Lloyd Cruz at Piolo Pascual sa kagwapuhang taglay ni Angelo Santos na pati Tomboy napapasunod sa kanyang Charms.



"Ah sa National Park may kikitain na chix."sabi nung Marvie ngumiti naman ako ng malaki.



"Salamat."sabi ko sabay kindat at naglakad na palayo. Ang gwapo ko talaga kaya ngayon Kathy ikaw na lang ang kulang kita mo iyon? Pati mga tomboy can't resist sa Charms ko ikaw lang talaga ayaw tablan.


Naglakad na ko papuntang National Park na ilang metro lang ang layo. Nang makarating ako nakita ko si Kathy may kasamang babae at parang napipilitan lang yung babaeng kasama siya. Napasimangot naman ako dapat sa akin ginagawa ni Kathy yan eh bwisit na babae yan kung ayaw niyang kasama si Kathy edi sana sinabi niya agad hindi yung huhuthutan niya pa ng panlibre masyadong pulubi bwisit. Eto namang si Kathy masyadong despirada na makasama iyang babae pwede naman ako di ba? Lalandiin ko na lang siya para feel niyang babae ang kasama niya.


Baka kung ano pinag-iisip niyo na inlove na ako kay Kathy? Isang malaking HINDI! Lalandiin ko lang isasali ko siya sa Collection ko at kapag nahulog sa akin ang babaeng yan sure ako napakalaking achievement na sa akin yan para sa isang Casanova na katulad ko. Nilapitan ko na sila at napasimangot ako lalo mahihirapan akong landiin si Kathy parang tomboy talaga pero naiiisip ko na baka laro lang yan kaya naman lumapit ako with my oh so handsome face na may nakatatak na ngiting malaki.



"Hi Kathy."sabi ko kay Kathy at napalingon naman silang dalawa nung babaeng ka-date niya ata. Role eyes ang natanggap ko mula kay Kathy at yung babaeng kasama niya na-starstruck ata sa kagwapuhan ko kaya lang hindi ko siya pinansin, Knowing na ganoon ang kilos niya kanina? Haha mahilig ako sa babae pero hindi naman ako magpapakatanga saka may Mission ako kaya next time ko siya lalandiin kapag may time.



"Ayt! Hindi namamansin si Kathy."sabi ko sa kanya at role eyes na naman ang natanggap ko.



"Kathy."tawag ko sa kanya at sinundot-sundot pa ang braso niya. Muntanga ako dito pero wala akong paki dahil talagang lalandiin ko siya, Interested ako eh apat na araw ba naman magpakipot hindi pa nangyayari sa akin ito ano!



"Pwede ba tigilan mo ko! Saka hindi Kathy ang pangalan ko."sabi niya pero tinawanan ko lang siya at take note yung cute na tawa para naman matigilan din siya tulad nung tatlo kanina.



"Alam ko masyadong mahaba kasi yung Katherine kaya Kathy na lang para ako lang ang pwedeng tumawag."sabi ko sa kanya at sumama naman ang mukha niya.



"Pwede ba doon ka nga! May Date ako."sabi ni Kathy pero nag-pout naman ako at lumakad palayo mga tatlong steps lang hoping tawagin niya ko ulit kaso wala Dedma bwisit lang!



"Uhm Kathy?"tawag ko kaso hindi niya ko pinansin tinignan ko naman yung ka-date niya na naka-focus lang ang tingin sa akin.



"Uhm.. Kat pwede bang iwan muna kita sandali? Hey Handsome what's your name?"sabi nung ka-date ni Kathy napangiti naman ako kasi buti pa yung ka-date ni Kathy napansin ako samantalang siya hindi.



"Angelo Santos Miss?"sabi ko, Landiin na nandiyaan na siya na yung lumalapit oh.



"Aaliyah, Aaliyah Benisano."pakilala niya and i offer my hand para sa shakehands.. Okay malambot ang kamay niya pero still lalandiin ko lang hindi ako interesado walang thrill hindi tulad kay Kathy meron.



"Hoy asungot! Pwede bang maghanap ka ng ka-date mo hindi yung mangunguha ka ng may kadate."sabi ni Kathy sa akin at tinulak-tulak pa ako habang ako nakataas ang kamay ko na parang nagsu-surrender.



"Hey ano ba? You stupid tomboy! Halata naman na hindi kita gusto at si Handsome ang gusto ko. Siya lalaki ikaw nagpapakalalaki! Do you think magkakagusto ako sa kauri ko?"sabi nung babae kay Kathy nakalimutan ko agad pangalan eh, Sorry. Tinignan ko si Kathy na natulala sa sinabi nung babae ang hard naman kasi eh. Napansin kong huminga siya ng malalim bago ako tignan at yung tingin niya kung nakakamatay kanina pa ako pinaglalamayan.



"Kasalanan mo ito magbabayad ka."sabi niya sabay bangga sa balikat ko. Oh anong ginawa ko? Hindi naman ako yung nagsalita ng masakit sa kanya kungdi itong babae. Pinulupot nung babae yung braso niya sa leeg ko.



"So wala ng istorbo."sabi niya at ngumiti naman ako ng matamis habang inaalis yung kamay niya sa leeg ko.



"Sorry pero kailangan kong habulin si Kathy."sabi ko sabay takbo para habulin yung talagang Target ko. Ang bilis niya lang maglakad..



"Kathy."tawag ko kay Kathy pero hindi niya ko pinapansin pakiramdam ko galit siya.



"Uy Kathy pansinin mo naman ako mukha akong tanga dito."sabi ko sa kanya pero hanggang sa makauwi kami sa kanila dedma. Problema ng babaeng ito?



"Uy Kathy.. Kathy.. Kathy.."tawag ko sa kanya pero huminto lang siya sa tapat ng gate nila at sinamaan ako ng tingin.



"Bwisit ka dahil sa iyo naudlot ang date ko, Dahil sa iyo nasira ang date ko! Epal kang gago ka!"sigaw ni Kathy sa akin at pinagsasapak ako sa dibdib ko na parang si Pacman pero sorry siya babae pa rin siya at ang hina ng sapak niya para sa akin. Hinawakan ko yung dalawang kamay niya dahil kahit naman mahina ang sapak niya nakailang sapak na rin siya at nakakasakit na rin. Oo nasasaktan na ko ikaw kaya sapakin ko sa dibdib ng ilang beses?



"Bitawan mo ko!"sigaw niya at dahil sa kalandian ko hinatak ko yung batok niya at nilapit ko yung mukha niya sa mukha ko. Isang palito ng posporo na lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko.



"Shh baby you're so damn hot.. Chill ka lang."sabi ko sa kanya at ngumisi ako ramdam kong nanghina siya sa ginawa ko. Ang gwapo ko talaga..



"Bitawan mo ko."sabi niya at nagpumilit siyang kumawala kaya ang ginawa ko hinalikan ko na siya. Napasinghap siya nun ng kumalas ako sa halik, Nakakatuwa talaga ang reaksyon niya.



"Put- Pengeng Alchohol! Kadiri!"nagsisigaw siya at punas siya ng punas ng labi niya tapos dura pa ng dura. Tawa naman ako ng tawa sa reaksyon niya.



"Sorry but baby that's part of my revenge."sabi ko sabay smirk. Nang mahagip ng mata ko sina Francis at Sarah na nasa Gate habang nakanganga.



"Ang landi mo Angelo."sabi ni Sarah napangisi naman ako sabay tingin kay Kathy na talon ng talon dahil sa pandidiri.



"Mind if you could explain?"sabi ni Francis sa akin, Sure akong kailangan kong magpaliwanag dahil kapatid niya si Kathy.

Prove Me WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon