Limang araw na ang nakalipas simula ng ginawang panghaharass sa akin nung gagong si Angelo at ngayon nag-uusap si Sarah at Shirley dito sa Garden.
“Malapit na ang araw ng mga puso, Anong balak niyo ni Benj?”tanong ni Sarah sa kapatid ko, Tsk! Iimpluwensyahan pa ng hindi maganda ang kapatid ko eh.
“Siguro Date, Stroll at the park o mag-theme park kami. Eh kayo ate Sarah? Anong gagawin niyo ni Kuya?”usisa ni Shirley sa gagawin sa araw ng mga puso ni Sarah at ni Kuya Francis.
“Hmm.. Di ko alam pag-iisipan pa namin.”sabi ni Sarah sa kapatid ko, Nandito lang at nakatunganga. Hindi ako makakasali sa usapan nila dahil pucha! Single ako.
“Eh ikaw Kathy? May date ba kayo ni Angelo?”tanong ni Sarah kaya naman mabilis akong napatingin sa kanilang dalawa. Napataas din ako ng kilay sa pinagsasabi nila.
“Sino? Si Angelo? Nagpapatawa ba kayo? Psh! Puputi muna ang uwak.”sabi ko sabay hugot ng magazine na nasa table na kaninang binabasa ni Sarah.
“Pero di ba may sinabi siya sa iyo nung nakaraan? Ano nga ba yun Shirley?”tanong ni Sarah sa kapatid ko sabay taas baba ng kilay niya, Rinolyo ko na lang ang mata ko. Naalala ko na naman ang pang-haharass nung gagong yun.
“Ah liligawan daw niya si ate.”sabi ni Shirley na nagkyu-cutics sabay tawa ng napakalakas. Kapag naka-alis si Sarah, Kukutusan ko itong babaeng ito.
“Naku! Tigilan niyo ko kay Angelo walang salita yung gunggong na yun. Pinanindigan ba niya yung sinabi niya? Hindi! Gagong iyon sinasabi ko na nga ba’t walang magandang idudulot at intensyon yung lokong iyon eh.”sabi ko sa kanila habang nililipat ang pahina ng magazine na binabasa ko. Actually hindi naman ako nagbabasa eh, Nililipat ko lang. Ni hindi ko nga alam kung ano ang binabasa ko at tinitignan ko dahil sa mga iniisip ko sa pesteng lalaking iyon.
“Umasa ka naman.”asar ni Sarah sa akin at nag-apir sila ni Shirley sabay tumawa. Napasimangot ako sa sinabi nila. Ako umasa kanino? Kay Angelo? Psh! Asa!
“Ako? Aasa? Tsk! Diyaan na nga kayo!”sabi ko at hinampas ko yung magazine sa mesa bago ako tumalikod para maglakad palayo. Narinig ko pa ang halakhakan nilang dalawa.
“Nga pala, Kathy!”tawag sa akin ni Sarah kaya naman asar akong lumingon sa kanila.
“Ano?!”inis ko silang nilingon, Tumawa muna si Sarah bago siya magsalita.
“Ang galing mo, Nakabasa ka ng magazine ng pabaliktad.”sabi ni Sarah sabay taas ng magazine na hinampas ko kanina. Napakunot naman ang noo ko at inirapan ko si Sarah bago ako naglakad.
![](https://img.wattpad.com/cover/8841443-288-k232807.jpg)
BINABASA MO ANG
Prove Me Wrong
Teen FictionShe's a Bitter Girl turned into a Lesbian three years ago while He's a Bastard Casanova since birth who likes to flirt around with girls. When Casanova meets Lesbian he had this interest to her, She's too Challenging for him pero paano na lang kung...